Chapter 30

5.9K 98 2
                                    

Dahil walang  nagreply na sa tanong ko last Chapter. Wholesome tayo today hahahahaha.

-

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin si Aubrey kay Dexter. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito kapag tinititigan siya.

Nasa mababaw na parte na sila at pilit niyang iwasan ang binata. Nakaupo lang siya at hanggang leeg niya ang tubig.

“Babe..” tawag ni Dexter ng makaahon ito sa paglalangoy.

“Oh?”

Diretso lang ang tingin niya sa karagatan.

“Bakit ayaw mong tumingin sa akin?” medyo iritado na ang boses nito kaya napilitan siyang lumingon sa binata.

“Tinitignan naman kita ah.”

“You are avoiding me!”

“I am not.”

“See? Nag-iwas ka na naman ng tingin sa akin.” lumapit ito sa kanya. “Kanina ko pa napapansin na lumalayo ka sakin.”

Niyakap niya ang kanyang dalawang tuhod sa ilalim ng tibig. “Nahihiya kasi ako.”

She heard him sighed. “Dahil ba sa kanina?”

She nodded.

“I’m sorry. I just can’t stop myself touching you.” Naupo ito sa tabi ng dalaga at pinalupot ang kamay sa bewang ng dalaga. “Are you mad?”

Umiling naman si Aubrey. “Nahihiya lang ako.”

“Sorry. I won’t do it again…” mabilis siyang napalingon sa binata. "…in public. I won’t do it again in public places.”

Napanguso siya dahil sa kapilyuhan nito.

“Huwag ka ng mahiya sakin babe. Common, let’s swim. Let’s enjoy this day, huh.”

He kissed her on her right cheek.

“Okay.”

Inalalayan ni Dexter na tumayo si Aubrey at dinala niya ito sa hindi masyadong malalim na parte ng dagat.

“I’ll teach you how to swim.”

“Huwag mo akong bibitawan ha.”

“Of course babe. Trust me.”

They spent their time in swimming. Saksi ang karagatan kung gaano kasaya ang dalawa. Asaran at tawanan ang naghahari sa kapaligiran. Literal na may sariling mundo ang dalawa.

Sa halos dalawang oras na pagtatampisaw sa tubig dagat ay hindi natutunan ni Aubrey kung paano lumangoy. Sa dalawang oras na iyon ay ang tanging pagkapit lamang ang ginawa niya kay Dexter upang makapagstay kapag nasa malalim na parte na sila. Good thing that Dexter never let her go. He seems enjoying when she’s almost hugging him kapag natatakot siya.

When lunch time came, kumain lang sila sa hotel at nagpahinga sa kanilang kwarto. Bandang alas tres ng hapon na sila lumabas upang subukan ang water sports activities. They tried snorkling, kayaking, and nag jetski  rin silang dalawa. Ang using a tourist boat nilibot din nila ang mga islang malalapit.

Looking how the island is beautiful, life is still good. Despite of the stressed that everyone facing right now, everyone deserves to see a place like. And Aubrey and Dexter are blessed to experience that.

When you are enjoying, it seems time passed to fast.

Madilim na ngunit marami pa ring tao ang nasa dalampasigan. Karaniwan daw iyon dahil masarap pagmasdan ang buwan na nagliliwanag sa harap ng karagatan.

Aubrey and Dexter sitting on the blanket they bought and facing the calm sea. May lamp sa kanilang gilid kaya hindi gaanong madilim. May iilan silang kasamang naroon ngunit malalayo ang pwesto sa kanila kaya may personal space silang dalawa.

“Ang ganda ng buwan.” She said.

“Mas maganda ka babe.”

Hinawi ni Dexter ang ilang takas na buhok sa mukha ni Aubrey at inipit iyon sa tenga ng dalaga. Nakaupo si Dexter sa likod ni Aubrey at yakap yakap niya ito habang nakahilig naman ang dalaga sa kanyang dibdib at nakahawak sa braso niyang nakapulupot sa bewang nito.

“Thanks for bringing me here, babe,”
“Anything for you.”

He kissed her on her temple.

Payapang nakatanaw si Aurey sa karagatan ng bahagyang nilayo siya ni Dexter sa pagkakahilig at nagulat na lang siya ng may malamig na bagay ang nasa leeg niya---isang necklace.

“A-ano to?”

“My gift. Happy monthsary babe.”

Nag-ulap ang mata ni Aubrey dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

“Thank you. I appreciate it so much.”

“You’re welcome.”

Hindi na napigilan ni Aubrey kaya hinalikan na niya ang binata. Sa halik na iyon ibinuhos ni Aubrey ang pasasalamat at ang pagmamahal sa binata. Kasabay ng nag-uumapaw na damdamin ay ang pagbuhos ng luha niya.

“Why are crying?”

“I am just happy.” She smiled. “Bukod kay Anj, ikaw pa lang ang nagregalo sa akin.”

Kumunot ang noo ni Dexter.

“Your parents?”

Umiling siya. “Nakalimutan na nila ako. Wala akong matandaan na regalo na mula sa kanila.”

“Why?”

“Anak ako sa labas. Anak sa pagkakamali.” Malungkot niyang sabi. “Parehong may pamilya ang parents ko kaya wala akong lugar sa kanila. Pero okay lang, nandiyan naman si Anj…at ikaw.”

“Yeah. I am your family. Don’t be sad.”

She nodded at muling humilig sa dibdib ng binata. She touched her necklace on her neck. Silver iyon at pangalan niya ang nakaukit na pendant. It’s beautiful.

“Thank you for this. Sorry, wala akong regalo.”

“It’s okay. Having you by my side every night is the best gift ever.”

“Bolero.”

They both laughed.
The sound of the waves is very relaxing. Aubrey is beyond happy. Ang pangarap niya noon na mapalapit sa binata ay natupad na at higit pa sa inaakala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Masarap at magaan sa pakiramdam na maramdaman ang mainit na yakap ni Dexter sa kanya. The warmth and comfort that she been looking for to other people is finally beside her. Dexter is her home. She knows that since then. Dexter is the only guy na minahal niya mula noon at alam niyang sa hinaharap ay ito pa rin.

Madamdamin siyang tumingala sa binata.

“I love you.” bulong niya rito.

He smiled and leaned his face to give her the most sweetest kiss on his way.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon