Chef: Buti at dumating ka pa.
Sob: Sorry po, chef. Ngayon lang po kasi na-aaprove 'yong letter ko sa simbahan kaya ngayon lang din po ako nakarating.
Inabot ni Sob ang letter of approval sa chef at tiningnan naman ito.
Chef: Okay, apology accepted. You may now start your work. As you see, wala pa ang head chef natin so 'yong kakambal n'ya lang 'yong narito.
Nagsimula na si Sob sa pagtatrabaho sa restaurant.
Sob: (Talaga kayang tagarito sila? Sana oo para mapaghigantihan ko na silang tatlo.)
Ilang sandali pa ay nakasanayan na ni Sob ang pasikot-sikot sa buong restaurant hanggang sa rooftop nito.
Pagbaba niya sa ground floor...
Sob: (Narito ka nga talaga, Ace. Makikita mo talaga ang hinahanap mo.)
Lumapit si Sob kay Ace at tinapunan ito ng mga dinadala niyang mga juice.
Sob: Sorry po, sir. Nabasa ko po ba kayo?
Sob: (Sana lang 'di mo 'ko nakilala pero maganda na rin kung makikilala mo ako.)
Ace: Sob? Anong ginagawa mo rito?
Tumayo si Sob at hinarap si Ace.
Sob: Narito ka pala. Buti na lang, sa 'yo natapon 'yong mga juice na dala ko para hindi ko na kailangan pang mag-sorry sa 'yo.
Ace: Gano'n ah? Baka nakalimutan mong customer ako rito. Gusto mong ipatawag ko ang manager mo? Nasaan na ba s'ya?
Sob: Sige, naawa naman ako sa 'yo. Ako na ang tatawag sa kan'ya.
Aalis sana si Sob nang bigla siyang hinawakan ni Ace sa braso.
Ace: Sasama ako. Gusto kong nalaman kung nagsasabi ka ng totoo.
Sob: Anong akala mo sa 'kin, sinungaling?
Ace: Hindi naman. Buti pala tinanggap ka nila eh masahol pa sa demonyo ang ugali mo eh...
Susugod sana si Sob kay Ace nang may biglang tumawag kay Ace.
Liam: Ace, anak.
Sob: Sige po, sir. Mauuna na po ako.
Sob: (Lagot ka ngayon, Ace! Good luck na lang sa tatay mo.)
Sinundan ni Sob sina Liam at Ace hanggang sa makarating sila sa likod ng bahay.
Dahan-dahan siyang lumapit hanggang nang natanaw na niya ang mag-ama ay sinuntok na ni Liam si Ace.
Sob: ('Yan! Buti nga sa 'yong bakla ka. Deserve na deserve mo 'yan)
Habang nagsasaya ay hindi na niya napansin na dumating na pala si Lester. Nang tingnan niya ang mga ito ay paalis na si Lester.
Sob: (Mukhang binabantayan pa rin n'ya si Ace. I-distract ko kaya, baka sakaling mawala sa isip n'yang tingnan si Ace.)
Lumapit si Sob kay Lester.
Lester: Ikaw ba 'yong intern na pinadala?
Sob: Opo, sir. Ako nga po 'yon. First day ko po ngayon.
Lester: Pang naaalala kita pero mamaya na kita i-orient, busy pa kasi ako. You may go back to work muna.
Pumasok na ulit si Sob upang magtrabaho. Pagkalingon naman ni Lester ay wala na sina Ace at Liam.
BINABASA MO ANG
Ace
Fiction générale[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...