Episode 1: Ako Si... (January 1, 2021)

156 4 0
                                    

#ACE
2000

Kasalukuyang buntis si Mialyn sa ikatlo nitong anak nila ng asawang si Liam. Mayroon na silang kambal na sina Leslie at Miguel. Naglalaro sila nang makita ng dalawang set ng damit si Leslie.

Leslie: Tingnan mo 'to, Mig. Ang ganda, 'di ba? Babagay sa 'tin 'to.

Kinuha ni Leslie ang palda at inabot ito kay Miguel habang siya naman ay sinusuot ang pantalon na katabi nito.

Miguel: Oo nga, Les. Ang gaganda na natin.

Leslie: Anong maganda? Ikaw lang 'yon, 'no? Gwapo kaya ako.

Miguel: Bakit kaya tayo nagkapalit, 'no? Mas gusto kong maging ikaw eh.

Leslie: Oo nga, mas gugwapo ako 'pag gan'yan 'yong katawan ko, tulad ng sa 'yo.

Patuloy ang pag-uusap nila nang biglang dumating si Liam. Naabutan niya na suot ng dalawa niyang anak ang mga damit.

Liam: Hoy, Mig! Bakit ka nagsusuot ng gan'yan? 'Di ba lalaki ka?!

Lumapit si Liam kay Miguel at sinakal ito. Pilit siyang pinipigilan ni Leslie ngunit sadyang malakas ito kung ikukumpara sa kaniya. Naabutan ito ni Mialyn.

Mialyn: Li naman, nasasaktan ang anak mo! Bitawan mo siya!

Liam: Hindi ko 'to bibitawan hanggang hindi nagiging lalaki 'to!

Sinubukan siyang pigilan ni Mialyn ngunit naitulak lamang siya ng asawa.

Liam: Hindi ako babalik hanggang hindi tumitino itong anak mo!

Umalis na si Liam. Naiwang umiiyak si Mialyn marahil sa pagkagulat sa bilis ng mga pangyayari. Bigla namang humilab ang kaniyang tiyan, pahiwatig na manganganak na ito.

Leslie: Tulong! Tulong!

Naidala naman nila nang matiwasay si Mialyn at naipanganak nito ang kaniyang anak. Ipinanganak itong lalaki ngunit naiisip na rin niyang hindi rin iyon magtatagal dahil ang mga nauna niyang anak ay nagbago ang kani-kanilang mga damdamin.

11 YEARS LATER

Teacher: Good morning, class.

All: Good morning, teacher.

Teacher: I am Teacher Myly and I'm going to be your teacher in Science and Filipino. At since Filipino ang unang asignatura natin, gusto kong tumayo ang bawat isa sa harapan upang magpakilala.

Isa-isang nagpakilala ang mga kaklase ni Ace Hanggang sa siya na ang magpapakilala.

Ace: Ako si Ace S. Sual.

Classmate 1: Asexual? 'Di ba walang kasarian 'yon?

Teacher: Makinig po tayo sa kaniya, pakiusap.

Ace: Hindi ako lalaki.

Classmate 2: Eh di ano ka pala? Katulad ng kuya mo na bakla? Bakla, bakla! Hahaha!

Nakikutya na rin ang ibang mga kaklase nito.

Ace: Si kuya lang 'yon pero ako, hindi.

Teacher: Sigurado ka ba, Ace na hindi ka lalaki?

Ace: Sa birth certificate lang po ako lalaki, Teacher.

Classmate 2: So babae ka? Ni hindi ka nga nakapaldang bakla ka. Hahaha. Sunod ka na sa kuya mong babaklang bakla.

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon