Episode 27: Alibi (February 6, 2021)

22 2 0
                                    

Liam: Sasama ka sa 'kin kung gusto mo pang tanggapin kita!

Ace: Opo, Li, h'wag n'yo na po akong hilahin. Sasama naman po ako sa inyo nang maayos eh.

Nagsimula nang maglakad na sina Liam at Ace patungo sa sasakyan nito. Habang naglalakad ang dalawa ay may natanaw si Ace...

Ace: (Ito talagang b'wisit na Sob na 'to. Talagang pinuntahan n'ya talaga si Kuya para 'di n'ya 'ko makita)

Nakasakay na sina Liam at Ace sa loob ng sasakyan hanggang sa nakalabas na si la ng gate. Ilang sandali pa ay may biglang tumawag kay Ace...

Ace: Li, sagutin ko lang po 'to si kuya.

Liam: Sino ba 'yan? Akala ko ba na sasama ka na sa 'kin?

Tumigil muna si Liam sa gilid ng daan.

Ace: Baka nag-aalala na po sila sa 'kin, Li. Please, payagan n'yo na po ako.

Kukunin sana ni Liam ang phone ni Ace.

Ace: Li, h'wag mo na pong uulitin 'yong pagtapon ng phone ko, mahal pong ipaayos 'yan.

Liam: Sige, pagbibigyan kita pero sabihin mo na may pupuntahan lang tayo para makapag-usap nang maayos.

Ace: Sige po, Li. Basta po h'wag n'yo po akong sasaktan.

Liam: Anak kita at pinili mo ako kaya h'wag kang mag-alala.

Sinagot na ni Ace ang pagtawag ni Lester.

Lester: Ace! Buti naman at sumagot ka. Nasaan ka ba?

Ace: Kuya, may pupuntahan lang kami ni Li. H'wag mo na po akong sundan. Alam ko namang busy ka. Kaya ko na 'to. 'Di ba lilipad ka pa bukas para sa divorce n'yong lahat?

Lester: Ace, kaya kong i-cancel 'yon. Mas mahalaga ka ngayon. Baka kung anong gawin sa 'yo ng lalaking 'yan.

Ace: Kuya, pangako ko 'to sa 'yo, 'di ko hahayaang may mangyaring masama sa 'kin. Malaki naman na ako. Maliit lang ito kumpara sa mga naging problema n'yo ni ate.

Lester: Basta, i-contact mo ako kaagad kapag sinaktan ka n'ya. Ipakukulong ko talaga s'ya 'pag inulit n'ya 'yong ginawa n'ya sa 'yo kanina.

Binaba ni Lester ang tawag.

Liam: Idi-divorce na pala 'yang dalawang 'yan. Kumusta? Babalik na raw ba sila sa dati?

Ace: Li, h'wag ka naman pong gan'yan. 'Yan na po ang pagkatao nila at wala na po tayong magagawa ro'n.

Liam: May napapansin na talaga ako sa 'yo, Ace. Lalo na kapag kasarian ang pinag-uusapan natin, bigla-bigla kang kumakampi sa mga kapatid mo.

Ace: Alam ko po kasi 'yong hirap na dinanas mila bilang sa gano'n nga po sila. 'Yon lang po 'yon.

Liam: Hindi 'yon. Umamin ka nga, gusto mo bang maging katulad nila?

Ace: Li, kung ano man po ang gusto kong maging, 'di ako maiimpluwens'yahan nina kuya at ate. Ikaw lang naman po ang may ayaw sa kanila eh. 'Di naman po ibig sabibin na kapag kinampihan ko sila eh gusto ko na ring maging katulad nila.

Liam: Pasens'ya na, nililinaw ko lang naman.

Paaandarin na sana ni Liam ang sasakyan nang may bigla muling tumawag.

Ace: Sorry po, Li. Last na po talaga 'to, promise.

Liam: Sino ba 'yan, 'yong baklang kakambal ng kapatid mong tomboy?

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon