Chapter 10

9.8K 111 0
                                        

Chapter 10

Parang biglang nawala ang init na nararamdaman ni Aubrey nang makita ang expression sa mukha ni Dexter.

Fuck. Dexter's mind became blank at mabilis niyang hinugot ang pagkalalaki kay Aubrey at mabilis na tumayo.

"H-hey," bulong na sabi ni Aubrey.

Kinakabahan siya at natatakot dahil sa expression na ipinapakita ng binata.

"You said you're not a virgin, right?"

"Y-yes."

"Why the fuck did you lie?!"

Halos mapapikit si Aubrey dahil sa sigaw ng binata. Umusbong ang matinding kaba sa kanya. Bakit gano'n ang expression nito? Hindi ba dapat ay matuwa pa ito dahil virgin siya?

"I already told you that I don't do sex with virgin woman! And hell, napag-usapan pa natin 'to diba?!"

"I-I'm sorry."

"May balak kang pikutin ako 'no?!"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin rito.

"N-no..no Dexter. Hindi iyon gano'n. Kaya ko lang naman hindi sinabi sa'yo dahil...dahil alam kong hindi ka papayag."

"Buti alam mo!" nanlilisik ang matang sigaw nito sa kanya kaya muli siyang napayuko.

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng hiya.

"Get out," mahinanon na sabi ni Dexter. "Get...out!"

"W-what's the problem? Hindi na ba natin itutuloy?"

"What do you think?"

Tumutig siya sa mata nito at tanging malamig na tingin lamang ang ipinukol nito sa kanya.

"I told you, I don't do sex with anyone who's virgin...unless I'm in love you. But nah, you're just my bed warmer and you're a fucking virgin so I don't want to have responsibility with you. I hate drama so now if you don't mind, please get out."

Unti-unting parang may kung anong bumabara sa lalamunan niya dahil sa narinig sa binata. Tumitig muna siya rito bago dali-daling tumakbo sa kwarto kung saan siya tutuloy.

Naninikip ang kanyang dibdib at sumasakit ang lalamunan niya dahil sa pinipigilang luha pero dahil sa sakit na nararamdaman ay hindi na rin niya napigilan. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang luha.

Niyakap niya ang sarili niyang hubad pa rin hanggang ngayon. At masakit pa rin ang gitna ng nasa hita niya. Kahit papaano kasi ay nakapasok iyon at iyon ang unang pagkakataon.

Nahihiya siya sa sarili niya. Ngayon lang niya napagtanto na kaya pala niyang ibigay ang pagkababae niya sa taong mahal niya pero hindi siya mahal. At ngayon lang niya narealize na masakit pala... masakit na kahit katawan niya ay hindi kayang tanggapin ng taong matagal na niyang mahal.

Pinahiran niya ang kanyang pisngi na punong puno ng luha. Pumunta siya sa banyo upang maligo. Hindi niya alam kung paano pa niya haharapin ang binata kaya nagpasya siya na bukas na bukas din ay aalis siya. Tutal ay ayaw naman nito sa kanya. Siguro ay balewala na ang kontrata dahil ayaw naman na nito sa kanya.

Samantalang si Dexter ay tulala at kunot ang noo habang nakaupo sa kama. Fuck. He wants to punch his face dahil alam niyang nasaktan si Aubrey sa mga sinabi niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, sa totoo lang ay natuwa siya nang malaman na virgin pa ang dalaga pero ang takot ang namutawi sa kanya. Ayaw niyang sa huli ay masaktan ang dalaga. Ayaw niyang magkaroon ng responsibilidad kay Aubrey kung kukunin man niya ang pinakaiingatan nitong pagkababae. Ayaw niyang sa huli ay isumbat sa kanya ito ni Aubrey.

He's still not yet ready for committment and he knows that if Aubrey gave her virginity to him, ayaw niyang maattach sa kanya ang dalaga. Yes, he's attracted to her but that's it.

Ayaw niyang mahulog sa kanya si Aubrey. Dahil sa huli ay masasaktan lang ito.

But fuck. Kanina ay gustong gusto niya ng gumalaw sa ibabaw nito kaya nga lang ay pinangunahan siya ng takot. Nag-iinit siya sa tuwing iisipin kung gaano kasikip sa loob nito.

Argh. Padabog siyang tumayo sa kama at dumiretso sa banyo upang maligo. He needs cold shower to calm himself.

Pareho silang hindi lumabas ng kwarto. Aubrey was inside her room and still crying while Dexter on his room thinking about Aubrey.

Napagpasyahan ni Aubrey na muling ilagay sa kanyang maleta ang kanyang mga gamit. Naiiyak siya na natatawa. Wala pang isang araw pero heto siya at muling inilalagay ang mga gamit sa maleta niya. Hindi man lang ito nag-init sa loob ng closet.

Halos hindi na nakatulog si Aubrey nung gabing iyon dahil iniisip niya ang nangyari. Akala niya ay mapapalapit na siya sa binata pero hindi pa pala. Yung pinaplano niya na sa bandang huli ay gusto niyang magkaanak at ito ang magiging ama ng bata ay hindi na matutuloy. Siguro ay karma iyon? Ang bilis naman. Hindi pa nga niya ginagawa ang plano niya pero bumalik na sa kanya.

Siguro ay kailangan niyang makipagsex muna sa iba bago bumalik ulit kay Dexter at sabihing hindi na siya virgin. Sa isiping iyon ay hindi niya makita ang sarili na nakikipagtalik sa ibang lalaki.

Maybe...maybe that is her destiny, ang tumandang dalaga. Hindi na niya kasi makita ang sarili na magkakagusto o magmamahal pa ng iba. Parang nakalaan na ang puso niya para kay Dexter.

Nang sumapit ang umaga ay pinkiramdaman muna niya ang paligid. Inaantay niyang bumukas ang kwarto ng binata dahil aalis siya kapag nakaalis na ito. Alas singko nang umaga ng marinig niya ang pagbukas ng pinto ng katapat na kwarto. Dahan-dahan niya namang pinihit ang doorknob ng kanyang pinto at sinilip ang labas. Pababa na ngayon si Dexter sa hagdanan at nakagayak ito nang pang-exercise. Dahan dahan siyang sumunod pababa at dinala ang dalawang maleta niya, hindi na niya kasi kaya kung tatlo pa kaya iniwan na niya yung isa. Konti lang din naman ang laman no'n at puro gamit sa kanyang katawan. Bibili na lang siya pagbalik niya sa dorm.

Nakita niyang lumabas ito ng gate at buti na lang at binuksan ang maliit na pinto ng gate. Napabuga siya ng hangin, buti na lang at sumasang-ayon sa kanya ang tadhana. Doon lumabas g binata at hinila lang iyon para sumarado.

Dali-dali naman siyang lumabas ng gate at buti na lang ay sa gawing kanan tumungo si Dexter para siguro magjogging. Siya naman ay mabilis na hinila ang maletang dala patungo sa labas ng village.

Napabuntong hininga siya ng nasa labas na. Naghintay na lang siya doon ng taxi para makauwi na sa apartment niya.

Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang malungkot. Lahat ng akala niya ay hindi nangyari. Totoo nga siguro, madami ang namamatay sa maling akala.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon