Prologue

2.7K 45 46
                                    

PS: No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. And resemblance to actual events, places or person, living or dead, is entirely coincidental.

☺️☺️☺️

Napapakamot nalang ako sa ulo ko dahil hindi ko makita yung alaga kong kambing. Alangyang Raphael 'yon. Kapag talaga nakita ko iyon, gagawin ko na siyang Lengua! Gabi na pero hindi ko pa siya makita!

Naglakad-lakad pa ako sa mga pasilyo ng mansyon na pagmamay-ari ng mga Sanchez. Dito ako kasalukuyang nagta-trabaho habang nag-aaral.

Malapit ko na ngang matapos ang academic year ko, eh. Isang buwan nalang, graduate na ako!

Napahinto nalang ako nang may marinig akong mahulog at mabasag.

"Eh, anong balak mong gawin niya'n?! Ipalaglag 'yung bata?!" Luh? Si Sir Dior ba iyon? Eh, bakit siya galit?

"Look, Kuya. Hindi ko naman sinasadyang mabuntis siya, eh! Parang one night stand lang, ganu'n." Si Sir Recca naman ngayon.

Nag-aaway ba sila? Hala. Hindi ko pa sila nakita o nadinig na mag-away simula nang magtrabaho ako dito. At sa pagkaka-alam ko, sila 'yung pinaka-close sa kanilang magkakapatid.

Umiling na lang ako ng wagas at naglakad na ulit para hanapin ang hayop kong alaga at para na rin hindi ako mapagkamalang chismosa. Baka mawalan pa ako ng trabaho ng wala sa oras. Tsk. Tsk.

Habang naglalakad ako'y nakasalubong ko si Aling Jenna. Matanong nga.

"Aling Jenna," halos pabulong na tawag ko pero mukhang narinig niya iyon dahil lumingon siya sa akin.

"Oh, anong kailangan mo, Cynthia?" Tanong niya.

"Nakita niyo po ba yung potro kong kambing? Hindi ko po kasi makita, eh."

Sasagot na sana siya nang biglang may tumawag sa akin.

"Aily, pinapatawag ka ni Ma'am Scarlet." Sabi ni Ate Miya sa akin. "Nasa kuwarto niya."

Tumango ako bago bumaling kay Aling Jenna. "Una na po ako. Pero kung makita niyo 'yung alaga kong kambing, paki-luto na po siya. Masarap po sa Lengua ang kambing." Tsaka ko na sana siya lalagpasan pero tinawanan niya ako kaya huminto ako para tingnan siya.

"Ikaw talagang bata ka. Osya, sige. Kapag nakita ko, iluluto ko talaga iyon." Tsaka pa niya ako nginitian.

Ngumiti din ako pabalik. "Sana hindi niyo po talaga siya mahanap." Tsaka na ako naglakad papunta sa kuwarto ni Ma'am Scarlet dahil nga pinapatawag niya ako.

Kumatok muna ako at nang payagan na niya akong makapasok ay pumasok na kaagad ako.

"Pinatawag niyo daw ho ako?" Agarang tanong ko na tinanguan naman niya. "Bakit po, Ma'am?"

Itinuro niya 'yung kama niyang may nakapatong na sobrang daming damit.

"Kung aalis po kayo, maimumungkahi ko pong iyong kulay pink na dress ang suotin ninyo." Tsaka ko iyon itinuro. "Tapos sandals po at tsaka sling bag kung simple lang ang-"

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon