MFY #14

362 16 33
                                    

WARNING: MAY MUKBANGAN PERO HINDI NAMAN AABOT SA KAMA HAHAHA

d(*.*)b

Eto na 'yung araw ng acquaintance ball. At ngayon din ang isa sa espesyal na araw sa buhay ko.

"Ate Aily, I can't go with you tonight." Malungkot na saad ni Primo pagkababa ko sa kusina nila ngayong umaga.

"Bakit naman?" Tanong ko pero niyakap niya lang ako.

Sinalat ko 'yung noo niya para lang malamang nilalagnat siya.

"Hindi nalang din ako pupunta para-"

Umiling siya kaagad. "You should go there. You'll just be around for three hours. I may be sleeping that time. And besides, that Kuya will accompany you there."

Nginusuan ko siya. "Sige. Ipagluluto kita ng almusal tapos magpapahinga ka, ah?"

Tumango siya. "I want chicken noodle soup."

Nginitian ko nalang siya. Baka mapasayaw ako ng wala sa oras dahil sa gusto nitong batang 'to.

"I know that smile, Ate." Tsaka din siya tumawa. "You're bad."

Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi kaya."

Nginisuan niya nalang ako bago siya ulit tumawa. "Okay. I'll just go to your room and wait for you there."

Tumango ako. "Mas mabuti pa nga."

Nagsimula na siyang maglakad papunta doon sa kuwarto ko kaya pumihit na ako diretso sa kalan nila dito.

Kinuha ko lahat ng sangkap na kakailanganin ko para du'n sa chicken noodle soup na gusto ni Primo.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nu'ng biglang may yumakap sa akin galing sa likod ko.

"What are you going to cook, Hon?" Tanong niya pero hindi ko sinagot. Pinagpatuloy ko nalang 'yung paghihiwa ng repolyo.

May tumikhim kaya humiwalay siya kaagad sa akin. Oh, patay ka ngayon.

"Ate Aily," Napatingin ako kay Primo nu'ng tawagin niya ako.

"Napano ka? Dapat nagpapahinga ka ngayon, eh. May masakit ba sa'yo? Nagsisimula pa lang kasi akong-"

Niyakap niya ako bigla at tsaka may ibinigay na hugis kahon na nakabalot pa ng regalo.

Kumunot ang noo ko dahil doon. "Ano 'yan?"

"Happy birthday, Ate. I love you." Tsaka niya ako ngnitian bago niya binigay sa akin 'yung regalo niya.

Lumuhod ako para mapantayan siya ng tangkad. "Dakal a salamat, Primo." Tsaka ko pinisil ang magkabilaang pisngi niya.

(Transeyo: Maraming salamat, Primo.)

Niyakap niya ako. "You're always be welcome, Ate Aily." Tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

Hinalikan ko na din siya sa pisngi niya bago ako tumayo't inilagay muna sa isang lamesa 'yung regalo niya para sa akin.

"Upo ka nalang dito, Primo. Para hindi ka na babalik doon sa kuwarto." Tsaka ko tinapik 'yung isang high-chair doon na inupuan din naman niya.

Niluto ko na 'yung sopas na gusto niya para makainom na siya ng gamot niya.

"Susubuan pa ba kita o kaya mo na?" Tanong ko sa kanya pagkalapag ko ng mangkok sa harap niya.

Nagkibit balikat siya pero sa huli, napagdesisyunan kong subuan nalang siya kasi mainit 'yung sabaw.

Nilagyan ko din naman 'yon ng kanin para mas mabusog siya.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon