Chapter 32

5.8K 81 7
                                    

A/N: Hello. Thank you for waiting my updates hehe. Salamat din sa mga votes and comments. Nakikita ko po lahat yon. This will be my last update until next week siguro. Final exam namin kaya I need to focus on that po muna. I hope you will wait and I promise to improve my writing. 😊 Thank you so much and enjoy reading~

---

Aubrey’s mind was clouded. Ang daming ideyang pumapasok sa isip niya--- at lahat ay negatibo. In Dexter’s world for being a businessman and engineer is very big at alam niyang maraming taong makakasalamuha ito. But all people, bakit kasama pa ang kapatid niya? Alexa Rama. But her sister is an architect so it must be possible.

Pinipilit ni Aubrey na umisip ng mga positive thoughts about sa nakita but the insecurity from her sister consumed her mind. At ang pinagtataka niya ay kung sino ang nagpadala ng picture. Hindi naman ipapadala sa kanya iyon kung wala lang, was the sender warning her about the two?

Punong puno ng alalahanin ang isip niya hanggang sa dumating si Dexter. Pinilit niyang umarte na wala siyang nakitang litrato na may kasama ito. She doesn’t want to confront him dahil baka mali siya.

“Sorry babe, I’m late.” Sabi ni Dexter at niyakap siya. Pasimple niyang inamoy ito ng yakapin siya upang hanapin kung may bakas ba ng pabango ng ibang babae but thanks God at wala.

“It’s okay. Kakain ka pa ba?”

“Of course. I need more energy, and you too.” Sabay kindat sa kanya.

Natawa siya. Medyo nawala ang mga agam-agam niya. Nakaakbay ang binata sa kanya habang naglalakad sila papunta sa kusina.

“Woah. You cooked these?” manghang tanong ni Dexter sa kanya habang nakalahad ang kamay sa mga pagkaing niluto niya kanina.

“Yup.”

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay hindi na napigilan ni Aubrey ang magtanong.

“K-kumusta ‘yung emergency meeting mo?”

Nilingon siya ng binata bago muling sumagot. “We scheduled another meeting dahil she wants to invest in my company.”

“Ah. Babae?”

“Yes. And she’s an architect.”

“Oh.” ‘Yun lang ang tanging naisagot niya. Tiningnan tuloy siya ni Dexter at may mapaglarong ngiti sa labi nito.

“Are you jealous?”

Hindi siya makatingin rito. “Hindi, ah. Bakit ako magseselos?”

Humalakhak ito. “Bakit hindi ka makatingin sa akin?”

Mabilis siyang tumingin sa binata at nag-iinit ang pisngi niya dahil sa kahihiyan.
“Psh.”

“Huwag kang magselos, babe. Kahit ilang babae pa ang makilala ko sa meeting, walang makakapantay sa’yo?” sabay kindat nito sa kanya.

“Talaga lang, huh.”

“Yup. And ipapaalam ko lahat ng oras at meeting ko para hindi ka na magselos.”

Sinimangutan niya ito dahil tuwang tuwa ito sa bawat reaaksiyon niya.

Natapos silang kumain at puro pang-aasar mula kay Dexter ang inabot niya.

“Sige na, maligo ka na para makapagpahinga ka. Liligpitin ko lang ang mga ito.”

Tumaas ang kilay nito sa kanya.

“I’m not tired.”

Natawa siya. “Sige na, magpalit ka na ng damit mo.”

Nang makaakyat sa taas ay niligpit na ni Aubrey ang kanilang pinagkainan. Kinuha rin niya ang mga gamit ni Dexter na ibinaba kanina sa sofa bago umakyat sa kanilang kwarto.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon