Chapter 5

10.4K 105 0
                                    

Chapter 5

Almost eleven in the morning na but Aubrey still not in his office. Kaya ngayon ay nakakunot at bakas ang inis at inip sa mukha ni Dexter. Maaga siyang pumasok katulad kahapon dahil ineexpect niyang maaga pupunta ang dalaga ngunit ilang oras na siyang naghihintay at ilang beses na din niyang natawagan ang receptionist sa baba pero paulit-ulit lang ang nakukuha niyang sagot dito... hindi pa rin dumarating si Aubrey.

Hindi kaya naisipan na nitong magback-out? Pero kagabi ay kausap niya lang ito at maayos naman ang naging pag-uusap nila. Ito mismo ang nagkumpirma na pupunta ito ngayon at personal na ibibigay ang resulta ng medical nito. But why the fuck she's still not here.

Sinubukan na niya rin tawagan ito pero puro boses lamang ng operator ang tanging sumasagot. He's very frustrated now.

Tumayo siya at balak sanang lumabas ng opisina but he halt when the door opened at bumulaga sa kanga si Aubrey na ngayon ay hinahabol ang sariling hininga.

She's nervous at the same time ay pagod dahil sa ginawa niyang pagtakbo. Hindi kasi siya nakasakay sa elevator dahil puno iyon kanina at dahil sobrang late na niya ay napagpasyahan niyang sa hagdanan n lang dumaan. Imagine lakad at takbo ang ginawa niya para lang makarating sa 7th floor nitong building?.

Late kasi siya nagising. Napasarap ang tulog niya at sa kasamaaan palad ay nakalimutan niyang mag-alarm kagabi. Siguro ay sa halos dalawang araw na kulang siya sa tulog kaya kagabi ay napahimbing siya. Kaya kanina ay tarantang taranta siya dahil sobrang late na niya. Hindi niya na nga nagawang kumain ng umagahan. Ang nasa isip niya lang ay baka magalit si Dexter sa paghihintay sa kanya.

At mukhang tama nga siya. Dahil nakikita niya sa mukha nito ang pagkainis. Masama at mataas ang tingin sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"S-sorry I'm late."

"And why is that?"

"Ah....ano... nalate kasi ako ng gising."

Pinakatitigan siya ni Dexter na animo'y pinag-aaralan kung nagsasabi nga ba siya ng totoo.

"But you sleep early last night."

"Ah oo. Pero...ayun nga...napasarap ng tulog."

Napakamot siya ng batok.

"Bakan naman nagsinungaling ka dahil nagparty ka pa kagabi?"

Nag-angat siya ng tingin ng sabihin iyon ng binata. Hindi niya rin mapigilan na magtaas ng kilay.

"Excuse me. Totoo yung sinabi ko sa'yo kagabi. Napasarap lang talaga 'yung tulog ko dahil dalawang araw na akong puyat kaya huwag mo akong pagbibintangan ng bagay na hindi ko ginawa at hindi mo naman nakita."

That is what Aubrey hate the most, yung inaakusahan siya sa hindi niya naman ginawa.

"Okay. Have a seat."

Dire-diretso si Aubrey na naupo sa visitor's chair ng opisina ni Dexter.

Pagkaupo ng binata ay iniabot na niya kaagad ang isang sobre kung saan nakalagay doon ang medical result niya.

Agad naman itong binuksan ng binata at tinignan.

Wala naman itong sinabi at basta na lang inilapag ang papel kung saan nakalagay ang resulta. May kinuha rin ito sa drawer ng table nito at iniabot sa kanya.

Katulad nung sa kanya ay medical result din ito na nagsasabing healthy at walang sakit ang binata.

"So what's the plan?"

"Starting tonight you'll live with me."

"Tonight?"

"Yes. Any problem with that?"

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon