Chapter 34

5.5K 93 20
                                        

Aubrey waited to Dexter that night until he fell asleep. Nang magising siya ay wala na rin sa bahay ang binata at tanging note sa side table ng kama ang nakita niya.

Babe,

Sorry for not waking you up. I have an emergency meeting in company. Eat your breakfast when you wake up. I’ll call you later.

Dexter.

Matapos mabasa ang maikling sulat ay itinabi niya lang iyon muli doon sa side table at dumiretso na siya sa banyo. She did her morning routine. After that, she went down to the kitchen and saw the prepared food that she knew that Dexter cooked before leaving. Tahimik lang siyang kumain mag-isa.

Para malibang ang sarili ay naisipan niyang maglaba na lang ng damit nila. Ayaw niyang maburyo na naman sa loob ng mansion at balak niya rin na puntahan na lang si Dexter sa company nito after niyang gumawa ng gawaing bahay.

Pumunta siya sa kwarto nila ni Dexter upang kunin sa laundry basket ang iilang damit nilang marumi. She decided to wash it with her own hands dahil konti lang din naman iyon at upang pumatay din ng oras.

She went down again to the laundry area at inihanda ang mga batya na gagamitin. Habang hinahantay niyang malagyan ng tamang dami ng tubig ang batyang kanyang gagamitin ay sinimulan niya na ding ihiwalay ang mga puti sa decolor.

Kinapa niya din isa isa ang mga bulsa ng mga ito kung may nakaipit bang papel o kung ano man. Pero sa kanyang pagchecheck ay may isang bagay na pumukaw sa atensiyon niya. Binitiwan niya ang ibang hawak na damit at iniwan sa kamay ang isang white long sleeve na pag-aari ni Dexter. Inilapit niya ito sa kanyang mukha upang pakatitigan kung tama ba ang nakikita niya. There’s a red stain of lipstick on its collar. Napahigpit ang hawak niya roon at nangunot ang noo niya. She doesn’t know how to react but she feels that her heart beats so fast.

She wants to call Dexter right away but it might distract him from the meeting. She calmed herself first at kahit nanginginig ay pinili niya munang gawin ang dapat gawin at itinabi na lang ang long sleeve.

Sa kanyang paglalaba ay hindi doon nakatuon ang atensiyon niya. Kung saan-saan at kung ano-anong scenario ang naiisip niya. Did he cheat? Pumasok sa isip niya si Alexa. Malakas ang kutob niya na ang lipstick sa collar ng long sleeve ni Dexter ay galing sa kanyang kapatid. Sa isipang ang kapatid nga niya at si Dexter ay magkasama kagabi ay sobrang sakit na sa kanya. Nawawala ang pag-iisip niya ng tama na trabaho lang iyon kung ganitong may lipstick sa damit ng binata. May nangyayari bang kskaiba sa kanila?

Kasabay ng pag-iisip ng kung ano-ano ay nagsisimula na ring may mamuong galit, selos, pangamba at takot sa puso niya. Kung tama man ang mga naiisip niya ay siguradong mawawasak siya ng husto. She loves Dexter so much and it hurts her so much if the speculation in her mind is true. And the insecurity towards her sister is making its way to her system.

Sa dami niyang iniisip at pangamba ay hindi na niya naiwasang maiyak. She is over thinking again. She wants to talk to Dexter immediately kaya kahit hindi pa tapos ang nilalabhan niya ay itingi na niya. Hindi na niya kaya. Mababaliw siya sa dami ng tumatakbo sa isip niya.

Bitbit ang long sleeve na may bakas ng lipstick ay umakyat siya sa kwarto nila. Kinuha niya agad ang cellphone at bumungad sa kanya ang mensahe mula sa pamilyar na numero. Kahit na nginginigang ang mga kamay ay lakas-loob niya iyong binuksan.

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya ng makita ang litrato. It was Dexter and Alexa… again. Hindi niya kita ang mukha ni Dexter dahil nakatagilid ang ulo nito at sa anggulong iyon ay alam niyang nakasubsob sa leeg ni Dexter ang mukha ni Alexa.

HIRING: Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon