Ace: Ah okay. Ayaw ko nang pag-usapan 'yan. Ikaw ang pag-usapan natin. Anong nararamdaman mo kay Belle?
Michael: Galit, siguro kaunti lang. Mas inggit siguro.
Ace: Dahil ba sa akin?
Michael: P'wede pero hindi 'yon. Nakita ko kasi kung gaano ka-supportive ang mga magulang n'ya. Sana ganoon din si dad sa akin kaya lang ang gusto n'ya lang makita sa akin ay 'yong magkanobya at basta gano'n.
Niyakap ni Ace si Michael.
Ace: Ako rin naman eh. Magpakatatag ka.
Habang magkayakap ay may biglang tumawag kay Ace.
Ace: Sagutin ko lang 'to ah.
Michael: Sandali, number lang 'yang tumatawag sa 'yo. Baka magoyo ka ng kung sino.
Ace: Hindi 'yan. Tiwala lang. Hello?
Ilang minuto bago ang pagtawag kay Ace...
Guard: Good afternoon po, Ma'am Gina.
Gina: Si Ate Rose, nar'yan na ba?
Pumasok si Gina at agad pumunta sa bahay n'ya.
Rose: Sandali, Gina. Anong nangyari? Bakit ka nagmamadali?
Gina: Mamaya na lang, ate. Pakitawagan na lang si Lester.
Rose: Sige, anak. Ako nang bahala, anak. Ilabas mo lang 'yan.
Sinubukang tawagin ni Rose si Lester.
Rose: (Lester, sumagot ka! Umiiyak dito 'yong kapatid mo. Buti na lang, may number ako ni Ace.)
Tinawagan naman niya si Ace. Ilang saglit lang ay sinagot na ni Ace ang tawag.
Ace: Sino po ito?
Rose: Ako, 'to, anak, si ate Rose mo.
Ace: Ah, ate Rose, bakit po kayo napatawag? May nangyari po ba sa loob?
Rose: Ah narito ka pala sa bahay. Hindi ko kasi ma-contact 'yong kuya mo. Umiiyak kasi si Gina. Tinanong ko kung anong nangyari pero ayaw namang sumagot. Ayos lang ba kung ikaw na muna 'yong tumawag sa kan'ya?
Ace: Ayos lang naman po. Pakitingin na lang po si ate r'yan. Pakalmahin n'yo po s'ya sa kahit paanong paraan. Salamat po.
Binaba na ni Ace ang tawag.
Michael: Ano raw ang nangyari?
Ace: Tungkol kay ate. Sandali ah, tawagan ko lang si kuya.
Samantala, sa clinic...
Lester: Doc, ano po? Buntis po ba si Christine?
Doctor: Sayang naman at inuwi mo agad siya.
Lester: Bakit po? Buntis po ba s'ya?
Doctor: Hindi pa s'ya buntis.
Lester: Hindi, pa?
Doctor: Yes, she's still not pregnant pero posible dahil sa mga na-trace na sperms sa kan'yang pagkababae.
Lester: Ano pong gagawin ko?
Doctor: Kausapin mo ang asawa mo at kung aakuin mo 'yong baby n'ya.
Biglang may tumawag kay Lester.
Lester: Sandali lang po, Doc. Sagutin ko lang 'to. Hello, Ace, bakit?
Ace: Kuya, may nangyayari kay ate.
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...