Nagising si Ace sa isang umaandar na sasakyan.
Ace: Nasaan ako?
Nakita niya sa harapan niya si Liam.
Liam: Uuwi na tayo, Ace.
Ace: Uuwi? Nasaan na po sila Mi?
Liam: Ano? Nauna na sila, anak.
Ace: 'Di ko pa po dala passport ko.
Liam: (Patay, pa'no kita iuuwi.) Dinala ko na. (Bahala na.)
May lumampas na sasakyan na hindi nila napansin.
Ace: Li, dahan-dahan naman po. Mabangga pa tayo eh.
Liam: Sorry, anak.
Samantala...
Lester: Oh, Mi... napadalaw ka.
Mialyn: Anak, pakihanap si Ace, nawawala s'ya.
Lester: Baka namasyal lang. 'Di ba nakalabas na s'ya?
Mialyn: Hindi pa s'ya nilalabas. Hinahanap na s'ya sa ospital. Alam mo ba kung saan s'ya hahanapin?
Lester: Try ko pong tawagan, Mi. Kalma po.
Tinawagan na ni Lester si Ace.
Habang bumabiyahe, naglalaro si Ace nang may biglang tumawag sa kaniya.
Ace: (Ano ba 'yan? Naglalaro ako eh) Bakit, Kuya Lester?
Lester: Nasaan kang bata ka?
Ace: Uuwi na raw sabi ni Li. Nauna na raw kayo, Kuya.
Lester: Naloko ka na naman ng tatay mo. Narito pa nga kami.
Narinig ni Liam na may kausap si Ace. Hinablot nito ang cellphone niya.
Mialyn: Anong sabi niya, anak? Akin na, pakausap.
Liam: Hindi n'yo na makikita si Ace, hindi n'yo na s'ya mahahawaan.
Mialyn: Ano na naman 'tong kalokohan mo, Liam? Kinuha mo 'yong anak natin nang 'di nagpapaalam? Tinakas mo pa.
Liam: Mia, hindi ko s'ya hahayaang mahawa sa mga demonyong 'yan. Sumunod ka na sa 'min. Iwanan mo na sila.
Pinatay na ni Liam ang tawag. Itatago sana niya ang cellphone sa labas nang pigilan siya ni Ace.
Liam: Hindi ka na nila matatawagan, Ace. Kalilimutan na natin sila.
Ace: Li, 'yong cellphone ko. Akin na 'yan.
Pinag-agawan nila ang cellphone nang...
Mialyn: Walang hiya. Pinatayan ako ng tawag ng ama mo. 'Yong kapatid mo.
Lester: Hahanapin natin sila, Mi. Tawagin ko lang si Gina.
Tinawagan ni Lester si Gina.
Russel: Sandali ahh, Hal, may tumatawag sa 'yo.
Gina: Ano ba 'yan? Ahh! Nasa loob ka pa eh. Mamaya na 'yan.
Russel: Kuya mo 'yon, baka ahh importante.
Gina: Tanggalin mo na ahh muna 'yan.
Russel: Ayaw ko. H'wag ka na lang maingay ahh, lagot tayo kay kuya mo 'pag narinig ka n'yang umaalulong.
Gina: Alulong talaga ahh? Ano ako, hayop? Sagutin mo na ahh nang matapos na 'tayo ahh.
Sinagot na ni Russel ang tawag.
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...