Kanina, bago sila pumunta sa stadium ay nakita ni Exy ang lalaking nagugustuhan nito.
Exy: Ace, iiwan ko muna kayo ah. Narito na kasi 'yong crush ko.
Exy: *pabulong* Ayan na si Ace, kausapin mo s'ya ah.
Lumapit na si Michael kay Ace at si Exy naman ay pahingal na pumunta sa manliligaw.
Exy: Break mo pala ngayon?
Lalaki: Gusto na kasi kitang makasama, Exy.
Exy: P'wede naman mamaya. May event pa kasi kami ngayon. Saka tamang-tama, pinatatawag daw 'yong si Sob ba 'yon?
Lalaki: Tawag ba s'ya ni principal?
Exy: Oo, sabi n'ya sa 'kin kanina no'ng kalalabas ko lang sa church.
Exy: ('Di pala n'ya alam na may kasama akong pumunta. Buti na lang, 'di ko pa nasabi.)
Lalaki: Sige, tawagin ko na lang s'ya. Samahan mo muna ang mga kaklase mo. Puntahan mo na lang ako mamaya sa church.
Exy: Sige, bilisan mo raw. Urgent kasi 'yong pinahihingi n'ya.
Agad na tumakbo paalis ang lalaki pabalik sa simbahan samantalang si Exy naman ay hinanap sina Ace pagpasok niya sa loob ng stadium.
Samantala, sa simbahan...
Lalaki: Sob, tawag ka raw ni principal. Urgent daw. Doon sa stadium.
Sob: Eh 'di ikaw muna ang tumao rito.
Lalaki: Ayos lang naman. Mamaya pa naman ang date namin ni Exy saka busy rin s'ya ngayon.
Sob: Sige, ituloy mo na lang din 'yang ginagawa ko.
Lumabas na si Sob at agad na pumunta sa stadium. Samantala, sa loob...
Lalaki: (Ano ba 'tong ch-in-eck ni Sob? 'Yong cams? Kaninang bandang 3 PM?)
Tiningnan niyang mabuti ang screen at nakita niya ang isang lalaki na nagbi-video sa loob ng isang room.
Lalaki: (Lagot! May nakakita sa kanila!)
Aalis sana siya ngunit...
Lalaki: (Wala na palang magbabantay n'yan 'pag umalis ako.)
Wala na siyang nagawa kundi manatili sa simbahan.
Samantala, habang nagsisimula ang video sa loob ng stadium ay papasok naman doon si Sob.
Pagpasok n'ya sa loob ay may narinig s'yang mga nagkakantahan.
Sob: (Mga walang hiya. Ang bilis naman ng recognition. Teka, bakit nasa screen ako?)
Tiningnan ni Sob ang nasa screen.
Sob: (Patay na!)
Babae: Mga tanga, mali! Sa recognition 'yan eh. 'Yong sa kasal dapat.
Agad na pinalitan ng students ang hina-harmonize nila.
Lahat: Kiss! Kiss!
Biglang napatigil ang lahat nang may biglang bumagsak na nagpatigil sa sigawan ng mga students.
Principal: No, no! Hindi ka p'wedeng mabasag. Nanonood pamo ang pope ngayon. Lagot na.
Ilang sandali pa ay may biglang pumasok sa loob ng stadium.
Board Member 1: Dear high school students and law students, you may now go back to your rooms. We'll continue this event next time.
Nagsimula nang magsilabasan ang mga students.
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...