Naninikip na ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko galing kay Mom.
"Lay?"
Naramdaman ko nalang na nasa-tabi ko na si Jharen at niyayakap ako ng sobrang higpit.
"Jha..." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam kung paano tatahan.
Hinagod na niya ang likuran ko. "Shhh. Magiging okay lang ang lahat."
Umiling ako. "Nag... Nag-crash daw 'yung sinasakyan na eroplano ni Recca." Tsaka pa ako mas humagulgol. "Paano... Paano magiging maayos... A-ang lahat?"
Sunod ko namang narinig ang hagulgol ng nga bata sa itaas kaya dali-dali akong kumawala sa pagkakayakap ni Jharen at pinuntahan sila.
Nakita ko doon si Dior na muntikan ko nang mayakap dahil nakikita ko si Recca sa kanya.
"Ako na ang bahala sa kanila... Sige na." Malamig kong turan.
Tumango siya't tinapik ako sa balikat bago sila lumabas ni Jharen sa kuwarto.
Pinatahan ko na silang dalawa at ipinagtimpla ng gatas sa bote.
"Shh. Ito na, oh, babies. Eto na..." Isinubo ko sa kanila 'yung tsupon ng bote nila at ayon, mabuti't tumigil na rin sila.
Dahan-dahan akong napaubo sa gilid ng kuna nila at napatingin sa kanila.
"Mga anak, kung sakali man na... Hindi na talaga babalik ang Tatay ninyo... Nandito lang parati si Nanay, ah? Tatayo akong Ama't Ina sa inyong dalawa." Ngumiti ako ng mapait at tsaka pinunasan ang luhang tumulo sa may pisngi ko. "Pero sana..." Sana...
Hindi ko namalayang nakatulog ako habang nakasandal sa kuna ng kambal kung hindi pa sila nagsi-iyak.
Bangag akong pinatahan silang dalawa sa pag-iyak at hinilamusan silang dalawa bago sila inilabas sa balkunahe ng bahay para mapaarawan silang dalawa.
Nakita ko rin ang mga naka-park na sasakyan sa labas.
Nandiyaan sina Mom, Dad, Mama at Papa-sa makatuwid, nandito silang lahat.
Nag-ayos ako ng mukha at tsaka pinuntahan sina Ryker at Reign na halos makatulog ulit sa kuna dito sa may veranda. Para talaga silang si Recca, eh. Masyadong mahilig matulog.
Hinalikan ko silang dalawa sa noo dahilan para mapamulat sila at ngitian ako.
Nang titigan nila ako, pakiramdam ko, sinasabi nila sa aking magiging maayos din ang lahat at handa sila na tanggapin ang lahat.
Nakaramdam ako ng yakap bigla at pagtulong luha sa may balikat ko.
"Ate Aily..." Si Primo pala.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit at tsaka siya inalo. "Iiyak mo lang 'yan."
Sandali lang kami sa ganoong posisyon at humarap na siya sa kambal.
Ilang minuto siyang nakipag-laro sa kanila bago ako hinarap at tiningnan diretso sa mata.
"Do you believe that Kuya Recca's already dead?"
Umiling ako nang umiling hanggang sa maiyak na naman ako.
"'Yon? Mamatay? Nagpapatawa ka ba?" Sabi ko kahit na humahagulgol na talaga ako. "Kahit kailan siguro..." Lumunok ako at nagtanggal ng bara sa lalamunan. "Argh!" Hindi ko na kaya!
Naramdaman kong hinawakan ni Primo ang kamay ko at bahagya 'yong pinisil.
"I have a good news, Ate." Nagpipilit ako ng ngiti at tsaka siya tiningnan.
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...