Ace: Kadiri ka, ate. Hindi tayo pare-pareho nina kuya. Si kuya, gusto ng babae, ikaw, gusto ng lalaki, ako...
Gina: Gusto ng bakla?
Ace: Basta, ate, wala akong time para sa gan'yan. Iwanan na kita. Tirhan n'yo na lang ako ng ulam ni Mi. Bye.
Umalis na si Ace ng ospital para pumunta sa simbahan kung saan pinapunta si Michael.
Sa isang lugar malapit sa school...
Ace: (Dito ba 'yon? Tanga, malamang ito 'yun. Ito lang 'yong simbahan na nakikita ko pero hindi rito 'yong daan.)
Inikot ni Ace ang simbahan para makarating s'ya sa tarangkahan ng simbahan. Umupo siya sa kung saan malapit sa simbahan na hindi siya makikita.
Ace: (Si Michael ba talaga 'to? Parang may nagbago sa kaniya. Lapitan ko nga.)
Habang sumisilip siya sa loob ng simbahan mula sa labas ay may narinig s'yang mga boses mula sa loob.
Michael: Sige, pupunta na ako. Salamat sa pagsabi sa 'kin.
Ace: (Ayan na. Lalabas na, lalabas na.)
Paglabas ni Michael sa simbahan ay sinalubong siya ng isang taong napakahalaga kay Ace.
Michael: Tito Liam? Narito po kayo?
Liam: Michael, totoo nga. Naging sakristan ka pala. Ibig sabihin, magiging mabuti kang impluwens'ya sa nag-iisa kong anak.
Ace: (Bakit narito si Li? Anong ginagawa n'ya r'yan? Tapos, nag-iisang anak? Gano'n n'ya talaga sinusumpa sina kuya Lester at ate Gina na ako na lang ang kinkilala n'yang anak.)
Michael: Ano pong ibig n'yong sabihin na isang anak? 'Di ba po tatlo sila?
Liam: Si Ace lang ang anak ko. Hindi ko anak ang mga 'yon.
Ace: (Ano na namang pinaplano ni Li? H'wag mo na kaming idamay ni Michael o kaya h'wag mo na 'kong idamay.)
Michael: Ano pong kailangan mo kay Ace?
Liam: Ang gusto ko lang ay siguraduhin mo na hindi s'ya tutulad sa mga bakla sa pageant.
Ace: (Anong tingin n'ya sa 'kin? Hindi dahil wala akong nagiging dyowa ay gano'n na kaagad ako.)
Habang nag-uusap sina Liam at Michael ay may narinig silang nahulog mula sa isang puno. Agad silang tumakbo patungo sa lalaking nahulog.
Ace: Ah!
Michael: Ace?
Liam: Ace, bakit ka narito?
Ace: Ah ano po kasi, may kahihinog lang na bayabas dito, gusto ko lang sanang kumuha. P'wede bang kumuha ng bayabas rito, Michael?
Michael: Sige lang, Ace. P'wede naman.
Kumuha si Ace ng dalawang kahihinog na mga bayabas at inabot ang isa kay Michael.
Michael: Salamat, Ace.
Michael: (Tatanggapin ko 'to bilang pagmamahal mo sa 'kin. Kahit maliit at least mahal pa rin.)
Ace: (Tumigil ka nga. H'wag ka namang makatitig sa 'kin. Gusto mo yata akong tunawin.)
Nagkatitigan lamang ang dalawa nang biglang nagsalita si Liam.
Liam: Ano nang balak n'yong dalawa?
Ace: Sorry po, Li. Sige, mag-usap ka kayong dalawa. Uuwi na po ako.
BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...