Kanina...
Sob: (Ang tagal naman ng baklang 'yon. Nasa'n na ba kasi s'ya?)
Patuloy lamang na naglakad si Sob hanggang sa matanaw niya sa labas si Michael na kasama ni Ace.
Michael: H'wag mo nang ituloy, wala pa akong pamalit. Gusto mo ba 'kong makitang nakahubad?
Ace: Ayaw ko. Ang gusto ko lang, magmukha kang basang sisiw.
Sob: (Pakipot ka pa eh alam ko namang gusto mo naman talagang makita 'yang katawan n'ya.)
Nakita ni Sob ang pag-agaw ni Michael sa hose na hawak ni Ace ngunit nahila rin ni Michael si Ace papunta sa kaniya. Malapit na silang magkahalikan.
Sob: (Sandali, nasaan 'yong cellphone ko. Ay, ito. Ma-video-han nga. Paniguradong mahuhuli ka ni tito kapag nakita n'ya 'to.)
Ilang sandali pa ay tuluyan nang umalis si Ace sa simbahan at iniwan si Michael na nakatingi lamang sa kaniya. Pagkalayo ni Ace ay lumapit na siya kay Michael.
Sob: Sige, tumingin ka pa sa kan'ya kaya 'di kayo nagbabago, pare-pareho kayong mga bakla. Akala mo, ikaw lang? Si Ace din.
Michael: Hindi mo s'ya kilala! Kaya wala kang karapatan na husgahan siya.
Sob: Talaga? Pa'no kung sabihin ko sa 'yo na kaya kong patunayan na bakla talaga 'yang kinahuhumalingan mong lalaki?
Michael: Wala naman sa 'kin kung ano s'ya basta gusto ko s'ya maging sino pa s'ya.
Sob: Sweet naman kaya lang panglanggam lang 'yang lalaki sa lalaki na 'yan. Nadidiri ako, sobra. Tabi ka nga, bakla.
Binangga ni Sob si Michael kaya napaiwas na lamang ito sa kaniya.
Michael: Teka, saan ka pupunta? 'Di ba, bawal lumabas kapag hindi pa weekend?
Sob: Tanga ka ba? Weekend na n'yan bukas. Sabagay, nahahawa ka na sa Ace na baklang 'yon.
Michael: Oo nga pala, biyernes pala ngayon, pero bakit ang aga mong umalis?
Sob: Wala mo 'kong pakikialaman, bakla. Saka tinatawag ka na ni father do'n. Paniguradong tatanungin ka nga tungkol sa mga sinabi n'ya na kinatulugan mo lang kanina.
Michael: Opo, sir Sob. Sasabihin ko na lang kay father na tumakas ka, na nauna kang umuwi.
Sob: H'wag mo 'kong susubukang bakla ka o gagawin kong impyerno ang buhay mo kahit na nasa simbahan tayo.
Sob: (Kahit hindi na pala kasi 'pag namatay ka, do'n ka rin pupunta.)
Michael: Sabi ko nga. Madapa ka sana paglabas mo.
Palabas na sana si Sob nang...
Sob: Ay, nadapa ako, joke lang.
Tumayo na si Sob at iniwan si Michael sa simbahan at sinubukang hanapin ang ama ni Ace.
Pagdaan niya sa parking ay may narinig s'yang lalaki.
Lalaki: Umandar ka na! Sayang naman 'yong binigay ni Ace na ticket sa sabong.
Sob: (Alam ko na kung saan s'ya pupunta. Pero kailangan ko munang magpalit.)
Nagbihis muna si Sob ngunit nang natapos siya ay hindi na niya naabutan si Liam.
Sob: (Buti na lang, alam ko kung saan ka pupunta.)
Tumawag na si Sob ng taxi upang makapunta sa sabungan.
BINABASA MO ANG
Ace
Ficção Geral[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...