Chapter 33

5.6K 77 6
                                        

Sa mga araw na dumaan, alam at ramdam ni Aubrey ang mga pagbabago. Everytime na papasok si Dexter sa trabaho ay hindi na siya mapakali. Natatakot siya dahil anytime baka may magsend na naman sa kanya ng message at muling makita ang litrato ng mahal niya kasama ang ibang babae. It’s not like she didn’t trust Dexter, but she’s afraid because of that unknown number who keeps messaging her. She tried to replied but she didn’t receive any responds, she also tried to call but still didn’t picking up the phone.

Somehow, nagkakaroon na siya ng anxiety everytime na tutunog ang phone niya. Palaisipan sa kanya ang nagsesend sa kanya at kung bakit ba nagsesend iyon. Is she or he was warning her?

But despite of that, kinakapitan pa rin niya ‘yung sinabi ni Dexter sa kanya at kung paano nito pinaparamdam na special siya.

Dahil wala siyang magawa at nabobored lang siya sa bahay ay naisipan niyang lumabas at magpunta sa mall to shop some items and to have a time for herself. Hindi na rin niya inistorbo si Anjie dahil busy ito sa trabaho. Sa ilang buwan ni Aubrey na hindi pagtatrabaho ay medyo naiinip na siya pero ayaw niyang mahati ang oras niya sa trabaho at kay Dexter.

Nang makarating sa mall ay agad siyang nag-ikot-ikot. Una sa national bookstore to buy books dahil hilig niya rin ang pagbabasa. Inabot siya ng isang oras doon sa pagpili ng mga libro. After paying her books ay lumabas na siya roon. Saktong paglabas niya ay nakasalubong niya si Monica--- looking at her from head to toe then she smirked at her at dire-diretsong pumasok sa national bookstore. Sinundan niya ito ng tingin at napabuntong hininga ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya dahil natabingan na ito ng bookshelves.

Dumiretso siya sa isang restaurant upang kumain ng lunch. Gusto niya sanang sa fast food chain kumain kaso lang ay puno na at wala ng space dahil lunch time kaya sa isang tahimik na restaurant siya kumain. Walang gaanong tao. Pumwesto siya sa bandang gilid kung saan hindi pansinin ng tao. While waiting her order, she texted Dexter to update him what she’s doing now and to asked him if he already eat but he didn’t reply--- maybe he’s on his meeting right now.

Habang kumakain ay hindi niya mapigilang lumingon lingon sa paligid. Sanay naman siyang kumain mag-isa but this time she’s jealous to those couple she saw that eating together. Inilihis niya ang tingin niya sa mga nakikita na nagbibigay lungkot sa puso niya at muling pinagpatuloy ang pagkain.

But then, sa muling pag-angat ng paningin niya dahil sa mga staff ng restaurant na nagkakagulo papunta sa entrance ay sumunod ang tingin niya. The moment she laid her eyes to the two persons whose entering, natigilan siya.

“This way, ma’am, sir.” Dinig niyang sabi ng isang staff.

Lumukob ang matinding kaba sa puso niya at natulala siya. Si Dexter at Alexa. They are both smiling at ang braso nito ay nakaangkla pa sa braso ng binata. Tila punyal sa puso ni Aubrey ang nakita.

Nagmadali siyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang binata. Habang nakalagay sa tenga niya ang cellphone at pinapakinggan kung paano magring ang numerong tinatawagan niya ay hindi maalis ang tingin niya sa dalawa na kasalukuyang nakaupo na sa pang-apatang upuan. Ang tanging nagpapagaan sa kanyang kalooban ay ang makitang may dalawa pa itong kasama. Maybe it’s just work at napaparanoid siya.

But she can’t help it lalo pa kapatid niya si Alexa. Malungkot niyang ibinaba ang cellphone. Hindi na niya naituloy ang pagkain dahil nakatutok ang kanyang paningin sa binata at sa kanyang kapatid. Bawat kilos ay kaniyang pinagmamasdan. At ang makitang tumatawa ang binata dahil sa kanyang kapatid ay tila karayom iyon na tumutusok sa puso niya. Masakit.

