Exy: Oo, so kilala mo nga s'ya?
Ace: Sandali, Ex. May pupuntahan lang ako.
Pupuntahan sana ni Ace ang room nina Michael nang may humarang sa kaniya.
Principal: Hindi pa raw s'ya pumasok, Mr. Sual. That's why, aabangan namin siya sa gate ng school. Don't even try to call him kasi kahit anong gawin n'ya. May consequence pa rin ang pagsali n'ya sa pageant na j-in-udge-an mo.
Ace: H'wag n'yo naman pong gawin 'yong binabalak n'yo sa kan'ya, please.
Principal: I can't not give him punishment. The whole board already saw the video of him, not her, being a contestant on that pageant. Now, go to your first class. Your teacher will be there any minute now.
Umalis na ang principal at iniwan sina Ace at Exy.
Exy: Ano, Ace? Tatawagan mo pa ba s'ya para ma-warning-an man lang?
Ace: Yes, Ex. Kailangan. Hindi s'ya p'wedeng magka-record dito. Ang dami na nilang problema, lalo na financially.
Exy: Sige, ikaw bahala. Pero, kung papasok s'ya, kailangang ma-distract 'yong mga guard para makapasok pa rin s'ya.
Ace: Tingin mo, magwo-work 'yon? Pa'no kapag nahuli rin tayo?
Exy: Hindi 'yan, promise. Tara, do'n tayo banda malapit sa gate tapos tawagin mo na s'ya.
Naglakad na sina Ace at Exy patungo sa waiting shed na malapit sa gate na binabantayan ng isang guard.
Samantala sa labas...
Michael: (Papasok pa ba ako? Sure naman na ako na alam na nilang lahat na bakla ako at kasali ako ro'n sa pageant. Wala akong mukha na maihaharap sa kanila. Baka nga hinihintay lang nila ako para bigyan ako ng suspension. Baka ma-expel pa 'ko.)
Habang nag-iisip nang malalim si Michael ay may biglang tumawag sa kaniya. Si Ace naman ito kaya agad niyang sinagot.
Michael: 'Di ka galit?
Ace: 'Di 'yon ang issue. May nag-aabang sa 'yo sa labas.
Michael: Sabi ko na eh. Uuwi na lang ako. Sabihin mo na lang na masama 'yong pakiramdam ko.
Ace: Sure ka na uuwi ka na lang?
Sasagot sana si Michael nang...
Ace: Hoy, Ex! Bakit ka nang-aagaw ng phone?
Exy: Hello, si Michael ka, 'di ba? Alam mo, kahit magtago ka, mahahanap at mahahanap ka nila kasi sa labas, maraming sakristan ang nagmo-morning walk lalo na kung malapit ka na sa simbahan. I'm sure, na-inform ang lahat ng mga tao r'yan na wanted ka sa school.
Michael: Tatakbo na 'ko. Nasa tapat na ako ng church.
Ace: Akin na nga 'yan. Sige, h'wag kang pahuhuli. Mag-ingat ka, bye.
Pinatay na ni Ace ang tawag.
Ace: Ex, bakit mo naman sinabi 'yon?
Exy: Totoo naman kasi 'yon saka kapag pinatagal n'ya 'yang pinaplano n'yang pagtatago, lalong lalala 'yang problema n'ya na 'yan na p'wedeng maging reason ng pagkatanggal n'ya rito sa school. Aware ka rin do'n, 'di ba?
Ace: Oo, gets ko 'yong point mo pero h'wag mo naman s'yang takutin. Pumasok na lang muna tayo. Baka ma-late pa tayo.
Exy: Sorry, Ace, ha? Tara na.

BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...