MFY #20

348 13 29
                                    

Nu'ng araw na 'yon, hinintay muna namin lumubog 'yung araw bago kami pumunta sa Magalang para daw makadalaw ako at masabi namin 'yung tungkol sa pagso-surrogate ko.
Na-gulat sina Mama at Papa pero hindi naman sila tumutol kasi sinabi ko naman lahat-lahat.

At ngayong graduation day na, nandito ulit sila para makita akong sasabitan ng medalya dahil isa ako sa mga nakakuha ng 'Magna Cum Laude' sa MIA.

Nag-speech pa ako kasi daw kailangan pero hindi ko na sasabihin kung ano 'yung speech ko kasi mahaba-haba.

"Congratulations, Layyyyy!!!" Sigaw ni Jharen ang umalingaw-ngaw sa buong parking lot ng MIA habang papalapit sa amin.

"Congrats din, Jharen." Nakangiting usal ko nang makalapit siya sa amin.

Sumimangot naman siya bago ako niyakap. "Hindi na tayo magkikita niyan."

"Hindi rin siguro." Tsaka ako humalakhak.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tsaka ginulo ang buhok ko. "Sabihin mo sa akin kung saan ka mag-aapply, ah? Call-call nalang. Tapos sabay tayong mag-take ng board exam."

Tumango ako at tsaka siya nginitian bago ko pinunasan 'yung mga luhang lumandas sa magkabilaan niyang pisngi.

"Tatawagan kita, Jharen. Kaya huwag ka nang umiyak. Hindi bagay sa'yo."

Tinampal niya 'yung kamay ko kaya natawa ako.

Tinawag na ako nina Mama at Papa kaya nag-paalam na ako kay Jharen na sasamahan ni Sir Dior dahil daw 'supportive boyfriend' siya ng isang bakla.
Kung hindi ko lang talaga sila kilala, iisipin kong pumapatol si Sir Dior sa bakla.

Kumaway ako sa kanila bago pumasok sa van na minamaneho ni Recca. Nagprisinta siya, eh. Anong magagawa ko?

Dumiretso kami sa Pipanganan Kapampangan sa San Fernando dahil ni-reserve nina Lolo Elias at Lola Stevie 'yung lugar para sa aming dalawa ni Primo dahil nga birthday niya. Parang hindi ako 'yung apo, eh.

Nauna nang pumasok sina Mama, Papa, Kuya Bricks, Scarlet, at Primo sa loob.

"Aily." Tawag ni Recca kaya napabaling ako sa kanya na nakataas ang dalawang kilay.

"May sasabihin ka?"

Pinaglaruan niya 'yung mga kamay niya na parang hindi mapirmi o mapakali.

"About the surrogation."

Napangiti ako. "Kailan ba?"

"This Saturday if you're not busy."

Tumango ako. "Sige ba. Sabay nalang ako sa'yo. Saang ospital ba?"

"Sanchez General Hospital. Everything was settled. Susunduin nalang kita that day. If... If ayos lang."

Tumango ako. "Ayos lang. Doon din naman muna ako sa inyo, eh. Uuwi nalang ako ulit dito sa Pampanga pagkatapos."

Tumango siya. "Tara na sa loob?" Tsaka niya inilahad 'yung kamay niya na kinuha ko naman.

Pumasok kami sa loob na magkasama.
Ang daming bumabati sa akin na nilalapitan ko kasama siya para magpasalamat.

Sina Lola Stevie, Lolo Elias, Lola Maggie at Lolo Jun naman ay nandu'n sa isang table sa harapan at nag-uusap-usap.

Dahil unli-kain naman dito, naka-tatlong balik ako at gano'n sina Recca at Primo. Mga gaya-gaya.

"Ate, are you coming with us to Manila?" Tanong ni Primo bago kami sumakay sa van.

Tumango ako. "Oo naman. Bakit hindi? Tsaka hindi ba nga..."

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon