Chapter 27

6.2K 89 2
                                    

A/N: May kuryente na ulit kami. I'll try to update as much as I can.

Enjoy reading~

---

In the middle of the night, Aubrey is still wide awake while Dexter is silently sleeping beside her. Hindi siya makatulog dahil iniiisip niya ‘yung plano niyang makasama si Dexter sa makalawa to celebrate their first month together since that day na pumayag siya bilang bed warmer nito. Pero ngayon ay alam niyang hindi lang ganoon ang status nilang dalawa dahil si Dexter na mismo ang nagsabi na girlfriend siya nito sa harap mismo ni Monica.

Gusto niyang maging memorable ang celebration nilang dalawa. She’s been holding her phone and busy scrolling looking for an idea how they will celebrate her-so-called-monthsary. Gusto niyang isurprise si Dexter pero hindi niya alam kung paano.

She opened her messenger to check if her best friend is online. Napangiti siya nang makita ang green dot nito sa gilid ng pangalan, indication na online ito.

She immediately typed a message.

Me:

BHE!!!

Agad naman itong sineen ni Anjie at nakita niya ang tatlong dot kaya alam niyang nagtatpe ito.

Anjie:

Oh?

Sungit naman.

Me:

Bakit gising ka pa?

Anjie:

Nagising lang ako. Ikaw?

Me:

Hindi kasi ako makatulog. Magpapatulong sana ako sa iyo.

Anjie:

Saan naman?

Me:

One month na kasi nung nagsimula ‘yung ganitong set-up namin ni Dexter di’ba? Gusto ko sanang magcelebrate kami kaso hindi ko alam kung paano.

Anjie:

Magcelebrate kayo gaga ka. Milestone yan bhe hahahaha.

Me:

Paano nga?

Anjie:

Hmm. How about mag-out of town kayo?

Me:

Saan naman? Malayo kung sa Bora or Palawan.

Anjie:

Lalayo ka pa e sa Batangas lang maganda. May resort doon, maganda. Solid doon bhe. Matagal na nga sana kitang gusting ayain doon kaso wala naman time.

Me:

Talaga? Maganda? Send mo nga sa akin ‘yung location tapos tatanungin ko si Dexter kung payag siya.

Anjie:

Sure.

Me:

Salamat best friend kong maganda.

She’s excited to tell Dexter what’s her plan at umaasa siyang pumayag ito. Sana ay hindi rin busy ito sa araw ng monthsary nila.

Kinabukasan habang nasa hapag-kainan ay naisipan ni Aubrey na ungkatin ang binabalak niyang plano.

Tumikhim muna siya bago magsalita.

“Ahm…b-babe.”

Saglit na nag-angat ng tingin sa kanya si Dexter. “Hmm?”

“Alam mo ba kung anong meron sa makalawa?”

Tinagilid nito ang ulo at nag-isip.

“Oh. Our monthsary. Right?”

She smiled dahil naalala pala nito.

“Uh-huh. And…ahm…gusto ko sanang magcelebrate tayo? Is it okay with you?”

“Yes, of course. What do you want to do on that day?”

“Actually kagabi nagtanong ako kay Anjie kung paano tayo magcecelebrate…at ang sabi niya maganda raw kung mag-out of town tayo kaso naisip ko na…baka busy ka.”

“No. Hindi naman ako busy, kung may meeting man ako that day, I will tell to my secretary to cancel it.”

“Are you sure?”

“Yup.”

Napangiti siya ng malaki at tumayo para yakapin mula sa likod ang binata at hinalikan niya sa pisngi. “Thank you.”

Dexter smiled because of her sweetness, isa sa nagustuhan niya sa dalaga. Her smile always captured her heart and he's happy whenever she saw that sweet smile on her face.

“Planned all the things that you want to do and later when I got home, aasikasuhin ko na ‘yung magiging hotel room natin sa kung saan mo man gustong pumunta. Hmm?”

“Okay. Thank you.”

He kissed her on her lips bago umalis at magtungo sa office niya.

Since Aubrey was living in his mansion, every morning, he felt happy and contented looking at her busy preparing meal for him every single day. There are times that he saw her future with Aubrey, living in the same roof and having a child. He doesn’t know but he’s excited at that thought.

Sa maghapong iyon ay nasa bahay lang si Aubrey at nagsearch sa internet ng mga lugar sa Batangas na sinend sa kanya kagabi ni Anjie. Pinagkumpara niya ang lahat ng nakita niya naghanap ng the best para sa kanya.

She’s excited dahil ito ang unang beses na makakapag-out of town siya na si Dexter ang kasama. Dati kasi ay palaging si Anjie lang.

Looking at her situation now, parang unti-unting natutupad ang lahat ng pangarap niya. Parang ang bilis ng pangyayari. Halos ilang taon siyang naghintay na mapansin ng binata, ilan taon niyang hindi nakita sa personal, at ilang taon siyang nawalan ng pag-asa dahil iniisip niya na baka habang magkalayo ang landas nila noon ay may ibang babae ng nagpapasaya rito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na kaya na niya itong hawakan sa paraang gusto niya. Kaya niya itong halikan kahit kailan niya gustuhin. Masyadong mabilis ang lahat, at sana huwag din alisin sa kanya ang sayang nararamdaman ngayon. Every night, she always pray na sana ay huwag ng matapos ang kung ano man ang mayroon sa kanilang dalawa. Also, because of his confession, she assume that their relationship in not only a fuck buddy relationship.

Kaya in every celebration of their relationship, she wanted it to be memorable. She knows that nothing last forever but she believe that memory stays and remains until the last breath of her life and she wanted that in every memories, Dexter is there.

When love hits you really hard, you can’t escape kahit minsan nakakaramdam ka ng sakit. Sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ngayon, naniniwala siyang nakatadhana talaga silang dalawa ni Dexter para sa isa’t isa.

That night, they both planned what will do on their special day and decided where they go. Dexter also reserve for their hotel room and already cancelled all his meeting for the next days.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon