"Sir, hindi nga po kasi ganyan, eh! Ang kulit niyo po!" Sabi ko tsaka na ulit 'yung paggawa nu'ng recipe ng Ube Halaya.
"Err. Stop na nga muna! Nakakapagod, eh! Puro tayo ulit-ulit!" Pagsuko niya na ikinakamot ko naman sa ulo ko.
Magsasalita na sana ako nu'ng biglang dumating si Primo na dala-dala 'ying cellphone ko na nilalaro niya kanina.
"You got a call, Ate Aily." Tsaka niya inilahad ang phone sa akin na sinagot ko naman kaagad.
"Hello, Ma!" Agarang bati ko sa kaniya nu'ng nakita ko ang mukha niya sa screen ng cellphone ko.
"Kamusta ka na diyaan, Aily?" Tanong niya ng nakangiti.
Ngumiti na din ako sa kanya. "Ayos lang naman po, Mama." Tsaka ko iniharap kay Sir RD 'yung cellphone ko para maipakilala siya. "Ma, si Sir RD po pala. Boss ko."
Tumango-tango si Mama tsaka nag-wave pa. "Hello ho, Sir."
Nakita ko namang nagkamot si Sir RD sa batok niya bago pinamulahan ng mukha. "Huwag niyo na po akong tawaging 'Sir' hehe. Tsaka si Aily po ang boss ko ngayon dahil nagpapaturo po ako magluto sa kanya."
Tumango-tango si Mama. "Aily. Turuan mo ang Sir mo ng mabuti, ha?"
Tumango din ako. "Naka-ilang ulit na nga po kami, eh. Ayaw na daw po niya."
Natawa naman si Mama. "Kung pwede ko lang kayong samahan diyaan, ginawa ko na."
Ibinigay ko na muna kay Sir RD 'yung phone dahil nagpapabuhat pa si Primo sa akin. Ang laki na niya at ang bigat, nagpapabuhat pa. Char.
"Ah, Ma'am-" Magsisimula na sigurong magpaturo si Sir RD kay Mama pero pinutol niya kaagad.
"Ah, huwag mo akong tawaging Ma'am. Kahit Tita nalang." Ahh. Tita.
Tumango si Sir RD at tsaka ulit nagsimulang magsalita.
"Ate Aily, why did your Mom called you?" Tanong niya pa.
Nagkibit-balikat lang ako. "Baka mangangamusta lang."
Tumango-tango siya. "What are you doing here? With Kuya RD?"
"Nagpapaturo nga magluto 'di ba?" Tanong ko na tinanguan niya ulit. Kapag natanggalan ka ng ulo kakatango, nako. Hindi ako aattend sa burol mo. *tok-tok* Pero huwag naman sana mangyari 'yon.
Pinisil ko ang pisngi niya. "Puntahan muna natin si Raphael."
"Put me down." Tsaka siya humagikhik kaya ibinababa ko na siya.
Naabutan naman namin si Flynn na pinapakain ng damo si Raphael.
"Aba, teka nga. 'Wag kang maarte, Raph. Si Aily lang ang may karapatan." Tsaka niya pa pinipilit na kumain ang alaga ko kaya linapitan ko na siya't binatuakan.
"Aba, teka nga. 'Wag mong ginaganyan ang alaga ko. Si Raph lang ang may karapatan." Pang-gagaya ko sa boses niya kanina.
Tumayo siya. "Sorry na, Aily. Ayaw niya kumain, eh."
Inirapan ko siya. "Eh, ano ngayon?! Malay mo busog na?! Kapag ba ikaw busog na tapos pinilit kang kumain, kakain ka?!"
Nngumuso muna siya bago umiling. Parang bata. Letche! "Hindi. Sorry na, Aily."
"Bakit ka sa akin humihingi ng sorry?! Ako ba 'yung pinipilit mong kumain, ha?!" Naiinis na sigaw ko na.
"Ang aga-aga, nakasigaw 'to." Iritadong sabi ng nasa likuran namin kaya napatingin kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...