Episode 35: Ayaw (February 16, 2021)

21 2 0
                                    

Christine: Anong sabi mo?

Russel: Slow ka? Nasa plano ko talaga na puntahan ka rito sa ospital. Alam ko kasi na roon kayo pupunta para isugod 'yang girlfriend mo.

Christine: Ah, nakita mo kami roon sa bahay nina Les?

Russel: Les ka ng Les kahit na may Belle ka nga. Umamin ka nga, girlfriend mo ba talaga si Belle?

Humagalpak sa tawa si Christine.

Christine: Nagpapatawa ka ba? Bakit ko s'ya papatulan eh hindi ko naman s'ya type? Selos ka, 'no? Buti nga sa 'yo.

Russel: Eh 'di dapat pala na ikaw na lang ang kinuha ko no'n para 'di ko na napatay 'yong guard nila.

FLASHBACK

Guard: Ikaw na naman? Umalis ka na nga rito bago kita mabaril.

Russel: Talaga? May baril ka? Eh 'di ba sa 'yo 'to?

Winagayway ni Russel ang baril at tinapat ito sa bandang noo ng guard ngunit bago n'ya pa ito naputok ay naagaw ito sa kan'ya ng guard.

Guard: Ano nang panlaban mo ngayon?

Habang nakatutok kay Russel ang baril ng guard sa kan'ya ay agad n'yang nilabas ang kutsilyo nito sa bulsa at tinusok sa kamay nitong may hawak na baril.

Russel: 'Yan. Tingnan natin kung magamit mo pa 'yang kamay mo para barilin ako.

Tinulak ni Russel ang guard at hinila ito nang hawak ang mga paa nito hanggang sa makarating sila sa madilim na lugar.

Russel: Sige, kalabanin mo 'ko pero hindi ka na mabubuhay pagkatapos nito!

BACK TO PRESENT

Christine: Sandali, ikaw ang pumatay sa guard sa bahay nila Ace? Napakawalang hiya mo! Ano pang ginawa mo? Ikaw rin siguro ang may kinalaman sa nangyari kay Belle, ano?

Nginitian lamang siya ni Russel na may kasamang kindat.

Russel: Ano ngayon? Napagselos ba kita? H'wag kang mag-alala. Nakita ko man ang buong katawan ng kaibigan mo, mas masarap ka pa rin. Ayaw ko kayang tumikim ng mga pinagpapasahan na ng mga lalaking nakasama ko sa club.

Sinampal ni Christine si Russel hanggang sa nakaabot ito sa pinakadulong cubicle ng palikuran.

Christine: Walang hiya ka! Re-rape-in mo pa ang kaibigan ko, para lang ano, ha? Para lang pabalikin mo ako sa 'yo? P'wes, kung ako sa 'yo, tumigil ka na dahil mamamatay muna ako bago ko pa maisipang balikan kang hayop ka.

Lalapit sana si Russel ngunit...

Christine: H'wag na h'wag mo 'kong lalapitan! Baboy ka, dapat lang talaga kitang masumbong sa pulis sa mga ginawa mo!

Kinuha ni Christine ang telepono nito at tinawagan ang pulis. Ilang sandali pa ay bigla itong tinamaan ng isang lumilipad na basurahan.

Christine: Aray ko! Anong ginawa mo? Sandali, h'wag mong kukunin 'yan! Kailangang malaman ng mga pulis na ikaw ang gumawa no'n!

Tuluyan nang nakuha ni Russel ang phone ni Christine at pumasok sa ikalawang cubicle at ni-lock ito. Ilang sandali pa ay nakarinig si Christine ng flush mula sa inidoro.

Christine: Hoy! Anong ginagawa mo r'yan? Nilulubog mo ba 'yang phone ko sa inidoro? Ang mahal-mahal kaya n'yan tapos ilulubog mo lang d'yan nang basta-basta.

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon