Kaninang madaling araw...
Sob: (Malapit ko na talagang ipahiya ka sa lahat, Ace. Tingnan natin kung anong gagawin mo.)
Pumasok si Sob sa isa sa mga rooms at ginamit ang mga computer.
Ilang sandali pa ay nai-post na rin n'ya ito.
Sob: ('Yan. Makikita na kitang umiyak sa principal's office. Hahahahaha!)
Ilang oras pa ang nakalipas...
Exy: Tao po.
Pagkakatok nito ay agad nabuksan ang pinto.
Lalaki: Exy, narito ka pala. Sorry kung tinanggihan ko 'yong alok mo sa pageant pageant na 'yan. 'Di naman sa 'di kita gusto pero medyo ayaw ko talaga sa mga katulad ng gano'n.
Exy: Talaga? Gusto mo 'ko?
Nag-isip nang kaunti si Exy. Ilang sandali pa ay nagsalita na rin ang lalaki.
Lalaki: So, anong masasabi mo? Tayo na?
Exy: Bumawi ka sa 'kin. May hihingin akong pabor.
Lalaki: Sige, kahit ano pa 'yan para sa magiging future girlfriend ko.
Exy: P'wede ko bang silipin 'yong security cam n'yo? May titingnan lang ako kung sino 'yong gustong sumabotahe sa kaibigan ko.
Lalaki: *pabulong* Dito, pasok ka.
Dahan-dahang pumasok si Exy sa loob.
Lalaki: *pabulong* Sandali ka lang ah.
Exy: *pabulong* Sige, pagbibigyan kita ng date mamayang hapon. Ayos ba sa 'yo 'yon?
Lalaki: Sige, thank you, Exy.
Exy: Shh!
Lalaki: *pabulong* Sorry.
Sinilip na ni Exy ang nasa security cams. Ilang sandali pa ay...
Exy: (Ayon! Doon pumasok si principal!)
Exy: Thank you ah. Puntahan mo na lang ako mamaya.
Bago pa lumabas si Exy ay biglang may tumunog mula sa labas.
Exy: Anong mayro'n? Misa ba?
Tiningnan ng lalaki ang kaliwang amay nito.
Lalaki: 3 PM na pala, ang bilis naman ng oras. Exy, pray muna tayo saglit.
Exy: Okay. Sige. Tara na.
Samantala, pagkatapos ng 3 PM prayer, sa kanang bahagi ng simbahan...
Ace: (Totoo ba 'to? Straight na pala si Sob pero bakit sa principal n'ya pa naisipang gawin 'yon?)
Patuloy lamang niyang kinuhanan ng video ang nagaganap sa loob ng isang room. Ilang sandali ay may nahagip siya...
Ace: (Bishop? Kinukuhanan mo rin sila ng video? Bakit alam mo 'to? Bakit kinukunsinti mo 'to? Kahit ano pa 'yang dahilan n'yo, lagot talaga kayong lahat mamaya.)
Bumaba si Ace mula sa second floor at nakasalubong niya si Exy.
Exy: Ace, nakita ko na sa cams kung sino ang impostor.
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...