Ace: Mag-ingat ka, Michael. Sabihin mo lang kapag sinaktan ka ni Sob. Makatitikim s'ya sa 'kin.
Umalis na ang tatlo at iniwan si Ace mag-isa. Ilang sandali pa ay nasa tabi na niya si Exy.
Exy: Ace, ayos ka lang?
Ace: ...
Hindi nakasagot si Ace sa tanong ni Exy. Nakatulala lang ito na nakatingin sa pintuan ng principal's office. Humarap naman si Exy sa kaniya.
Exy: Hoy, Ace! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Masama ba 'yong ginawa sa kan'ya? Ano?
Pinunasan ni Ace ang mga luha na pumapatak sa kan'ya.
Exy: Oh, panyo mo. Baka marumi 'yang kamay mo.
Ace: Likot talaga ng kamay mo, Ex.
Exy: Ngayong, sabihin mo sa 'kin kung bakit ka umiiyak ngayon?
Ace: Ex, sabihin mo nga. Masama ba 'kong kaibigan? Hindi ko kasi s'ya napagtanggol sa kanila. Wala ba 'kong k'wenta?
Exy: H'wag kang gan'yan, Ace. Kilalang-kilala kaya kita. Alam ko na ginagawa mo lagi ang best mo para sa mga taong mahalaga sa 'yo.
Ace: Talaga?
Exy: Oo naman, ang pinagkaibahan lang ngayon, ngayon ka lang umiyak nang dahil sa tao. Ni hindi ka kaya guman'yan sa mga kapatid mo.
Ace: Anong ibig mong sabihin?
Exy: Umamin ka nga, Ace. Nagugustuhan mo ba si Michael? 'Yong totoo ah.
Ace: Pinagsasasabi mo? Hinding-hindi ko s'ya magugustuhan bilang 'yang iniisip mo.
Exy: Sige, sabi mo eh. Sabagay, 'yan naman talaga madalas 'yong unang stage kapag pumapag-ibig ka, sa simula, magiging denial ka talaga. Tapos, tuloy-tuloy na no'n hanggang maging kayo tapos bawas na ang members ng singles' club.
Ace: Hindi 'yan mangyayari, promise ko sa 'yo 'yan. Wala naman talaga akong feelings sa kan'ya. Sige, pagkasunduan natin, kung may feelings talaga ako sa kan'ya o nagkaroon man lang nang kahit kaunting feelings sa kan'ya, ano...
Exy: May maganda akong naisip...
Ace: Ano 'yon? Parinig naman. Baka lang libre na naman 'yan.
Exy: Nabasa mo talaga ang isip ko, 'no?
Ace: Hindi, kilala talaga kita. Alam ko namang hindi ka makabili ng kung ano gamit ang pera mo kasi mino-monitor ka ng parents mo.
Exy: Sige na, may klase pa tayo. Baka mahuli pa tayo at hindi papasukin.
Samantala, sa boarding house ni Russel...
Lester: Talagang dito ka na tumira?
Christine: Les, ayaw ko na please. Gusto ko na ulit sumama sa 'yo.
Yayakap sana si Christine nang...
Lester: Tingin mo, sasama pa 'ko sa 'yo? Hindi ako gago na katulad mo. Naging loyal ako sa 'yo pero itong ginawa mo na inulit-ulit mo pa talaga. Maganda na 'yang nalaglag ang dinadala mo para...
Christine: Wala kang karapatang sabihin 'yan sa anak ko! Tingin mo, minahal kita kasi mahal talaga kita? Hindi, alam ko kasing gaganda ang buhay ko 'pag kasama ka kaya pinagtiisan kita.
Sinampal din ni Lester si Christine.
Lester: Lalabas din pala mula sa bibig mo ang totoo! Talagang kailangan mo lang talagang makatikim ng tunay na lalaki para lang ma-realize mo na hindi ako ang para sa 'yo.
BINABASA MO ANG
Ace
Narrativa generale[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...