Alex: Once again, congratulations to Ms. Claire for being the Miss Gay for this year, 2020 who won a cash prize of five hundred thousand pesos sponsored by our beloved Mayor and Governor who also approved our pageant. Thanks to them. Have a nice day everyone, this has been Miss Gay 2020.
Habang lumalabas ang mga audience ay umalis na rin si Alex upang hindi na ito mahagilap ng mga reporter.
Samantala...
Reporter: Ms. Belle and Mr. Sual, what do you feel when one of the contestants on the pageant accused you of rigging the pageants results.
Belle: I just did what I have to do. Yes, we have a rivalry for Mr. Sual's heart but that doesn't mean that I'll manipulate the results of this contest cause this contest means so much to me.
Reporter: How about you, Mr. Sual?
Ace: I'm actually shocked na inakusahan n'ya ako nang gano'n. In fact, kanina, I gave almost the same scores for all contestants specially in the q and a as I found all their answers impressive. Hindi ko alam kung bakit s'ya mag-iisip nang gano'n sa 'kin.
Umalis na agad si Ace kahit alam na may mga follow up questions pang ibabato sa kaniya.
Ace: Ms. Emcee!
Lumingon si Alex at binilisan nito ang kaniyang paglakad upang hindi maabutan.
Ace: Wait, miss! 'Di ako press, nakita mo nga 'ko kanina, 'di ba?
Napaupo na lamang si Alex sa upuan na malapit sa tinigilan niya.
Alex: 'Di ko na alam! Ang palpak-palpak ko!
Ace: Miss, h'wag ka namang gan'yan mag-isip. Natuwa nga ako kasi nakaya mong gawan ng paraan lahat ng mga nangyaring aberya kanina.
Alex: Yes, I know pero that doesn't mean that I successfully ran this pageant!
Umupo si Ace sa tabi ni Alex.
Alex: Sorry, inabala pa kita. Bumalik ka na ro'n, baka in-interview-hin ka pa.
Ace: Wala naman na silang makukuha sa 'kin. Inaalala kita.
Alex: Sorry ah pero may boyfriend na ako.
Ace: Miss, nasabi ko na bang hindi kita type? Narito lang ako para maging kaibigan mo kahit kailan mo gusto.
Alex: Talaga? Akala ko kasi katulad ka ng ibang lalaki. Lalaki ka ba?
Ace: Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.
Napatingin si Alex sa ibaba niya.
Alex: Hindi rin ako sure. Bakit ba kasi ako nagkaroon ng ari ng lalaki?
Ace: So parang intersex ka, gano'n?
Alex: Hindi lang parang, intersex talaga ako. Pero tanggap ko na 'yon kasi alam ko naman sa sarili ko na babae talaga ako. Hindi ko na 'yan pinoproblema.
Ace: Buti ka pa.
Alex: Si Belle ba pati 'yong contestant kanina?
Ace: Oo eh.
Alex: Alam mo, 'di mo kailangang madaliin 'yan. Kung ano o sinong gusto mo, do'n ka.
Ace: Kaya lang, iniisip kong mayro'n at mayro'ng masasaktan sa kanila.
Patuloy lamang na nag-usap sina Ace at Alex.
Samantala, sa malaking bahay...
Mialyn: Gumising ka, Gina.
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...