Ilang linggo na rin simula nu'ng makalabas ako ng ospital na pagmamay-ari ng Lolo nila at pumapasok na rin ako sa MIA dahil hindi ako mapigilan nina Sir EJ, Sir Dior, Ma'am Scarlet, Primo at Aling Jenna. Kung hinahanap niyo 'yung isa diyaan, mahabang istorya! Ni hindi na rin naman kami nagkita pagkatapos niyang binigay sa akin 'yung mga tapos na tasks and activities ko.
Nakikita ko nga siya ngayon, eh. Kasama niya si Mitzi pero hindi nila ako nakikita kaya ayos lang.
Nakahawak ako sa saklay ko nu'ng biglang may tumawag sa akin.
"Aily, sandali!" Boses ni Sir Dior 'yon panigurado.
Tumingin ako may likod ko at nakita ko siyang nagmamadaling maglakad papunta sa akin.
"Ako na magdadala ng gamit mo para hindi ka na mahirapan." Akmang kukunin na niya 'yung mga gamit ko sa akin pero umiling ako at inilayo 'yung kamay niyang papunta na sa bag ko.
"Ayos lang po ako, Sir Dior. Isang linggo na nga po akong pumapasok 'di ba?" Tsaka ako mahinang tumawa. "Nasaan po pala si Primo?" Tanong ko dahil nag-commute lang ako papunta dito para makapunta sana sa library.
"Miss me, Ate Aily?" Boses kaagad niya 'yung narinig ko sa may gilid ko kaya napangiti ako. Hindi ko namalayang nakayakap na pala siya sa may hita ko.
"Hatid na kita sa room mo?" Tanong ko na inilingan naman niya.
"I am the one who'll convey you on your room, Ate." Sabi niya tsaka niya hinawakan ang kamay ko.
Umiling ako. "Mamaya pa magsisimula 'yung klase ko. Pupunta muna akong library kaya ikaw ang ihahatid ko."
Lumabi bigla si Primo kaya napangiti ako. "Pero kung gusto mo, sunduin mo nalang ako mamaya kasama si Kuya Dior mo."
Ngumiti naman siya at tila nag-ningning ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "What time?"
"Mamayang tanghali." Tsaka ko ginulo ang buhok niya.
Hinawakan niya 'yung kamay ko tsaka niya ako pinaka-titigan na parang may tanong sa isip niya na hindi niya sinasabi.
Magtatanong na sana ako nu'ng biglang may sumigaw at patakbong lumapit sa akin kaya nabitawan ko 'yung saklay at kamuntikan nang matumba.
"Are you okay, Aily?" Tanong ng lalaking nakatayo ngayon sa likuran ko habang nakahawak sa may baywang ko para sa suporta.
Tumango ako at kaagad na umayos ng tayo at pinanlisikan ng mata si Jharen bago lumingon kay Romel na halatang nag-aalala.
"Uh... Thanks." Nahihiyang sabi ko bago tiningnan si Primo na mukhang mang-aaway na dahil sa tingin niya.
Sinundan ko 'yung tingin niya at nakita 'yung Kuya DR niya na kasama si Mitzi. Partidang magkahawak-kamay pa silang dalawa at nagtatawanan.
Natawa ako ng mahina bago kinalabit si Primo. "Napano ka Primo?"
Tiningnan niya ako at tsaka nginitian. "I have a surprise for you, Ate Aily."
Kinunutan ko siya ng noo. "Ano naman 'yan?"
Bumaling siya kay Sir Dior na nakikipag-away na naman kay Jharen bago bumaling kay Romel.
"Kuya? Hey. You." Tsaka niya nilapitan si Romel at hinila pa ang laylayan ng damit nito.
"Yes?"
"Can you carry Ate Aily at your back? I just have a surprise for her on the parking lot. My Kuya's were busy with their own companies."
Tingnan muna ako ni Romel bago niya tingnan si Primo.
Magsasalita na sana siya nu'ng sumabat ako. "Huwag ka nang mag-inarte kung bata 'yung nagsabi."
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...