Chapter 11
Dexter was still bothered when he woke up or we can that he didn't still last night. Kaya kinaumagahan ay nagpasya siyang magjogging and to breath a fresh air in their village. Balak sana niyang katukin ang dalaga pero hindi niya ginawa dahil ayaw niyang abalahin pa ito. Kakausapin na lang niya pagbalik niya.
Kagabi ay nakapag-isip isip siya and he realized na mali at nasaktan niya ang dalaga. He wants to say sorry at gusto niyang bawiin lahat ng sinabi niya kagabi rito.
Gusto na niyang ituloy ang una nilang plano kung saan ito pa rin ang magiging bed warmer niya. Simula kasi kagabi ay wala na siyang ibang maisip kung hindi si Aubrey. Inaamin niya sa sarili niya na may ibang hatid ang babae sa sistema niya na nakapagpapagulo sa isip niya. Sa ngayon ay gusto niyang palaging nakikita at nakakasama ang dalaga kaya nagpasya siya na kausapin ito upang ituloy ang nauna nilang plano. Sana lang ay payag pa rin ito. At sana hindi ito galit sa kanya.
After an hour of walking and jogging inside the village ay napagpasyahan niya nang umuwi sa kanyang mansiyon.
Mabilis siyang naligo at pumunta sa sa guest room na tinutuluyan ng dalaga. Gusto na niya itong makausap at gustong makasabay sa almusal.
He knocked first but no one's answering so he decided to open the door. The calm and peacefull room welcome him.
"Fuck!" he uttered when there's no sign of Aubrey inside the room.
He knew it. Hindi na niya kailangan pang halughugin ang buong kwarto dahil sa ayos pa lang nito ay alam na niyang umalis ang dalaga. Ang bed sheet ng kama ay ayos na ayos at walang bakas ng taong nahiga roon.
Kahit sigurado na siya ay binuksan pa rin niya ang closet at tumambad sa kanya ang walang laman na loob no'n. Nang tumingin siya baba ay naabutan niya ang nagiisang maleta na nakalagay doon. Maleta iyon ng dalaga.
Kunot noo siyang lumabas ng kwarto. Badtrip siya but at the same time ay kinakabahan. He wants see her now but he has still meetings to attend with.
Busangot, nakakunot ang noo na pumasok siya sa opisina. Sa elevator pa lang ay wala nang nagtangka pang kumausap pa kay Dexter dahil sa itsura pa lang ay hindi na maganda ang mood at takot ang mga empleyado na baka magalit at masigawan pa sila ng kanilang amo.
Buong maghapon natapos ang trabaho niya na puro meetings ang ginawa. Kung hindi lang talaga importante ang mga iyon ay gugustuhin niyang puntahan na sana si Aubrey but he can't, those meeting were very important to the company. Kaya nang matapos ay napabuntong hininga siya nang maupo sa swivel chair sa kanyang opisina. Napahilot pa siya sa kanyang sentido sa kaaisip kay Aubrey. He needs to talk to her immediately.
Kriiiing...
Agad niyang sinagot ang kanyang cellphone na tumutunog without looking who's the caller.
"Hello?" bungad niya.
"Hey, buddy. You busy?" boses iyon ni Anthony.
"Why?"
"Punta ka dito sa bar ni Brent. We need to celebrate."
"For?"
"Aly is pregnant. Malupit si Brent, nakabuo na ang gago," sabay halalhak pa nito.
Brent is one of his bestfriend. Actually, Brent and Anthony are the person he can trust with. Matagal na silang magkakaibigan ng mga ito at sinubok na ng panahon ang pagkakaibigan nilang tatlo.
At sa balitang natanggap niya ngayon ay masaya siya dahil alam niya kung gaano kamahal ni Brent si Aly, ang kasintahan nito.
"Sure. Deretso na ako diyan."
He sighed when he hanged up his phone. He needs to go there for the celebration of his friend. Siguro ay pagkatapos no'n ay tsaka na lang siya pupunta sa apartment ni Aubrey. Hindi siya papayag na matapos ang araw na hindi niya nakakausap ang dalaga.
Saglit lang siyang nagoahinva sa kanyng ipisina at dumiretso na siya kaagd sa Trese Bar na pag-aari ni Brent.
Sa second floor niya naabutan ang mga kaibigan at si Aly. Sa pwesto nila ay kita ang mga taong nasa first floor kung saan marami ang sumasayaw. Nasa gitna ang dance floor at sa mgabgikid ang mga lamesa kung saan puno rin ng tao na umiinom. Sa kanilang peesto sa second floor naman y halos lamesa at couch ang mga naroon, lugar kung saan puro umiinom lamang. Pa-square iyon at kutang kita ang gitna sa ibaba which is the dance floor.
"You're here," si Anthony iyon at nakipaghandshake and bro hug sa kanya.
"Congrats," ngiting baling niya naman kay Aly at bumeso. Kay Brent naman ay nakipgkamay siya katulad ng kay Anthony.
"Thanks."
"You look like stressed bro," natatawang untag ni Brent nang makaupo sila sa couch. Silang dalawa ang tabi ni Anthony at sa kabila ay ang magkasintahan.
"Tss."
"What?! Bakit naistress ka pa eh hindi ba at okay na 'yung problema mo?"
"Wait...wait. Hindi ko maintindihan. Care to explain bro?"
Dahil doon ay si Anthony na ang nagkwento kay Brent kung ano ang napag-usapan nila ni Anthony last time na bisitahin siya nito sa kanyang opisina.
"Oh! What's your problen now, bro?"
"Umalis sa bahay ko. Tss."
Hindi agad nakapagsalita ang dalawang kaibigan. Parehong iniisip 'yung sinabi niya.
"In your mansion?"
Bumaling siya kay Aly dahil sa tanong nito.
He nodded.
"Pero..hindi ba at... hindi ka nagpapapunta ng kung sino sino lang sa mansion mo? Madalas ay sa condo mo lang?"
Silence.
Lahat ay tahimik dahil sa sinabi ni Aly.
"Is that Aubrey?"
Napalingon siya sa ibaba kung saan may itinuro si Anthony at kumunot kaagad ang noo niya nang makita ang babaeng kanina pa laman ng kanyang isipan.
"Uh-oh. I smell something like... trouble."