Kanina...
Bumalik sandali si Lester sa malaking bahay upang tingnan kung paano na ito habang sinusubukan pa ring tawagan si Christine.
Lester: (Sumagot ka na, nag-aalala ako...)
Naglakad-lakad si Lester sa loob ng sariling bahay hanggang sa...
Lester: Ano 'yon? Ang ingay! Nay, saan ka po?
Rose: Hindi ko rin alam! Naririndi ako!
Lester: Ha? 'Di ko po kayo marinig?
Lumabas na lamang si Rose para tingnan kung anong mayroon sa labas. Ilang sandali pa ay tumigil na ang malakas na tunog. Pagpasok ni Rose...
Lester: Ano pong nangyari, nay? Ba't tuloy-tuloy po 'yong doorbell?
Rose: 'Yong mga bata sa labas, Lester, sumandal sa may doorbell kaya ayon.
Pumasok na muna si Rose at may nakita si Lester sa lupa. Pinulot n'ya ito.
Lester: (Kay Ace 'to, 'di ba?) Sige po, Nay. Pasok na po kayo. Ako na pong bahala.
Rose: Sige, anak. Matutulog na ako. Paki-lock na lang itong gate.
Lester: Sige po, Nay.
Tiningnang muli ni Lester ang hawak na kuwintas. Tiningnan niya ito nang mabuti.
Lester: (M? Sino 'tong M na 'to?)
Sinubukan niyang buksan ang kuwintas.
Lester: (Ang hirap naman! Napakatigas!)
Ilang sandali pa ay naabutan siya ni Gina sa labas.
Gina: Les, ba't nasa labas ka pa?
Napatingin si Gina sa hawak ni Lester.
Gina: Kay Ace 'yan, 'di ba?
Lester: Hindi, Gie, letter M s'ya, letter A 'yong kay Ace, 'di ba?
Inabot ni Lester ang kuwintas kay Gina at tiningnan niya rin ito nang mabuti.
Gina: Oo nga, ano? Bakit hindi mo buksan?
Lester: Ang hirap eh. Ikaw kaya, kaya mo?
Gina: Subukan ko.
Sinubukan ni Gina na buksan ang kuwintas at hindi siya nabigo, bumukas nga ito.
Lester: Picture ni Ace no'ng medyo bata pa s'ya.
Gina: Sino 'yang kasama n'ya?
Lester: Hindi ko alam. 'Di ba, hindi natin s'ya masyadong nakasama simula nang bumukod tayo?
Habang nag-uusap sina Gina at Lester ay may nakita silang lalaking naglalakad palapit sa kanila.
Gina: Les, si Ace. Itago mo muna 'yan.
Tinago nang mabilis ni Lester ang kuwintas. Ilang sandali pa ay nakita na sila ni Ace.
Ace: Ate, Kuya, narito kayo? Akala ko nasa probinsya kayo?
Lester: Gagawin ko na kasing paupahan 'yong bahay natin do'n.
Gina: Tara, Ace. Pasok tayo.
Ace: Sandali, Kuya, Ate. Kaninong bahay ba 'tong papasukin natin?
Tiningnan ni Ace ang bahay. Naalala niya ang paglalaro nila ni Michael.
BINABASA MO ANG
Ace
Сучасна проза[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...