"Hon, wake up, please." Sabi niya na sinabayan pa ng paghalik sa pisngi ko.
Inilayo ko 'yung mukha ko sa kanya at tsaka na rin inalis ang pagkakayakap niya sa akin bago tinabunan ng unan ang mukha ko. Inaantok pa ako, eh!
"Aily... In the count of-" Hindi ko na siya hinayaang magbilang at dali-dali na akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo.
Paulit-ulit kasi siya kanina na aalis daw kami at naka-handa na ang lahat.
Palabas pa lang ako nang maglahad siya ng isang hanger na may lamang pangloob at bestidang kulay puti.
"I want you to wear those." Ma-otoridad na sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi isuot 'yon.
Sobrang lapad ng ngiti niya nang makitang suot-suot ko 'yon paglabas ko.
Hindi ko alam kung ano'ng klaseng bestida 'to pero mahaba-haba ng kaunti dahil malapit nang umabot sa sakong ko. Manipis lang din 'yung strap sa balikat kaya medyo naasiwa pa ako pero kung makikita ko na gano'n ang ngiti niya, nagbago kaagad 'yung nararamdaman ko.
"Pangit ba?" Tanong ko dahil ilang beses ko na siyang napansin na tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Umiling siya bago ako tingnan direkta sa mata at tsaka siya ngumiti. "It was perfect for you, Hon."
Ngumiti din ako. "Mag-aayos nalang ako tapos bababa na ako."
Tumango siya. "Alright. I'll just go downstairs para may kasama si Primo sa pagbabantay sa dalawa."
Naupo na ako sa harap ng salamin at tsaka na nagsimulang mag-ayos.
Nagpusod nalang ako ng medyo magulo dahil alam ko namang babagay 'yon doon sa bestida kahit na hindi ako sanay sa gano'n.
Saan kaya kami pupunta?
Bumaba ako kaagad matapos isuot 'yung sandals na pinapasuot din niya sa akin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang sumagot.
Uh, okay.
Sumunod nalang ako sa kanila sa garahe at tsaka sumakay sa kotse.
Nasa-likod sina Primo, Ryker at Reign.
"Are y'all ready?" Tanong ni Recca pero hindi ko siya pinansin.
Inayos ko 'yung pagkakaupo ko hanggang sa makalabas na kami sa gate ng bahay.
Hindi ko sila pinansin kahit na kinakausap nila ako.
Bastusan kami ngayon. Kaninang kinakausap ko, ayaw ako kausapin tapos ngayon magsasalita.
"Hon, please. Talk to me." Pagsusumamo ni Recca sa akin kaya bumaling ako sa kanya.
"Kamusta po, Sir? Ako po si-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinampas ang minebela ng sasakyan.
"Look, I know you're mad at us. Pero huwag ka namang ganyan." Tsaka siya lumiko pakanan. "Baka mamaya, maiyak ka nalang."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sigurado ka?"
Tumango siya. "Yes."
"Eh, bakit kasi kanina mo pa ako hindi sinasagot?" Medyo naiinis kong tanong sa kanya.
"Ate, we just have a simple surprise for you." Sagot ni Primo bago ako nginitian ng sobrang lapad.
"Sorpre-sorpresa pang nalalalaman." Sabi ko bago sila inirapan pareho.
Huminto kami sa isang gusali na nakakalula sa sobrang taas.
Binalingan ko si Recca para sana magtanong pero nakalabas na siya ng oto.
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...