Chapter 6
Aubrey packed her things in her luggage when she came home. Wala roon sa apartment si Anjie dahil nasa trabaho pa ito. Alam niyang magugulat iyon kapag umuwi mamaya ng hindi siya maaabutan sa kanilang aprtment.
Siya kasi sa kasalukuyan ay walang trabaho dahil nagresign siya two months ago. She wants to relax muna and sa totoo lang ay hindi naman na niya kailangan magtrabaho dahil kayang kaya siyang buhayin ng pera na pinapadala ng parents niya sa bank account niya. Her parents were separated and both have now a new family. So siya bilang nasa middle ay hindi alam kung sino ang sasamahan kaya nagdecide na lang siya na maging independent na lang. Tutal ay nasa tamang edad naman na siya kaya pinili niyang humiwalay sa mga ito. Ayaw din niya kasing may masabi pa 'yung mga bagong pamilya ng magulang niya.
Buti na nga lang at nariyan si Anjie na matalik niyang kaibigan na maaasahan sa kahit anong pagkakataon. They were bestfriends since high school up to until now. Magkapatid na nga halos ng turingan nila sa isa't isa.
After packing her things ay nilinis niya na rin ang ibang kalat sa apartment nila at naglagay ng notes sa takip ng ref upang makita ito kaagad ni Anjie.
Pasado 5pm nang tumunog ang doorbell at nang buksan ang pinto ay si Dexter ang bumungad sa kanya.
"P-pasok ka." niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang binata. Hindi siya makatingin rito dahil naalala niya na naman ang ginawa sa kanya nito kanina. She blushed everytime she remembers that moment.
It's just a simple kiss but it gave a big impact on her.
"Nasaan ang mga gamit mo?" tanong nito habang ang mata ay gumagala sa buong area ng sala.
"Ayun." turo niya sabay lapit sa tatlong maletang puno ng gamit niya.
Lumapit naman sakanya ang lalaki at kinuha ang mga maleta.
"Ah....ako na rito sa isa."
Tumango naman ng binata.
"Let's go?"
She nodded at him. Nagsimula ng maglakad si Dexter palabas ng apartment niya habang siya ay tinignan muli ang kabuuuan ng tinitirhan for the last time bago sumunod sa binata.
She locked the the door and double checked it before going to Dexter's car. Nang makalapit ay kinuha sa kanya ng binata ang dala dalang maleta at inilagay sa compartment ng sasakyan.
Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng passenger's seat kaya agad siyang sumunod. She breath deeply nang makaayos ng upo at nang maikabit ang seatbelt.
Diretso lang ang tingin niya sa daan. Pareho silang tahimik at tugtog lang galing sa kotse ang nagsisilbing ingay sa pagitan nila. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba at nanlalamig na rin ang kamay niya.
"There is a drive thru that we'll going to pass by, do you want to grab some food?"
"Ah..sige."
Muli na namang tumahimik ang paligid.
"Malayo pa ba ang bahay mo?" tanong niya. Hindi na kasi matagalan ni Aubrey ang katahimikan.
"Medyo. Are you hungry?" saglit na tumingin sa kany ang binata.
"Ahm hindi pa naman masyado."
"What did you tell to your friend pala? Did she know our set-up?"
"Y-yes. She's the one who told me about what you've posted on your IG. S-so yeah." kinakabahang sabi niya. "But don't worry. I trust her and hindi niya naman sasabihin sa iba 'yung tungkol dito."
"Good."
Huminto sila sa isang drive thru at umorder ang binata ng pagkain para sa kanya. Chicken burger, fries, sundae, mango pie and drinks ang inorder ng binata.
"Gusto mo?" alok niya sa fries na kinakain niya.
Tumango naman ang binata kaya mabilis siyang kumuha ng dalawang piraso at wala sa loob na sinubuan niya ito. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng sumayad and daliri niya sa labi ng binata kaya kaagad niyang binawi ang kamay niya. She looked at him pero seryoso lang itong nagdadrive. Siguro ay siya lang ang nakaramdam ng gano'n.
"Can you give me some drinks?"
"S-sure."
Kinuha niya ang isang paper cup na naglalaman ng inumin at nilagyan ng straw. Siya ang naghawak ng cup at inilapit sa bibig ng binata ang straw.
Sa una ay medyo awkward dahil iyon ang unang beses niyang gawin iyon. Although kanina ay sabay silang kumain nang lunch but it's different this time dahil siya na halos ang nagsusubo ng pagkain sa binata. But later on ay nasanay na rin siya. Lahat ng klase ng pagkain ay isinubo niya sa binata na malugod naman nitong tinatanggap.
Aubrey shocked when they entered in a high tech gate. Automatic iyon na bumukas ng may pindutin si dexter na isang maliit na remote control na sa tingin niya ay para sa gate.
Nakatayo lang si Aubrey habang hinihintay na maibaba ni Dexter ang lahat ng dala niyang gamit.
"Come."
Sumunog siya hanggang sa makarating sa tapat ng front door. The stopped because Dexter needs to put the password to open the door.
Mas lalo pa siyang namangha ng makapasok na sa loob ng bahay. Sumalubong kaagad sa kanya ang tanawin ng sala. In the right side ay naroon ang grand stair case pakyat sa second floor ng bahay. Color dark gray kulay ng wall but the edges were white. Sa taas ay mayroong napakalaking chandelier at sa itsura pa lang ay mamahalin na. Kita rin doon ang railings sa second floor. Mula second floor kasi ay kita ang kabuuan ng sala.
"Let's go upstairs."
Tumango siya at sumunod sa binata. Pag-akyat ay may parang mini sala roon. Nilagpasan nila iyon at naglakad patungo sa hallway sa second floor. Huminto sila sa unang pinto na nasa kaliwang bahagi.
"This is one of my guest rooms here. Diyan ang magiging kwarto mo."
She didn't answer. Sumunod lang siya ng pumasok ito sa loob ng kwarto. And again, namangha na naman siya dahil sa itsura no'n. Creamy white naman ang color ng wall at ang kama na nasa sulok at nakatabi sa bintana ay kulay white. Siguro ay dahil guest room ito kaya ganoon ang kulay.
"Thank you."
"Ayusin mo na ang gamit mo. Pagkatapos ay bumaba ka na. We will eat our dinner."
"Okay."
Lumabas na agad ang binata. Siya naman ay muling pinagmasan ang paligid.
Pumunta siya sa kama at naupo sa dulong bahagi no'n. When she looked on her left side ay may malaking salamin roon kung kaya't kitang kita siya. Salamin iyon ng isang malaking cabinet. Lumapit siya roon at binuksan iyon. Walang laman iyon at dahil mukhang malinis naman ay inilagay na niya ang mga gamit na nasa maleta pa niya. Sa left side ng kabinet kung saan walang salamin at harang ay doon niya inilagay ang mga sapatos and sandals niya.
Iyon lang at ang tv, dvd player and speaker na nasa wall na nasa harap ng kama niya ang tanging laman ng buong kwarto.
After she organized her things ay nagpasya na rin siyang maligo muna. Hindi rin siya ngtagal sa loob ng c.r dahil alam nigang naghihintay si Dexter sa kanya sa ibaba. She did her routine after taking a bath before going down to the kitchen. Wearing her spaghetti strap sando with her short that almost reached her middle thigh ay bumaba siya. Doon kasi siya komportable. Dapat sana ay ang terno niyang pantulog kaso nga lang ay kakain pa sila kaya naisipan niyang iyon na lang muna ang isuot niya.
Dexter was busy preparing their foods when he smell a familiar sweer scent. Nang lumingon ay nakita niya ang dalaga. At napamura na lang siya ng makita ito hanggang sa makalapit sa lamesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/230257616-288-k583596.jpg)