Napayuko siya ng umikot ang paningin ng binata. Siguro ay nakaramdam ito na may tumitingin sa kanya kaya mabilis siyag nagbaba ng tingin at itinakip ang librong binili niya kanina sa kanyang mukha. Hindi niya alam pero ayaw niyang makita siya nito. Gusto niyang makausap si Dexter at iniimagine niya na ipakilala siya nito sa mga ka-meeting but at the same time nag-aalangan siya. Maybe she’s selfish. Sa bahay na lang niya ito kakausapin para matahimik na siya.

Sa pagtayo nila Dexter ay hindi pa rin naalis ang tingin ni Aubrey dito, kitang kita niya ang pag-alalay ni Dexter kay Alexa. Muntik pa itong matumba kaya mabilis itong kumapit kay Dexter kaya napahilig ito sa dibdib ng binata. Doon na tuluyang nag-iwas ng tingin si Aubrey. Hindi na siya nag-angat pa ng tingin dahil hindi na niya kakayanin pa.

Nang makasiguradong wala na ang mga ito sa restaurant ay nagbayad na rin siya at umalis. Nawalan siya ng ganang maglibot pa kaya diretso na siya sa store kung saan siya bibili ng camera. She wants to do photography kaya niya naisipang bumili. That is her hobby na matagal niyang itinago dahil hindi siya suportado ng magulang niya. And maybe tadhana na ngayon niya naisipang subukan at itry ang pagkuha ng larawan upang maibsan ang kanyang kalungkutan. Matapos makabili ay umuwi na siya sa bahay ng binata.

Maaga pa para sa hapunan kaya hindi muna siya nagluto. Sa kwarto lamang siya nagpalipas ng oras--- nakahiga at iniisip ang mga nangyari at nakita kanina.

There are so many what ifs in her mind. Pero pilit niyang isinisiksik sa isip siya na mali ang lahat ng iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hanggang ngayon ay wala pa rin ni isang mensahe mula kay Dexter.

She composed a message for him.

“I love you, babe.”

Dala ng kalungkutan ay iyon ang mensaheng ipinadala niya. After that ay ang bestfriend niya ang tinawagan niya.

“H-hello..” bati ni Anjie mula sa kabilang linya na parang hinihingal pa kaya kumunot ang noo niya.

“Anj, are you okay?”

“A-ah. Yes. Hahaha sorry. Pagod lang. Bakit ka napatawag?”

“I’m sad.” Malungkot na sabi niya.

“Ha? Why?”

Narinig niya ang kaluskos na tanda ng pagbangon nito sa kama. She also heard a sighed.

“I saw Dexter with Alexa.”

“What? Your step sister?”

“Yes. But I know it’s just work but I can’t help to feel jealous.”

“Gaga. Oo tama hindi ka dapat magselos. Isa pa ikaw naman ang gusto niya diba. Subukan lang niyang mambabae, ako mismo puputol ng piangmamalaki niya.”

Npangiti siya sa sinabi ng kaibigan. She’s very protective.

“Thank you bes.”

“Welcome. Don’t be sad and jealous. Try to talk to him and say what’s on your mind.”

“Parang facebook lang?” biro niya at nagtawanan sila. “Pero teka, may kasama ka ba?”

“Ha? Wala ah.”

“Are you sure? May naririnig kasi ako kanina pa na parang maingay, eh. Parang may bumubuntong hininga pa sa tabi mo.”

“H-ha. Ano ka ba Aub. Wala akong kasama no. S-sige na. I’ll hung up na. M-may… may gagawin pa ako. I love you Aub. Bye.”

Napanganga siya dahil ang bilis siyang binabaan ng bestfriend niya ng phone.

Weird.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon