"Primo?" Tawag ko habang pababa ng hagdan nitong bahay na binigay ni Recca.
Limang buwan na akonh nakatira dito pero hindi pa din ako sanay. Lalo na may dalawang sumisipa sa loob ng tiyaan ko.
"Yes, Ate Aily?" Tanong niya nang makalapit ako sa kanya sa may sala kung saan niya inaayos 'yung mga gamit niya.
"Nasaan 'yung Kuya mong Engineer?" Tanong ko at tsaka pumaywang pa.
"Maybe he's outside. Training Primeir how to swim." Tsaka pa siya nagkibit-balikat.
"Sa dagat talaga?"
Tumango siya bago tumawa. "Yeah. Do you need something?"
Umupo ako sa sofang nasa likuran niya at tsaka ginulo 'yung buhok niya. "Tapos ka na ba sa mga assignments mo?"
Tumango siya. "I'm just fixing them so, I can help if you need me."
"Uhm, sige, sige. Samahan mo ako sa palengke pagkatapos mo."
Kinunutan niya ako ng noo. "What are we going to do there? We have a lot of foods in the cabinet."
"May mais ba doon?" Tanong ko na pinag-isipan pa niya.
"Yeah. The canned corn."
"Pake ko du'n sa de lata? Pang-Maja Blanca ko lang 'yon. Gusto ko magluto ng Swam, eh. Kaya kailangan ng-"
"MAIS!!! MAIS!!! BILI NA KAYO NG MAIS!!! KWARENTA PESOS LANG!!! BAGONG ANI!!!"
Napa-kunot-noo ako. "May maisan dito? Tawagin mo nga, Primo!"
Tumayo naman siya at tsaka nagmamadaling pumunta sa harapan.
"Kuya, sandaley leng dew po." Slang na slang na pagkakasabi niya kaya medyo natawa pa ako habang naglalakad palapit sa kanila.
Nagbayad ako ng isang libo dahil 'yun lang 'yung napulot ko na nakakalat sa may bar counter sa kusina. Recca burara.
Nakita kong napakamot ng ulo 'yung nagtitinda nang makita 'yung perang hawak ko.
"Ah, eh, Ma'am, buena mano ko po kasi kayo... Wala pa po akong pamalit diyaan sa isang libo ninyo..."
Napanguso naman ako bago nagtawag ng ilang katulong sa ibang bahay na ka-close ko din naman.
"Ate Joanne, bili ka na po. Tulong niyo na din po kay Manong para makauwi na po siya. Magbibigay po ako ng recipe kung bibili kayo." Nakangiting sabi ko kaya lumapit siya at tinanong si Manong kung magkano 'yung mga mais.
"Manong, tatlong kilo nga po. Nang may bago akong maihain sa mga amo ko." Tsaka siya naglahad ng isang daan at dalawampung piso. (A/N: 120 PESOS, AH? HINDI 'YUNG LITERAL NA TIGPI-PISO.)
"Aily, punta ka nalang sa bahay mamaya, ah?" Sabi niya na tinanguan ko naman. "Salamat po, Manong." Tsaka na siya bumalik sa loob ng masnyon na pinagta-trabahuan niya.
Nakapanghikayat pa ako ng ibang katulong tsaka nga mga bata, eh.
'Yung huling kilo, sa akin na ang punta.
"Salamat po, Ma'am." Nakangiting sabi niya na tinanguan ko naman.
"Wala pong anuman iyon, Manong. Ganyan din naman po ako sa probinsiya namin. O, sige na po. Para makauwi na po kayo at makapagpahinga." Tsaka ko kinuha 'yung limang daan para ibigay sa kanya.
"Ma'am, sobra-sobra na po 'yung naitulong ninyo... Hindi ko na po-"
"Masama pong tumatanggi sa grasya. Kuhanin niyo na po 'yan para hindi niyo na po gastusin 'yung naibenta ninyo. Pamasahe niyo na po."
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...