Babae: Sir, bakit nanggaling po kayo sa CR ng pambabae?
Hindi na lang ito pinansin ni Russel at dumiretso lang hanggang sa makalabas s'ya ng ospital.
Ilang oras pa ang nakalipas at papunta na si Russel ngayon sa bahay nina Gina. Bago s'ya makapasok...
Guard: Russel? Ikaw pala 'yan?
Russel: Tito Mark, guard po pala kayo rito?
Mark: Oo, pinatay raw kasi 'yong guard rito kagabi. Sinaksak daw nang maraming beses.
Russel: Kawawa naman po pala s'ya. Sige, papasok na 'ko.
Pumasok na si Russel sa loob ng restaurant. Pagkalayo ni Russel kay Mark ay may biglang tumawag kay Mark. Sinagot naman niya kaagad ito.
Mark: Good evening po, sir Les. Anong mayro'n?
Lester: Mark, dumating na ba si Russel d'yan sa bahay?
Mark: Yes po, pinapasok ko na kanina.
Lester: Good, sige, pauwi na rin ako.
Mark: Sige po, sir Les.
Pinatay na ni Lester ang tawag.
Samantala, sa loob ng bahay...
Gina: Ate, pakibantay na muna 'tong niluluto ko. Ako na muna sa labas.
Babae: Sure po, kayo, chef? Ibang trabaho na po kasi 'yon.
Gina: Ito na 'yong chance mo para patunayan mo ang sarili mo kaya galingan mo. Wow me.
Babae: Thank you po, Chef. Promise po, gagalingan ko talaga rito.
Gina: Sige, good luck sa 'yo. Nar'yan naman 'yong mga iba para i-guide ka.
Lumabas muna si Gina ng kitchen para tumao sa harap ng restaurant.
Ilang sandali pa ay nagkita sina Gina at Russel.
Russel: Hal...
Gina: Bakit ka narito? Kakain ka ba?
Hinawakan ni Russel si Gina sa mga kamay nito.
Gina: Marumi pa ang mga kamay ko.
Russel: Wala akong pakialam kung marumi ang mga kamay mo. Kasi ito ang kamay ng taong pinakamahal ko.
Gina: Utot mo!
Napatingin ang mga kumakain sa first floor kina Gina at Russel.
Gina: Sorry po sa inyo. Please continue eating. Ikaw, lalaki ka, pakibigyan silang mga nasa first floor ng free dessert.
Sob: Opo, Chef.
Umalis naman si Sob sabay irap papunta sa kitchen.
Gina: 'Di ko talaga alam kung pa'no natanggap 'yong lalaking 'yon dito. Kung p'wede lang talaga s'yang tanggalin, matagal ko nang gi...
Russel: ...na.
Gina: Ba't narito ka pa? Umalis ka na. 'Di naman kita kailangan dito.
Russel: Pinapunta ako rito ng kakambal mo. May papipirmahin daw s'ya.
Gina: Ah, 'yong divorce papers ba? Sige, pumasok ka, doon tayo sa bahay ko, sa taas.
Umakyat sina Russel at Gina patungo sa bahay nito.
BINABASA MO ANG
Ace
Ficción General[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...