Chapter 23

6.7K 107 11
                                    

A/N: Sorry for the late update. Ang gulo kasi ng kapitbahay kahapon, may pavideoke, ang hirap magsulat pag maingay hahaha. Pero eto na yeeey. Thank you nga pala sa nagcomment na naghahanap ng update huhu tenks. Ang saya lang na may naghihintay ng update sa story ko 😭

Ps. I'll try to update again later~ 1 or 2 chapter/s 😁 Celebration for having a 100 followers and 8k+ reads for this story. Yiiie 😚

Enjoy~

I appreciate your comment guys so yeah, leave some comment/s.

---
The girls were happily dancing with other people on the dance floor. Ang kaninang bilog na ginawa nila ay nawala na when some people approached them. Buti na lang at mababait ‘yung mga lumapit sa kanila. Grupo iyon ng magkakaibigan at hindi lang mga lalaki ang lumapit sa kanila kundi pati na rin mga babae. Masaya silang nagsasayaw at sumasabay sa masaya at maindak na tugtog sa dance floor.

“Hi beautiful.” bati ng lalaking nasa gilid ni Aubrey.

Nginitian naman niya ito. “Hello.”

“You are good at dancing, huh.” Nakangiting sabi ng lalaki. Matangkad ito at gwapo.

“Thank you. You too.”

The crowd cheered when the song changed in to a sexy song.

Mula sa magulo ay napalitan ng mga senswal na indak ang mga nagsasayaw doon.

Lalapit na sana ang lalaki kay Aubrey ngunit natigilan ito ng may biglang sumulpot sa likod ng dalaga.

“Babe.”

Aubrey stilled when she heard that voice. Dexter. Pero hindi niya pinahalata iyon at pinagpatuloy ang pag-indak kahit nasa bewang niya ang braso ni Dexter. She looked at the guy beside her at nginitian niya lang ito, ngumiti lang din ito sa kanya pabalik at bumaling sa kabilang side at doon na lang nakipagsayaw.

Nakita ng tatlong babae ang paglapit ni Dexter kay Aubrey kaya binigyan nila ng space ang dalawa at lumayo ng kaunti.

Inalis ni Aubrey ang braso ni Dexter sa bewang niya and continued to dance pero bumalik lang ito sa pagkaapulupot sa kanya.

“Babe… Aubrey.” Mahinang bulong nito sa kanya at ramdam niya ang dibdib nito sa likod niya. “Bakit nakikipagsayaw ka sa ibang lalaki.”

“Why? Bawal ba?”

“Ayaw kong nakikipagsayaw ka sa iba.”

“Bakit? Nagsasayaw lang naman kami.”

“Ayoko. Bawal kang dumikit sa ibang lalaki.”

Huminto siya sa paggalaw ngunit nakatalikod pa rin siya sa lalaki. “Pero ikaw pwedeng dumikit sa ibang babae?”

Hindi kaagad nakasagot si Dexter kaya mabilis na lumayo si Aubrey at lalapit na sana sa mga babaeng kasama niya kanina when Dexter pulled her again at napasandal siya sa dibdib ng binata.

“Of course not. I’m sorry. Hmm.” Malambing na sabi nito habang ang dalawang kamay na nito ang nakapaulupot sa bewang niya. “Are you still mad?”

She didn’t answer. Sa ipanapakita at kilos ng binata ngayon ay unti-unti na namang natutunaw ang puso niya ngunit muli niyang ipinaalala sa kanyang sarili ang nangyari kanina lang.

“You are mad.”

Inalis ni Dexter ang pagkakayap kay Aubrey at iniharap niya ang dalaga sa kanya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha nito at alam niyang galit ito sa kanya kahit hindi ito nagsasalita.

“I’m sorry.”

Tipid na ngumiti lang ito sa kanya. “It’s okay.”

She looked at her seriously. She’s really beautiful. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinalikan ito sa labi. Wala ng pakiaalam si Dexter kahit na nasa gitna ng dance floor at maraming taong nakakakita. Sa oras na iyon ay gusto lang niyang maramdaman ang labi ng dalaga sa kanya.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon