Patakbong bumaba si Aubrey sa kwarto. Suot ang kanyang pajamas ay mabilis siyang lumabas ng bahay at dumiretso sa garahe. Blangko ang kanyang utak na sumakay sa kotse ng binata na nakagarahe doon. Dala ang remote control ng gate ay mabilis niya iyong pinindot upang bumukas. Nanginginig ang kanyang kalamnan habang hawak hawak ang manibela ng sasakyan. Sa kanyang paglabas ng gate ay muli niyang pinindot ang remote upang sumarado na ito.
Habang nagmamaneho ay sinusubukan niyang kontakin ang kaibigan ngunit hindi na ito sumasagot.
“Please, Anj… answer the phone..” nanlalamig at nanginginig ang kanyang katawan sa kaba at takot para sa kaibigan.
Sa boses kasi nito kanina ay alam niyng may hindi magandang nangyari at bakas ang takot doon.
Lord please sana okay lang po yung bestfriend ko.
Dahil madaling araw na ay wala na halos nagdaraan sa kalyeng kanyang binabaybay. Ito ang unang pagkakataon na bumyahe siya sa malalim na gabi ngunit hindi siya nakakaramdam ng takot para roon. Ang tanging takot na nararamdaman niya ay para sa kaibigan.
Ilang minuto siyang nagmaneho at nang makarating sa apartment nilang magkaibigan ay mabilis siyang nagtatakbo roon.
“Anj!” tawag niya at mabilis na kumatok sa pinto. Sinubukan niyang pihitin iyon at buti na lang at bukas kaya mabilis siyang pumasok.
Mabilis na hinahap niya ang kaibigan at kusang tumulo ang luha niya nang makita niya itong nakasalampak sa sahig habang yakap yakap ang tuhod at umiiyak. Mabilis niya itong dinaluhan at niyakap.
“Anj… anong angyari?”
At tila natauhan ito nang marinig ang boses niya dahil gulat itong nag-angat ng tingin sa kanya at mabilis na yumakap sa kanya.
“Aub.. I-I’m scared.. I’m scared.” Umiiyak na sabi nito. Niyakap niya lang ito at hinagod ang buhok upang pakalmahin. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.
Nang dumapo ang kanyang mata sa ibang parte ng bahay ay nangunot ang noo niya ng makitang may mga basag na gamit doon at gulo gulo. Kumabog ang kanyang dibdib at mabilis na inilayo niya ang katawan ng dalaga sa kanya upang suriin ang katawan nito.
“Anj… may pumasok ba rito?” kinakabahang tanong niya.
Umiiyak na tumango sa kanya ang kaibigan.
“Angela!”
Gulat na napatingin siya sa pumasok.
Hindi agad siya nakakibo at napaatras pa ng tumakbo ito palapit sa pwesto nila at mabilis na niyakap ang kabigan. Nagtataka siyang napatingin dito.
Tumikhim siya.
“A-anthony?” ngunit hindi siya pinansin nito.
“Are you alright? Nasaktan ka ba?” dinig niya ang nag-aalalang tanong nito sa kaibigan. Ngunit tanging hikbi lamang ang sinagot ni Anjie at nanginginig pa rin ang katawan nito.
“Anjie!”
“Angela!”
Sabay nilang sigaw dahil bigla na lang nawalan ng malay ang kaibigan.
“Fuck!” sigaw ni Anthony at mabilis na kinarga ang dalaga. “Open the door, Aubrey!”
Mabilis ang galaw nilang dalawa. Halos takbuhin ni Anthony kung saan nakaparada ang sasakyan upang maisakay ang si Anjie roon.
“Mauna kang pumasok Aubrey. Alalayan mo yung ulo ni Angela.”
Sinunod niya ang sinabi nito. At nang pare-pareho na silang nakasakay ay mabilis na pinaharurot ni Anthony ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na hospital.
“Anj… wake up please.” Nag-aalalang tanong niya.
“Don’t worry too much, Aub. She will wake up soon.” Alo sa kanya ni Anthony ngunit bakas din naman sa boses nito ang pag-aalala.
Pagdating sa hospital ay mabilis dinala sa emergency room si Anjie upang tignan. After examinations and questions na si Anthony ang sumagot ay dinala ito sa private room para magpahinga. May ilang sugat din ito sa braso na hindi niya napansin kanina at nilinis na rin iyon ng nurse.
Tahimik lang silang dalawa ni Anthony sa loob ng kwarto habang pinagmamasdan ang natutulog na si Aubrey. Sabi ng doctor ay dahil daw sa pagod at stressed na naramdaman ni Anjie dahil sa nangyari kaya ito nahimatay.
“B-balit ka pala nagpunta kanina?” tanong niya kay Anthony.
“Late ko ngang nabasa yung text niya kanina. Sabi niya bandang alas nueve ay parang may taong pabalik balik na naglalakad sa tapat ng apartment niya. I was at the gym that time and hindi ko na nacheck nag phone ko. Quarter to 12 nang makita ko ang missed calls niya kaya nagmadali na akong pumunta sa apartment niyo. Fuck! I was a jerk.” Sisi nito sa sarili.
“Hindi mo kasalanan. Buti na nga lang din at nagising ako nung tumawag siya. Takot na takot siya kaya nagmadali rin ako.”
“Did Dexter know that you drive in this hour?”
“No. He’s in Cebu and please don’t tell him.”
Tumango lamang ito at lumapit sa dalaga at hinaplos ang pisngi ni Anjie.
Nagtataka siya sa mga kilos ni Anthony.
“Close pala kayo?”
Natigilan si Anthony at umayos ng tayo. “Yeah.”
Iyon lamang ang sagot na nakuha niya. Hindi na niya ito dinugtungan pa ng tanong dahil ayaw niyang manghimasok. Ngunit nagtataka siya dahil sa totoong pangalan ni Anjie ito tinatawag. Dahil sa totoo lang ay ayaw na ayaw ni Anjie na tinatawag sa toong pangalan dahil daw babaeng babae at parang napakabait because Anjie is a wild, naughty and a happy go lucky girl at hindi daw bagay ang pangalang Angela. Pero kung ano man ang mayroon sa dalawa ay labas na siya roon. Isa pa ay panatag siya dahil alam niyang mabuting tao at mapagkakatiwalaan si Anthony.
“Ahm. Gusto mo ng kape? Bibili ako sa ibaba.”
“Hindi ka pa uuwi? Madaling araw na. You need to sleep, baka mag-alala si Dexter.”
“Babantayan ko pa si Anjie.”
“I can take care of her naman.”
“Uh-mm. Mamaya na lang akong umaga aalis. Baka hindi rin ako makatulog dahil sa kakaisip sa kaibigan ko.”
“Okay. Ikaw bahala.”
Ngumiti lang siya rito at lumabas na sa kwartong iyon upang bumaba at bumili ng kape. Kahit alam niyang okay na si Anjie ay hindi pa rin siya mapanatag lalo na sa sinabi ni Anthony na may taong pabalik-balik sa apartment nila kanina at alam niyang iyon ang pumasok sa apartment nila ni Anjie. She’s scared. Sino iyon? Wala namang kaaway si Anjie dahil sobrang bait nito.
Habang nag-iisip tungkol sa nangyari ay tumunog ang kanyang cellphone. Malapit na siya sa cafeteria ng hospital ngunit huminto siya upang icheck ang kanyang phone.
At sa oras na iyon mas tumindi ang kaba at takot na naramdaman niya nang mabasa ang mensaheng ipinadala sa kanya ng number na nagpapadala ng mga larawan ni Dexter at ng kapatid. But this time it’s not a picture. It’s a threat.
That was just a pre-show. Kung hindi mo hihiwalayan si Dexter ay baka sa susunod ay may butas na sa tagiliran ang kaibigan mo. Choose wisely honey, Dexter or your bestfriend?
