Hi. Sorry for the super late update. And thank you for waiting and reading. Have a nice day!
--
“Please. Believe me…” masuyong sabi ni Dexter kay Aubrey.
Pareho na silang nakaupo sa sofa ng opisina nito. Si Aubrey ay tahimik pa rin na umiiyak habang nakikinig sa paliwanag ni Dexter.
“That was just accident, babe. Natapilok siya at ako iyong katabi niya kaya sinalo ko siya para alalayan. Siguro nadikit lang ‘yung labi niya diyan pero hindi ko naramdaman. We didn’t kiss.” Paliwanag nito. “At wala akong planong halikan siya. Hmm. Babe.”
Pinalis niya ang luhang nasa pisngi niya at kinuha ang cellphone. “Ano naman ‘to?”
Kunot ang noong tinignan iyon ni Dexter and he clenched his jaw when he saw the picture.
“Kanino galing ‘to?”
“Hindi ko alam.”
Kita ni Aubrey ang panggigigil ni Dexter base sa paghawak nito sa cellphone.
“I didn’t kiss her. Believe me. Please, babe. Trust me.”
Hindi siya umimik sa sinabi nito. She just was playing with her fingers on her lap.
“Kailan ka pa nakakareceive ng ganitong message?”
“Matagal na rin. Weeks ago.”
“Fuck.” Mahinang mura ni Dexter kaya napatingin si Aubrey sa binata.
“Just blocked this number, okay?”
“Why? Natatakot kang send’an pa niya ko ng picture niyo ng babae mo?”
Hindi makapaniwalang napatingin si Dexter sa dalaga. He is shocked because of the words that she said.
“Babe…”
Nagsimula na namang manggilid ang luha ni Aubrey. “Bakit niya ako papadalhan ng ganyan kung wala talagang nangyayari na hindi ko alam? Paano kung wina-warning’an niya na pala ko?”
He clenched his teeth. “Wala ka bang tiwala sa akin?”
Hindi nakasagot si Aubrey.
“Hindi mo ba naisip na baka sinisira lang niyan ang relasyon natin?” bakas na ang inis sa tono ni Dexter at si Aubrey naman ay tahimik lang at napaisip sa sinabi ng binata.
“Pero bakit lahat ng sinesend niya ay puro pictures niyo lang nung Architect? May mga nakakameeting ka namang ibang babae di’ba? Pero bakit hindi niya iyon sinesend? Baka… may tinatago talaga kayo nung Architect.”
“Wala ka bang tiwala sa akin? Ayaw kong magalit dahil hindi naman totoo ‘yung mga nasa picture na ‘yan at ‘yung mga sinasabi mo pero nasasaktan ako dahil parang sigurado ka sa mga pagbibintang mo sa akin. Tss. I get it. Wala kang tiwala sa akin.”
Tumayo ito sa sofa at lumipat sa lamesa nito habang si Aubrey naman ay nakayuko lang at gulty dahil sa sinabi ng binata.
Dumaan ang ilang minute na tahimik lang silang dalawa. Si Dexter ay kunot ang noo habang nagbabasa ng mga papeles na dapat pirmahan habang si Aubrey ay tahimik na nakaupo pa rin. Nasasaktan siya dahil hindi siya pinapansin ni Dexter pero nagi-guilty siya dahil kasalanan niya naman. She knows that she hurt him because of her words and accusations.
“Uuwi na ako.” Paalam ni Aubrey.
“Okay.” Malamig na tugon ng binata. She sighed and silently went out to that office.
Nang makalabas ay malungkot siya na napatingin sa damit na hawak at ipinasok iyon sa paper at tahimik na nilisan ang building na iyon.
That was their first serious fight. Malungkot na kumain mag-isa si Aubrey ng makarating sa bahay. Iniisip niya ang nangyari at sagutan nilang dalawa ni Dexter.
Hindi siya makatiis kaya nagsend siya ng mensahe sa binata.I’m sorry babe. :(
She waited but she didn’t receive a reply from him. Buong maghapon ay tahimik lang si Aubrey at nalulungkot hanggang sa makatulog siya.
Madilim na ng magising siya at nagmamadali siyang bumaba upang magluto. She wants to cook for him as peace offering. Saktong pagbaba niya ng hagdan ay ang pagpasok naman ni Dexter.
“Uhm.Hi.” Nahihiya pa niyang bati.
Lumapit lang ito sa kanya at humalik sa pisngi at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Nilingon pa niya ito upang sundan ng tingin.
Simpleng adobo lang ang niluto niya at hinintay ang pagbaba ng binata ngunit hindi niya inaasahang nakapang-alis ito ng ayos at may dala-dala pang bag.
“A-alis ka?” natatarantang tanong niya.
“Yes. Sorry babe biglaan lang din. We are going to Cebu with the team. May ichecheck kaming site na nagkaroon ng problema.”
“K-kasama ba si Achitect?”
Dinig niya ang buntong hininga ni Dexter at malungkot itong lumapit sa kanya. “Yes. Please, trust me. Hmm.”
Pagod siyang ngumiti rito at tumango.
“Nagkaroon kasi ng problema doon sa site and may parte ng building na nagcrack so we need to check immediately kung ano ‘yung problema. And Architect is one of the Architects in that projects o she needs to be there to check their designs of that building.” Tumango-tango lang siya kahit sa totoo lang ay wala siyang maintindihan. “Babe.Trust me. I’ll never cheat on you.”
“Okay. And I’m sorry kung pinagdududahan kita.”
“Kahit maganda si Architect Alexa hinding hindi kita ipagpapalit sa kanya. Okay?”
Ngumiti siya rito at tumingkiyad upang halikan ang labi ng binata. “Mag-ingat ka roon.”
“Kapag mabilis naming nacheck at naayos ang problema baka bukas ng gabi ay narito na rin ako. Huwag kang lalabas ng gabi okay?”
“Okay po. Mag-ingat ka roon. No girls, okay?”
“Yes boss.”
Muli siya nitong pinatakan ng halik sa labi bago nagmamadaling umalis. Kahit may kaunting pangamba at selos na nararamdaman dahil alam niyang magkakasama si Dexter at Alexa ay mas nangingibabaw ang mga salitang iniwan sa kanya ni Dexter. She needs to trust him. Isa pa ay trabaho iyon. At sa larangan ng trabaho na mayroon ang binata ay alam niya kung gaano kabigat kapag ang isang proyekto tungkol sa mga buildings ang nagkaroon ng problema. Dahil buhay din ang nakasalalay doon kung hindi matitignan ng maayos ang isinasagawang building. If the building collapsed in between the years of contract with the Engineers and Architects ay sila ang mananagot. Kaya she needs to understand him. She also needs to trust him so their relationship will work.
Sa kalagitnaan ng gabi ng kanyang pagkakahimbing ay gumising sa kanya ang ingay mula sa cellphone. She thought that it’s Dexter kaya mabilis niyang sinagot iyon.
“Hello.” Bati niya ngunit walang sumasagot. Tanging mabibigat na hininga lang ang naririning niya.
“Hello?” ulit pa niya.
“A-aub…” nanginginig na boses ni Anj ang bumati sa kanya.
“Hello Anj. Are you okay?”
“A-ubrey…Help me…”