Episode 14: Aliw (January 18, 2021)

31 3 0
                                    

Lester: Tara na, Tine. H'wag kang mag-aalala, hindi ako magluluto. Magpapa-deliver na lang tayo.

Christine: Bakit ka ba ganito, Lester? 'Di kita naiintindihan.

Lester: Ayaw ko lang na mahirapan ka. Gusto kong maging malakas ka lalo na kung totoong buntis ka nga.

Christine: Sure ka ba? Ipalalaglag ko na lang 'to. Ayos lang sa 'kin.

Lester: Mahal kita. Mas mahalaga ka sa 'kin. Pasok na tayo.

Pumasok na sina Lester at Christine sa kanilang tinutuluyan.

Samantala, sa school...

Exy: Thanks, Ace. Ilang beses ko na kasing hindi makabisado 'yong mga articles na need nating basahin. Kahit anong subok ko talaga eh wala.

Ace: Ayos lang. May times talaga tayo na nagse-space out tayo haha. Sandali lang ha? Kukuha lang ako ng novel? Gusto ko kasing magbasa pa. Anong oras na ba?

Exy: Ano pa lang, 11 AM pa lang. May 2 hrs pa tayong break. Take your time. Dito lang ako.

Ace: Okay. Thanks.

Pumunta sa mga shelves si Ace para maghanap ng magandang libro.

Ace: (Ito kaya? Parang bago 'to eh. Hindi ko pa s'ya siguro nababasa.)

Kinuha ni Ace ang libro at nakita n'ya si Michael sa likod nito kaya mabilis siyang pumunta patungo sa likuran niya.

Michael: Tanggalin mo 'yong kamay mo, Ace. Nakita na kaya kita.

Tinanggal na ni Ace ang kamay niya sa mukha ni Michael.

Michael: Tinitigan mo pa nga ako tapos tatakpan mo pa ako. May pagkabaliw ka talaga.

Ace: Sorry na. Ano bang hinahanap mo?

Michael: Naghahanap kasi ako ng quote book para sa pageant. 'Yong madadala 'yong mga judges pati na rin 'yong mga audience.

Ace: Alam mo, sa totoo lang, hindi mo talaga mapasa-satisfy 'yong mga judges sa 'yo.

Michael: Bakit naman?

Ace: Kasi naghahanap ka nga r'yan pero 'yang sasabihin mo na galing d'yan eh hindi na manggagaling sa puso mo. Para kang nagpapatalo agad-agad.

Michael: Wala kasi akong maisip na sasabihin kapag nagpakilala na ako.

Ace: No'ng practice no'ng lunes, pa'no ba 'yong pagpapakilala mo?

Michael: Wala, sinabi ko lang name ko. Wala pa nga kasi akong masasabi.

Ace: Maghanap ka na kasi magiging disappointed ako sa 'yo.

Michael: Manonood ka ba sa sabado?

Ace: S'yempre naman. Support kita. Kaya galingan mo.

Michael: Thank you, Ace.

Niyakap ni Michael si Ace. Natulala lang si Ace.

Ace: Gusto mo, samahan kita mamaya. Tulungan kitang mag-isip.

Michael: Sige, gusto ko 'yan. See you, Ace.

Ace: See you.

Bumalik na si Ace sa kinauupuan nila ni Exy.

Exy: End of the world na yata. Bakit namumula ang nag-iisang Ace, ha?

Pinunasan ni Ace ang mukha niya gamit ang kaniyang panyo.

Ace: Ako, namumula? Mainit kasi eh. Kaya gan'yan.

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon