A/N: Thanks for reading this. I also writing an on-going story. Baka gusto niyong basahin hihi. Crush Me Back yung title. Check my profile na lang 🤭 Also, comment lang kayo, your thought about this story 😁 I love reading you comments guys. Mwa.
---
Pigil na pigil ang emosyon ni Aubrey habang papalapit sa table nila. Nang makalapit ay umupo siya kaagad sa tabi ng kaibigan at ramdam niya ang tingin nito sa kanya. Humarap siya sa mga kaibigan ni Dexter at ngumiti.
“Sorry sa nangyari. It’s my fault. And sorry nga pala sa nasabi ko. I just want to clarify things, I’m not his girlfriend.” Ngiting sabi niya sa mga ito sabay shot sa alak na nasa harapan niya.
Muli siyang ngumiti pagkababa ng boteng ininom niya.
“Excuse us.” Sabay baling sa kaibigan at nakuha ang kanyang ibig sabihin.
“C.r lang kami. Excuse us.” Paalam ni Anjie sa mga kasama nila sa table.
Hindi na nila hinintay na sumagot ang mga ito at dumiretso na sila sa c.r ng second floor malapit sa hagdan.
Pagpasok na pagpasok nila roon ay hindi na napigilan ni Aubrey ang umiyak. Nakahawak siya sa sink at napayuko na lang. Agad naman lumapit si Anjie sa kaibigan. She knows that she’s hurting.
Nang bumalik si Dexter sa loob ng bar ay hindi niya nakita si Aubrey at ang kaibigan nito sa table nila.
“Where’s Aubrey?” he asked his friends.
“Nag-c.r.” sagot ni Anthony. “What happened bro?”
“Nagselos kay Monica.”
“And what did you do?”
Naguluhan siya sa sinabi ng kaibigan. “Wala. Ano ba dapat ang gawin ko?”
“Bro, you know Aubrey has feelings for you, right? Of course masasaktan siya. Ni hindi mo nga naipagtanggol kay Monica.” Sabay inom ng beer ni Brent at pinagmamasdan ang kaibigan. “And also binawi niya ‘yung sinabi niya kanina?”
“Alin doon?”
“Na hindi mo siya girlfriend.”
He tsked when he heard that.
“Masakit ‘yun brad. Sana hindi mo siya itinanggi. Naapakan ‘yung pagkatao niya sa mga sinabi ni Monica. I know your set up with her pero sana pinagtanggol mo siya. At tama naman ‘yung napapansin niya kay Monica kung paano siya dumikit sa iyo. Nakakabastos sa part niya ‘yon. And you and Aubrey have something tapos ganon ‘yung makikita niya.”
He frustrated combed his hair.
“And you know Monica, she likes you ever since.”
“I know.”
“Tapos hinahayaan mo lang na dumikit ng ganoon sa iyo.”
“She’s not doing anything wrong.”
“’Yung paghawak niya sa hita mo? Wala lang ‘yon? Kung ako man ang nasa kalagayan ni Aubrey, ganoon din ang mararamdaman ko.” Paliwanag ni Anthony.
“Pero hindi niya dapat tinawag na malandi si Monica.”
“Eh ‘yung sinabi ni Monica kay Aubrey ayos lang?”
“Alam mo naman na hindi kami kailanman naging boto diyan kay Monica. Pinakikisamahan lang namin siya dahil sa iyo.”
“At boto kayo kay Aubrey?” kunot noong tanong niya.
“Sa nakikita namin, oo. You look happy when you’re with her.” Saad ni Brent. “And we know how much she likes you way back then pero wala naman siyang ginawang masama or anything foul, she’s just admiring you from a far, unlike Monica na bigla-bigla na lang susulpot sa office mo.”