Prologue

20.9K 132 1
                                    

"Bhe!Bhe!Bhe!..."

Mula sa kusina ay patakbo akong pumunta sa sala kung saan naroon si Anjie, ang bestfriend ko.

"Ano 'yun? Bakit? Napano ka?" natatarantang tanong ko.

"Bhe tignan mo 'tong iniscreenshot ko. OMG Aubrey! Waaaah."

Tinampal ko siya sa braso dahil sa kasisigaw niya. "Huy umayos ka nga. Ano ba 'yan?"

Dinungaw ko ang cellphone niya at nakitang screenshot iyon galing sa IG story. Nanlaki ang mata ko ng mabasa kung ano ang nakalagay doon.

Hiring: Bed Warmer

I'll delete this once there are 5 women who saw this post. If you are interested just dm me here and we'll talk about to this matter.

"Sure kang sa IG story ni Dexter iyan?"

"Oo naman 'no. Alangan naman na iedit ko ito. Buti nga iniscreeshot ko kaagad. Gosh, check your phone..deleted na ito." inayos pa niya ang eyelashes niya. "Girl diba patay na patay ka dito kay fafa Dexter. This is your chance. And take not, BED WARMER...Waaaaah. Beh sure na mahaba iyon."

"Bastos ka talaga." natatawa kong sabi.

"Bruhang 'to. I'm sure pinagnanasahan mo si Dexter 'no. Kilala kita girl 'wag kang ano diyan."

Well, totoo naman iyon. Sino ba naman ang hindi e sobrang hot at gwapo no'n. Since college ay gustong gusto ko na iyon kaso nga lang kahit anong papansin ang ginawa ko ay hindi ako napansin. Ewan ko ba. Marami naman akong manliligaw pero siya lang yata ang hindi tinamaan sa alindog ko.

"Ano na girl. I'dm mo na siya at baka maunahan ka pa. Bahala ka."

"Nakita mo naman nung college di'ba, hindi naman ako napansin no'n. Lalo na ngayon."

"Wag mo ng isipin ang past. Baka nga hindi ka na kilala no'n ngayon e kaya wag ka ng mahiya na itry. At isa pa, gusto mo ng magkaroon ng anak di ba? So this is your chance. Magpabuntis ka sa kanya. Posible naman iyon dahil iyon naman ang hanap niya...ang may makasex...so sure na maghahalo ang egg at sperm cell niyo at makakabuo kayo ng baby." paliwanag nito. "At sure na gwapo at maganda iyon dahil tignan mo naman si fafa Dexter. Nung nagpaulan ng kagwapuhan at kakisigan aba e ayun at nagtampisaw."

Nagtawanan kami pareho dahil sa sinabi niya. Baliw talaga.

Pero napaisip ako sa sinabi niya. Totoo na gusto ko ng magkaanak kahit 25 years old pa lang ako. Well ang gusto ko kasi ay kapag lumaki ang anak ko ay makakabonding ko pa rin siya. Sa ngayon ay wala naman akong boyfriend dahil...well si Dexter naman talaga ang gusto ko simula pa noon at naghihintay ako ng himala na sana baka magtagpo ang landas namin.

Sana ito na 'yon.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon