Chapter 28

6.1K 88 6
                                        

“Okay na lahat?”

“Yup.”

“Okay let’s go.”

Sakay ang kotse ni Dexter ay tumulak na sila papuntang Batangas. Bukas pa dapat sila aalis but Dexter decided to go tonight para raw bukas ay masulit nila ang buong araw.

Sa Laiya, Batangas nila napagpasyahan pumunta. Two hours away ang byahe mula sa  mansiyon ni Dexter.

“Excited na ako sa mga gagawin natin bukas.” Magiliw na saad ni Aubrey habang nakatingin sa labas ng kotse ng binata.

Dexter looked at her and smiled.

“Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka nakakain ng maayos kanina.”

“Hmm. Hindi naman. Wala akong nararamdamang gutom dahil excited ako. Hahaha.”

“Mag-drive thru tayo. You need to eat, babe. Papayat ka.”

“Ayaw mo ba no’n. Sesexy ako.”

“Gusto ko ‘yung malaman, babe. Masarap pisil-pisilin.” Natatawang sabi nito at kumindat pa.

“Loko.”

Hindi nga nagtagal ay dumaan sila sa drive thru.

“What do you want?”

“Mango pie, fries and burger lang babe… and coke float.”

Tumango ito at bumaling sa gilid upang sabihin ang order niya.

“Here.”

“Thanks. Gusto mo?”

“I’m full. Kainin mo na ‘yan. Hindi ka kumain kanina.”

She nodded and started to eat.

Kahit gabi ay batid pa rin ang kagandahan ng paligid dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan. Looking at the street, masasabi niyang napakalaki ng mundo.

“Traffic?”

“Medyo. Weekdays kasi kaya ganyan.”

“Nakakamiss din palang magcommute.”

Nakatigil ang kanilang sasakyan dahil medyo traffic at kasalukuyang naka-red ‘yung traffic light. Sa harap nila ay ang isang jeep na pampasahero kaya naalala ni Aubrey ‘yung time na nagcocommute pa siya papasok sa eskwelahan at sa trabaho.

“Is it more convenient if you have a private car?”

“Yup. Pero iba pa rin ‘yung feeling pag nagcocommute. Alam mo ‘yung pakiramdam na parang nasa tunay na mundo ka. ‘Yung pag nakikita mo ‘yung mga kasabayan mong pasahero tuwing papasok at uwian, marerealize mo na hindi ka nag-iisa. Mahirap magcommute pero masaya rin naman.” Kwento niya.

Sa halos mahigit dalawang oras nilang byahe dahil sa traffic ay nagkwentuhan lang ang dalawa. Aubrey is so excited kaya halos lahat ng nadadaaanan na magaganda ay tuwang-tuwa siya.

“We’re here.”

“Wow. Really? Omg.”

Napangiti lang si Dexter sa reaction ng dalaga.

“Mauna ka na babe sa lobby ng hotel. Ako na ang magdadala ng mga gamit natin.”

“Tulungan na kita.”

“No. Ako na. Mauna ka na para makuha mo na ‘yung susi ng room natin.”

“Okay.”

Dala ang shoulder bag ay nauna ng maglakad si Aubrey papasok sa hotel. Si Dexter naman ay nahuli saglit dahil may tinawagan pa ito saglit sa cellphone at ibinaba ang kanilang gamit mula sa kotse. Isang duffle bag lang iyon na puro damit nilang dalawa ni Aubrey at isang maliit na bag kung saan nakalagay ang ilang personal kit ni Aubrey.

Aubrey is really amazed while walking and looking at the hotel infront of her. It’s a hotel with a modern design. Sa labas pa lang ay nakakamangha ng tignan and it looks so classy because of the lights. Hindi kita directly ang loob nito dahil sa mga kurtina sa gilid. Sa labas pa lang ay nakakarelax na dahil sa mga puno. There’s also a small fountain in the middle na gawa sa bato ang harang pero sa gitna ay may sanga ng puno na nakapatong sa maliit na puno rin na maliit rin.

Tulad ng sabi ni Dexter ay nauna siyang pumasok. The moment she pushed the glass door ay biglang namatay ang ilaw kaya napatigil siya. May lumapit sa kanyang babae at tuluyang binuksan ang pintuan. After closing the door ay muling bumukas ang ilaw and then she heard a noice na madalas niyang nakikita na pumuputok kapag may isusurprise.

“Welcome to Laiya, Batangas and Happy Monthsary ma’am Aubrey and Sir Dexter.” Sabay-sabay na sabi ng staff ng hotel na nakahilera at may hawak pang banner. Isa-isa itong lumapit sa kanya at inabot ang tig-isang stem ng rose sa kanya.

“Thank you.” Tanging nasabi niya lang.

She is still shocked habang pinagmamasdan ang mga maliliit na lobo na nasa sahig. Sa kanyang gilid ay biglang may malaking boquet na rosas ang dumungaw sa kanya kaya napatingin siya sa may hawak nito. She pouted her lips dahil nagbabadya ng tumulo ang luhang pinipigilan niya. Sobrang saya niya na parang nakalutang na siya sa ulap.

“Happy Monthsary, babe.” Nakangiting sabi ni Dexter habang inaabot ang boquet ng rosas.

“Nakakainis ka.” Pabiro niyang inihampas ng mahina sa dibdib nito ang mga rosas na ibinigay ng staff.

“You’re welcome,” natatawa ito at unti-unti siyang niyakap. “Happy monthsary.” Bulong nito sa kanya.

“Thank you.” Humalik siya sa pisngi nito at kumalas sa yakap upang makaharap ang staff ng hotel. “Thank you sa inyo, hindi ko alam na may pa ganito.”

May lumapit sa kanilang dalawa na may dalang flower necklace. Manager iyon ng hotel dahil ito lang ang bukod tanging naiiba ang uniporme.

“Welcome to Aquaverde Beach Resort, ma’am and sir. Hope you will enjoy your stay here.” Isinabit nito sa kanilang leeg ang flower necklace at may inabot kay Dexter na key card ng hotel room nila.

“Thanks you.”

“Salamat po ulit.”

Ngumiti lang sa kanilang dalawa ang mga staff at mahinang pumapalakpak.

That was the best surprise she experienced in her life. Ganoon pala sa pakiramdam kapag sinusurprise… you will suddenly feel that you’re a very special person.

“Babe. Thank you so much sa surprise mo kanina.”

Kasalukuyan silang nasa kama at magkayakap.

“Are you happy?”

“Of course. Ikaw ba naman ang isurprise g taong matagal mo ng gusto e.” pabirong sabi niya.

“Tss.” Sabi ni Dexter pero bakas naman ang ngiti sa mukha nito.

Hinapit siya nito papalapit sa kanya upang mas mayakap siya.

“Tulog na tayo. Bukas we will enjoy the rest of the day.”

Tumango lang siya at ngumiti, pagkatapos ay mas isiniksik sa binata ang katawan. Hugging Dexter that way, she felt contented and happy. Aubrey falls asleep with a smile on her face.

Dexter sighed because of relief while looking at Aubrey peacefully sleeping in her arms. Masaya siya na naappreciate nito ang surprise niya. Actually naisip niya lang iyon kaninang umaga, buti na lang at may connection si Brent sa hotel na ito kaya naisagawa niya ang plano niya.

Ito ang kauna-unahan niyang beses na ginawa na isurprise ang isang tao. He don't know but she wants to do everything that makes Aubrey happy.

Buti na lang at successfull. He can't wait to surprise her more in the future.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon