Papalapit sila ng papalapit sa table nito at sa bawat hakbang ng paa ni Aubrey ay nadadagdagan din ang selos na nararamdaman niya. Kitang kita iyon ni Anjie na higit na nakakakilala kay Aubrey, kaya napabuntong hininga na lang siya. She knows what will gonna happen next.
Pilit na lang ngumiti si Anjie kay Aly na girlfriend ni Brent para ipakita rito na okay lang ang lahat---kahit na hindi.
“Bro, Aubrey is here.” Bungad ni Brent ng makalapit sila sa table kaya napatingin ang lahat ng naroon. May dalawang babaeng kasama si Anthony.
“Oh, hi.” Bati ni Anthony at tumayo ito at nakipag kamay kay Anjie at Aubrey pagkatapos ay tumingin kay Dexter.
“Aubrey.” Sabi naman ni Dexter at tumayo rin.
Nasaan na ang babe.
Pilit na nilalabanan ni Aubrey ang selos at pilit na ngumiti rito pati na rin sa ibang naroon maliban na lang sa babaeng katabi ni Dexter at nakita niya ang ginawang pagtingin sa kanilang dalawa ni Anjie mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay umirap.
“Guys. This is Aubrey and Anjie.” Pakilala ni Dexter sa kanilang dalawa sa mga kaibigan nito. “And this is Brent, Aly--- his girlfriend, Anthony, Anika and Mira---Anthony’s sister and Mira is Anika’s bestfriend, and this is Monica.”
Binigyan niya ng pekeng ngiti ang Monica na binanggit nito. Hindi alam ni Aubrey kung insensitive ba si Dexter dahil pinaupo pa talaga siya nito sa tabi nito at sa kabilang side ay ang maharot na Monica na ngayon ay muling nakapatong ang kamay sa hita ni Dexter.
Mabilis niyang kinuha ang beer na nasa harapan niya at tinungga iyon.
“Oy bes, kalmahan mo lang.” bulong sa kanya ni Anjie. “Huwag mong papatulan si ate girl kahit alam kong gigil na gigil ka na.”
Hirap na hirap man ay pinilit niyang makisama.
“We’re schoolmates back in college, right?” tanong ni Anthony.
“Yup. Actually naging kaklase namin kayo sa ibang subjects.” Sagot naman ni Anjie.
“In business management right?”
“Yup.”
“Did you eat dinner?” mahinang bulong na tanong ni Dexter kay Aubrey.
“Yup.” Tipid na sagot niya.
Hindi niya alam pero pansin ni Aubrey ang bawat galaw ni Monica at sa tuwing kakausapin siya ni Dexter ay mabilis itong bubulong kay Dexter kaya naaagaw nito ang atensiyon ng binata.
Hindi na niya napigilan kaya sinita na niya ito. Tumagilid siya ng upo upang mas makaharap ito.
“Hey! Can you stop flirting?” mataray na sabi niya.
“What did you say?” taas ang kilay na tanong ni Monica.
“Are you a deaf or what? I said stop flirting with Dexter.”
“Hey, hey, hey.” Sabay hawak ni Dexter sa braso niya pero hinawi niya lang ito.
“And who are you to tell me that?”
“Ako lang naman ang girlfriend niyang nilalandi mo. At hindi ka ba nahihiya? Halos idikit mo na sa kanya ang katawan mo.”
“Girlfriend? You?” natatawang sabi nito. “Oh. You must be his fuck buddy, right? Ikaw siguro ‘yung pumasa na maging fuck buddy nitong si Dexter na pinost niya sa IG. You don’t have the right na sabihan akong nilalandi si Dexter dahil kung tutuusin ay fuck buddy ka lang niya.”
Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Monica. Nangunot lang ang noo niya. Tinamaan siya sa sinabi nito at medyo nasaktan siya. Umaasa siya na ipagtatanggol siya ni Dexter.
“Excuse us.” Sabi ni Dexter sabay hawak sa kamay niya at tumayo kaya wala siyang nagawa kung hindi magpatinaod kung saan man ito pupunta.
Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Tumatak sa kanyang isipan ang sinabi ni Monica na fuck buddy lang siya ng binata.
Dinala siya ni Dexter sa labas ng bar sa bandang gilid kung saan walang taong dumaraan at binitawan nito ang kanyang kamay.
“What was that, Aubrey?” pigil ang galit na tanong nito sa kanya.
“What? Kasalanan ko pa?”
“Why did you say that you are my girlfriend in front of my friends?”
“Hindi ba’t sabi mo ay ipapakilala mo naman talaga ako sa kanila?”
“Yes, but not as my girlfriend! And you are not my girlfriend. You know that.”
Napatanga siya saglit sa narinig. She closed her fists.
“Nilalandi ka nung Monica na iyon Dexter! At sa harap ko pa!”
“She’s our friend at ganoon lang talaga siya, walang malisya.”
“Walang malisya? Kahit halos isampay na niya ang katawan niya sa iyo! At bago pa kami makalapit ay halos kumandong na siya sa iyo!”
“Hindi gano’n iyon.”
“Pinagtatanggol mo pa talaga? Palibhasa enjoy na enjoy ka!”
Hindi na niya mapigilan ang nararamdaman kaya halos sumigaw na siya sa frustration. Nasasaktan siya.
“Stop it. Sinabi ko ng wala lang iyon hindi ba? And don’t call her that. Monica is not like that.”
“Pero ang pagtawag niya sa aking fuck buddy mo lang, okay lang?”
“Kung hindi ka kasi nauna ay hindi naman niya sasabihin iyon.”
“Wow.” Hindi makapaniwalang sabi niya. “Mas kinakampihan mo talaga siya, no? Gano’n ba siya kaimportante sa iyo?”
“She’s our friend. You’re just drunk. Let’s go inside.”
“Bakit hindi na lang siya ang gawin mong fuck buddy?”
“I said she’s not like that!” sigaw nito naikinagulat niya.
“And I’m the one who’s like that? Na hanggang fuck buddy lang?!” hindi na niya napigilan ang luhang tumulo sa pisngi niya pero mabilis niyang pinalis iyon.”Sabagay totoo naman dahil iyon naman talaga ang role ko di ba? Bed warmer mo, fuck buddy mo LANG. Sorry kung nakalimutan ko. Sorry for crossing the line. Don’t worry babawiin ko ‘yung sinabi ko sa harap ng mga kaibigan mo.
After she said that ay mabilis niyang tinalikuran ang binata at pinalis ang luhang patuloy na tumutulo sa pisngi niya. Bago tuluyang umakyat sa second floor kung saan naiwan ang kaibigan niya at kaibigan ni Dexter ay pilit niyang inayos ang sarili. Ilang beses siyang huminga ng malalim para lang kalmahin ang sarili at para pigilan ang pag-iyak kahit sa loob-loob niya ay gusto na niyang humagulgol.
She’s hurting… so bad.