MFY #30

457 12 0
                                    

Makalipas ang isang linggo, hindi ko na siya pinansin pa.
Kasi, paano ko siya papansinin kung palagi lang din naman niya akong iinisin? Ano 'yon? Unlimited ang pang-aasar sa akin?

At kahit na birthday na niya bukas, wala akong paki. Manigas siya kakasuyo. Hindi ko siya papansinin.

Kasalukuyan naman akong nagbabasa ng libro habang naka-upo't nakasandal sa headboard ng kama namin.
At 'yung librong 'to, siya 'yung bumili nu'ng isang araw pero hindi ko pa rin siya gustong pansinin.

"Pasok." Sabi ko dahil hindi naman naka-lock ang saradong pintuan.

Nang makita ko ang kambal, kaagad kong binaba ang librong hawak ko at bababa na sana ng kama pero sinaway nila ako kaya hinintay ko nalang sila na makasampa dito sa kama.

"Yes, Babies?"

Mas inilahad nila sa akin 'yung canister na hugis puso kaya nginitian ko sila bago ko kinuha 'yung canister.

"I love you raw po, sabi po ni Tatay." Sabi ni Ryker at tsaka ako hinalikan sa pisngi. "Pati po 'yung kiss, sa kanya po galing."

Hindi naman ako kaagad nagasagot du'n sa sinabi niya na dinagdagdan pa ng naka-ngusong si Reign. "Ayaw ka raw po niya ma-stress kaya sa amin niya po pinadala."

"H-Ha?"

"Halabyu raw din po." Sagot ni Ryker kaya sa kanya ako napatingin. "Kausapin mo na po kasi si Tatay, 'Nay. Ikaw din po. Kapag po nakahanap ng iba si Tatay... Kawawa ka po." Tsaka pa siya nangalumbaba. "Sasama po kami kay Tatay kapag nakahanap po siya ng ipapalit sa'yo."

"Ano?! Pinapasabi rin ba niya 'yan?!" Halos umusok na ang ilong ko dahil sa mga pinagsasabi nitong si Ryker. Mukhang maling inuluwal ko pa 'to, ah.

Umiling siya. "Ako po nagsabi no'n kasi ayaw mo pong kausapin si Tatay."

"Anong connect no'n? At tsaka paano kung ipapalit sa akin ng Tatay niyo, katulad ko? O, kaya mas masungit pa sa akin?"

"Nanay... As if naman po na kaya ka pong ipagpalit ni Tatay. Duda po ako do'n." Sabi ni Reign at tsaka pa ako niyakap. "Sa sobrang pagmamahal po ni Tatay sa'yo, alam ko pong hindi ka po niya ipagpapalit."

Bigla namang bumukas 'yung pintuan at iniluwal no'n si Recca na mukhang zombie na dahil sa hitsura ng mukha niya. "Ligo lang ako." Sabi niya nang makita akong nakatingin sa kanya.

Dumiretso siya sa banyo bago ulit lumabas doon at tsaka nagpunta sa walk-in closet nitong kuwarto.
Paglabas niya sa walk-in closet, may dala na siyang mga damit at tsaka na ulit siya bumalik sa banyo.

Why am I even watching his actions?

"'Nay." Tawag sa akin ni Reign na sinabayan niya pa ng pagkalibit sa akin kaya tiningnann ko na siya. "Maja Blanca po 'yung niluto ni Tatay na nakalagay po diyaan sa canister kasi sabi niya po, 'yan daw po 'yung paborito mo pong kainin lalo na po nu'ng pinagbubuntis mo po kami ni Kuya."

Nakaniti akong tumango sa kanya at tsaka ko hinaplos ang buhok niya.

"Tara na nga sa baba." Sabi ko at tsaka sila pinaunang bumaba ng kama.

"Hindi na po natin hihintayin si Tatay?" Tanong ni Ryker bago tumingin sa banyo.

"Oo nga po, 'Nay. Isang linggo na po tayong hindi po sabay-sabay na kumakain." Dagdag ni Reign na inaayos ang mahaba niyang buhok na humarang sa mukha niya. "Kuya, paki-ayos po." Sabi niya bago lumapit sa kuya niya na inayos naman ang buhok niya bago lumingon sa akin.

"'Nay, pahiram po si Reign ng pang-ipit mo po." Paalam niya na tinanguan ko naman.
Kaagad siyang kumuha ng suklay at pang-ipit sa vanity table bago umupo sa dulo ng kama at tinawag si Reign na umupo naman sa harapan niya.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon