Chapter 26

6.6K 91 3
                                        

A/N: Sorry for the late update. Wala pa rin kaming power supply hanggang ngayon.

---

Aubrey was busy preparing foods in the kitchen for Dexter's lunch. Balak niyang surpresahin ang binata kaya naghanda siya ng lunch at siya mismo ang maghahatid no'n sa office nito.

Their relationship these past few days changed a lot. After that confession, Dexter became sweeter than before. And now she can say that hindi na siya umaasa sa wala dahil alam niyang meron na ring nararamdaman para sa kanya ang binata.

Pinlano niyang ngayon pumunta sa opisina nito dahil alam niyang walang gaanong meeting ang binata. She knows dahil ipinaalam sa kanya ni Dexter ang mga schedule nito.

Lahat ng paborito nito ang niluto niya kaya alam niyang matutuwa ito.

Pasado alas onse ng umalis siya sa bahay ni Dexter dala ang lunch box kung saan nakalagay ang pagkaing niluto niya. Medyo malaki iyon dahil marami-rami ang pagkaing niluto niya.

"Good morning ma'am. How may I help you?"

"Good morning. Ahm. I'm Dexter's girlfriend. Pwede ko ba siyang puntahan sa opisina niya?"

"Oh. Yes ma'am. Sakay na lang po kayo sa elevator then sa pinakalast floor po ang office ni sir."

"Thank you."

"You're welcome po."

Dahil nakapunta na siya dati sa company ni Dexter ay alam na niya kung saan ang opisina nito.

Napangiti siya nang makalabas siya sa elevator.

She knocked to his office door then opened the handle.

Nakita niyang nag-angat ng tingin si Dexter at bahagya pang nagulat nang magtama ang kanilang mga mata.

Mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya. Siya naman ay tuluyan ng pumasok at isinara ang pintuan ng opisina.

"H-hey. What brought you here?"

He kissed her on her lips. Hinawakan pa siya nito sa braso at inalalayan palapit sa visitor's chair.

"Hmm. Dinalhan kita ng lunch." pinakita pa niya rito ang dala niyang pagkain.

"Wow. Really?"

"Yup."

Inayos na ni Aubrey ang dalang lunch box sa ibabaw ng mesa ni Dexter.

"These are my favorites, babe."

"I know right." natatawang sagot niya habang isa-isang isinasaayos ang mga pagkaing inuluto niya. "Upo ka na."

Dexter was amazed by looking at Aubrey who's busy preparing his lunch.

"Come here."

"Ha?"

Inilahad niya ang kamay niya at inabot naman ito ng dalaga. Hinila niya ito palapit sa kanya hanggang sa igaya niya ito paupo sa kanyang kandungan.

"Feed me."

"Sa ganitong posisyon?"

"Uh-huh."

Kahit nahihiya ay hindi na umangal si Aubrey. Kinikilig kasi siya sa kilos na ipinapakita ng binata. She's smiling form ear to ear habang inaabot ang kanin at ang chicken curry na niluto niya.

Ang mga kamay naman ni Dexter ay parehong nakapalupot sa bewang niya at tinitignan ang bawat kilos niya. Kahit medyo nahihirapan sa pwesto ay hindi siya nagrereklamo dahil gusto niya ang pakiramdam na magkalapit ang katawan nilang dalawa.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon