MFY #01

1.6K 37 47
                                    

"Arf, arf!"

Nilapitan ko si Sic. Ang aso kong mamimiss ko kapag nasa Maynila na ako. Iiwan ko kasi siya dito sa probinsya namin para may kasama sila Mama at Papa at ganu'n na din ang mga kapatid ko-in short, para may kasama ang pamilya ko.

Binuhat ko siya. "Sorry, Sic. Kailangan kong magtrabaho, eh. Babalikan kita dito. Kaya paka-bait ka, ah? Huwag kang kukuha ng pagkain sa lamesa kapag hindi ka naman pinapakain, ah? Pero kapag hindi ka nila pinakain, sumbong mo sila kapag tumawag sila sa akin, ako ang hindi magpapakain sa kanila."

Dinilaan niya naman ang mukha ko kaya inilapit ko na siya sa akin at niyakap ng sobrang higpit.

"Meeeh, meeeh," nakasunod naman sa akin si Raphael. Siya ang balak kong isama sa Maynila dahil baka gawin siyang papaitan nu'ng mga kapitbahay naming mga lasenggo kapag nakita siya sa labas. Mas masarap i-lengua ang kambing pero alam ko namang hindi siya masarap dahil maliit pa ito kumpara du'n sa mga niluluto talaga.

"Uhm... Sic, ikaw na lang muna ang maiwan dito, ah? Bantayan mo yung bahay pati sina Mama at Papa. Tapos kapag may manliligaw sa kapatid ko at hindi mo bet, kagatin mo. May permiso ka galing sa'kin." Tsaka ko hinaplos ang ulo niya.

"Arf! Arf!" Tsaka niya pa iwinagayway ang buntot niyang hindi pa gano'n kahaba dahil tuta pa lang ito.

Ibinaba ko na siya at tsaka tumayo para pumasok sa loob at kunin ang gamit ko dahil anumang oras ay aalis na ako. Hinihintay ko lang ang susundo sa akin.

"Anak, magbaon ka nito, oh." Tsaka ako nilapitan ni Mama at tsaka ako binigyan ng isang paper bag na medyo maliit.

"Ano po 'to, Ma?" Tanong ko habang tinitingnan kung anong laman nu'n.

Napangiti ako kaagad nang makitang may ginataang mais at ginataang monggo du'n. Pero kaagad akong nagfake ng pout at humarap sa Nanay ko.

"Oh, bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Walang pong biko o kahit manlang na ube halaya, wala." Mas lalo ko pang itinodo ang pagpa-pout.

Ilang sandali pa ay naglabas na siya ng isa pang paper bag at ibinigay sa akin.

"May tibok-tibok na rin diya'n. Alam mo naman ang Nanay mo, ayaw kang nagugutom." Tsaka niya pa ako tinusok sa tagiliran ko kaya natawa na talaga ako pero tumigil din naman siya kaagad.

"Osya, magtitinda pa ako, eh." Sabi niya bago pumasok sa kusina. Binitawan ko na muna ang mga paper bags na binigay niya du'n sa may lamesa at tsaka ako pumunta sa kusina.

Bumungad sa akin ang amoy ng mga niluto niyang kakanin. Biko, Ube Halaya, Ginataang Mais, Ginataang Monggo at ang paborito kong Maja Blanca.

Tinulungan ko na siyang magbuhat at tsaka kami pumunta sa harapan ng bahay namin dahil du'n lang siya pumupwesto at mas maraming nakakakita ng paninda niya.

"Ma, si Kuya Bricks po pala, nasaan?" Tanong ko dahil baka nasa basketball court na naman siya.

"Miss mo na kaagad ako, hindi ka pa man umaalis," tsaka may umakbay sa akin. Siyempre yung Kuya ko alangan naman ang syota ko, eh wala naman ako nu'n at hindi ko priyoridad.

"Hanap-hanap ka na din kasi ng trabaho, 'di ba Kuya? Magaling ka naman sa Inglisan, bakit hindi ka mag-call center?" Pagmumungkahi ko bago siya kinurot sa tagiliran niya.

"Ma, oh." Pagsusumbong niya pa.

"Tama naman kasi si Ate, Kuya. Hanap-hanap ka para hindi siya yung pupunta sa Maynila para lang makapag-trabaho. Mag-aaral pa 'yan pagdating du'n. Ikaw naman, graduate na tapos-" Sabi naman nu'ng bunso namin na si Cassandra bago ipinaikot ang mga mata niya.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon