Episode 13: Ano 'To? (January 17, 2021)

29 3 0
                                    

Pagdating nina Ace at Lester sa boarding house...

Ace: Tara, kuya, samahan mo ako, kain muna tayo saglit.

Lester: Akala ko ba, sa school ka na lang kakain?

Ace: Nagbago ang isip ko, kuya eh. Since narito naman na tayo, dito na lang tayo kumain. Natatakam na ako r'yan sa binili mo.

Lester: Sige na nga, tara, pasok na tayo sa loob.

Umakyat na sila patungo sa room nila. Bubuksan sana ni Ace pinto nang...

Ace: Oo nga pala, kuya. Nakalimutan kong dalhin 'yong susi rito. Naiwan ko yata kasi sa bahay kanina. May extra ka pa ba r'yan sa 'yo?

Lester: Buti na lang, nadala ko, ito na, buksan mo na para makuha mo na 'yong mga gamit mo sa school.

Binigay na ni Lester ang duplicate ng susi sa boarding house nina Ace at Russel. Agarang binuksan ni Ace ang pinto at tumambad sa kanila sina Christine at Russel sa kalagitnaan ng kanilang kamumduhan. Napatingin silang dalawa sa magkapatid. Nagkatitigan lang ang apat nang...

Lester: Ace, kunin mo na 'yong mga gamit mo, baka ma-late ka pa.

Umalis agad si Ace para kunin ang mga gamit niya sa school.

Christine: Lester, let me...

Lester: Christine, ano 'to, ha? Pinatawad na nga kita noon kasi nagkamali ka pero ngayon...

Ace: Tara na, kuya Les. Naka-ready na ako.

Lester: Hintayin n'yo ako. Mag-uusap-usap tayong apat.

Russel: H'wag mo nang isama si Gina, Kuya Les, please.

Lester: H'wag mo 'kong makuya-kuya. Niloloko mo 'yong kakambal ko tapos aahasin mo 'yong asawa ko. Nahihibang ka na ba? Ace, tara na, baka ma-late ka pa sa school.

Lumabas na sina Ace at Lester at daliang sumakay sa kotse.

Lester: B'wisit sila!

Ace: Kuya, kalma ka lang muna, please.

Lester: Paano ako kalma eh ginago ako ng dalawang 'yon. Ikaw ba, Ace, may alam ka ba sa relasyon nilang dalawa?

Hindi makasagot si Ace sa tanong niya.

Lester: Sumagot ka, may alam ka ba?

Ace: Sorry, kuya. Ilang araw ko nang alam na may namamagitan sa kanila.

Lester: Letse naman, Ace. Bakit hindi mo ako tinawagan para sabihin 'yon? S'ya rin ba 'yong kahalikan n'ya sa States?

Ace: Oo, kuya. Sorry, kuya. Kaya ako nagpumilit na pumasok ka sa boarding house kasi akala ko, titigilan nila tapos hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo kaya dinala na lang kita rito.

Lester: Sige, Ace. Ako nang bahala. Ihahatid na muna kita sa school.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa entrance ng school. Bababa na sana si Ace ngunit hindi lamang siya tinitingnan ni Lester.

Ace: Kuya, galit ka ba sa akin?

Lester: Kung galit ako sa 'yo, siguro kasi natagalan ka para sabihin. Pero mas galit ako sa kanila, mas masakit 'yong ginawa nila sa 'kin, Ace.

Ace: Ayos ka lang ba talaga, kuya? Hindi na muna ako papasok, samahan na lang muna kita.

Lester: Hindi na, kailangan mong mag-aral, matutong mabuhay. Kaya ko 'to, matanda na ako. Lumabas ka na.

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon