Dexter was busy thinking of something when he heard the door of his office open and he knew who it is.
“Hey, bro.”
Pinaikot niya ang kanyang swivel chair upang makaharap ang kaibigan.
“What do you need?”
“Wala naman. Binibisit lang kita.” Nakangising sagot nito. “Balita ko kasi ay problemao ka.”
Nagpakawala siya ng buntong hininga.
“Parang alam ko na. Dahil kay Aubrey?”
Tumingin lang siya rito habang pinaglalaruan ang ballpen sa kanang kamay.
He sighed. “She’s been avoiding me for almost one week already.”
“At hindi ka na mapakali?” natatawang sabi ng kaibigan. “I told you bro, nasaktan mo siya nung nasa bar tayo.”
“Nagsorry naman na ako.”
“Kahit ilang sorry pa yan kung sorbang nasaktan siya wala rin. Siguro napatawad ka na niya pero hindi pa rin nawawala ‘yung sakit na nararamdaman niya.”
“Kinakausap naman niya ako pero hindi na katulad ng dati. Hindi na niya ko kinukulit. Hindi na siya sweet sa akin. Tsk.”
“Baka nagsasawa na sayo.”
Tinignan lang niya ng masama ang kaibigan ngunit ngumisi lang ito sa kanya at tumayo na.
“I’ll go now. Bumawi ka na lang sa kanya. Isurpise mo. Bahala ka, kapag si Aubrey nagsawa sa’yo ewan ko na lang. Mukang malakas pa naman ang tama mo ro’n.”
Ilang minute ng nakaalis ang kaibigan sa office niya pero siya ay nakatulala pa rin at malalim ang iniisip.
Dahil hindi naman siya makakapagconcentrate sa pagtatrabaho ay mabilis niyang inayos ang gamit niya at nagpasyang umuwi. He wants to see her.
Dahil bored si Aubrey sa bahay ni Dexter ay nagpasya siyang pumunta kay Anjie---sa apartment nila. Wala kasi itong pasok. It’s been one week simula nung mangyari ‘yung sa bar at hanggang ngayon ay apektado siya. Umiiwas siya sa binata dahi ayaw niyang masaktan pa lalo. Pinag-iisipan din niya ‘yung sinabi ni Anjie na magback-out na sa kung ano man ang set-up nila ni Dexter pero alam niya sa sarili niya na hindi niya kaya. Ayaw niyang sayangin ‘yung chance na ibinigay sa kanya na mapalapit dito ngunit ayaw naman din niyang masaktan. She doesn’t know what to do.
“Napapadalas ka rito ah.” Biro sa kanya ng kaibigan. Sinumangutan lang naman niya ito. “Sabi ko kasi sa’yo umalis ka na do’n ' e.”
“Hindi ko kaya.” Malungkot na sabi niya. “Alam mo naman na matagal kong hinintay ‘yung pagkakataon na ito na mapalapit sa kanya.”
“Kahit na naaapakan na ng ibang tao ‘yung pagkatao mo?”
Hindi siya nakasagot.
Tinititigan ni Anjie ang kaibigan na ngayon ay malungot at malalim ang iniisip. Gusto niya sanang sabihin ‘yung napansin niya kay Dexter ngunit ayaw niya na mas lalo itong umasa. Napabuntong hininga na lang siya.
Aubrey stayed there until afternoon. Alas sais na rin ng makabalik siya sa bahay ni Dexter. Madilim pa ang loob ng kabahayan at tanging mga ilaw sa labas lang ang nakasindi rito. Nakanguso siyang tumingin sa kabuuan ng bahay at malungkot na naglakad papasok.
Sa pagbukas niya ng main door ay agad siyang napahinto ng makita ang maliit na kanila na nakalagay sa maliiit na glass at nakasindi. Sa magkabilang gilid iyon na parang naging guide kaya sinundan niya ang mga iyon hanggang makarating sa garden. At doon niya naabutan si Dexter na nakatayo sa gilid ng table na nakaset-up roon. Nakapambahay lang ito ng suot. Iginala niya ang kanyang mga mata na nakita niya ang mga balloons na nagkalat sa bermuda grass sa garden at ang mga kandila at ang mga lights. Hindi gaanong maliwanag ngunit kita naman nila ang isa’t isa. May mga lamp post din na nakasindi na nakakadagdag liwanag pa. The set-up was so romantic.