Hinayaan ko nalang 'yung boses na narinig ko at tsaka nalang nagpatuloy sa pag-order.
Binalikan ko sila na may dala-dalang tray na may lamang burger, fries, spaghetti at tsaka fried chicken.
"Nanay, nasaan po 'yung mga drinks natin?" Nagtatakang tanong ni Reign kaya tumingin ako sa likuran ko kung nasaan 'yung crew na may dala du'n sa tray.
"Salamat po, Kuya." Sabi ko pagkatapos niya ilapag 'yung mga drinks doon sa lamesa.
Ibinaba ko na rin 'yung laman ng tray na dala-dala ko at tsaka na pina-puwesto sina Ryker at Reign.
"Kain ka ulit, Celestine." Yaya ko sa kasama ni Primo na tinanguan naman ako habang naka-ngiti.
"Sige lang po, Ate. Kakakain lang po namin ni Primo, eh."
Tumango ako. "Kuha ka nalang kapag gusto mo na o kaya, dalhin mo nalang 'yung iba kapag uuwi ka na."
"Sige po."
Liningon ko naman si Ryker na kanina pa ako kinakalabit.
"Bakit?" Medyo natatawa kong tanong.
"Magba-banyo lang po ako, Nay." Paalam niya bago tumayo't dumiretso na sa banyo.
Tiningnan ko naman si Reign na nakasunod pala ang tingin sa kuya niya.
Kumunot ang noo ko bago magtanong. "'Nak, may problema ba?"
Bumaling siya sa akin sandali at tsaka ulit tumingin sa lugar na pinuntahan ng kuya niya at tsaka ulit tumingin sa akin bago umiling.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sigurado ka ba?"
This time, she's smiling at me sweetly kaya ngumiti nalang din ako.
Ilang sandali pa, bumalik na rin si Ryker at tsaka na kami nagsimulang kumain.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang may maalala ako bigla.
"Ah, Celestine. Punta ka pala sa amin sa Sabado kung libre ka."
"Ano pong meron, Ate?" Tanong naman ni Primo.
"I just want to invite her. Why? May problema ba do'n? At tsaka 'di ba, magpa-plano na tayo para sa seventh birthday nina Ryker at Reign? Siyempre, gusto nandoon ang girlfriend mo."
Ilang na ngumiti si Celestine sa akin. "Uhh, Ate Aily, hindi naman pa naman po kami."
Napa-nguso nalang ako. "Doon din naman ang punta no'n, eh."
"Ate!
Nanay!"
Bigla akong napabalik sa sarili ko nang sabay-sabay na sumigaw 'yung tatlo.
Ay? Nasabi ko pala ng malakas.
"Totoo naman kasi, eh. Bagay sila. And..." Tiningnan ko silang dalawa ng seryoso. "And there is nothing wrong if you loved someone older or younger than you."
Tumango si Tine at tsaka ako nginitian. "Tama naman po. Pero bawal pa po kasi ako magka-boyfriend po. Lagot po ako kay Daddy Bench tsaka po kay Papa."
"Ayos na 'yon. At tsaka isa pa, lahat ng close ni Primo, Ryker at Reign, dapat close ko rin. Hindi naman sa ano, ha? Pero 'yung mga 'yon lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko talaga. And you're one of them. Magaan ang loob ko sa'yo, eh." Todo-ngiting sabi ko na ikina-singkit rin ng mga mata niya.
"Sige po, Ate. Papasundo nalang po ako kay Primo."
Napa-palakpak pa ako dahil sa sobrang tuwa.
~
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...