Doctor: Sayang naman, miss, akala ko pa naman ay babae ka. Sorry pero hindi ako pumapatol sa transwoman pero maganda ka pa rin.
Iniwan na ng doktor sina Christine at Claire na nagtitinginan nang masama.
Claire: Walang hiya kang babae ka! Talagang binuking pa ako kay doc. Bakit ba? Ikaw ba, hindi mo ba s'ya type?
Christine: No way, sis. Kadiri. Mas gusto ko pa rin sa babae, 'yang mga lalaki, para sa libog lang 'yan.
Claire: Tama na nga 'yan, pumasok na lang tayo sa loob para tingnan natin kung gising na s'ya.
Christine: Mabuti pa nga kasi mas maayos s'yang kausap kaysa sa 'yo.
Claire: Sige, gan'yan pala ah. Sasabihin ko na lang kay kuya Aaron pag-akyat n'ya na bad influence ka kay Belle kaya s'ya napahamak.
Christine: H'wag naman, Claire. Bati na tayo, please.
Claire: Ganito na lang, ilibre mo na lang ako ng ice cream para hindi na 'ko mainis sa 'yo.
Christine: Sige ba, payag ako. Bukas na rin naman siguro magigising si Belle eh magmamadaling araw na rin naman.
Naglakad sina Claire at Christine patungo sa elevator. Pagbukas nito ay nakita nila si Aaron.
Aaron: Saan kayong dalawa pupunta? Malalim na ang gabi sa labas, baka mapaano rin kayo.
Claire: Bibili lang po kami ng ice cream sa babae. Baka gusto n'yo po, manlilibre daw po kasi si Tine.
Aaron: Sige, idagdag n'yo na lang 'to tapos isang gallon na ang bilhin n'yo para marami kayong makain nina Belle. Oo nga pala, Claire, nagising na ba ang pamangkin mo?
Claire: Hindi pa kuya eh kaya nga maggagala muna kami ng best friend n'ya.
Aaron: Sige, mag-iingat kayo at umakyat kayo kaagad pagkabili n'yo.
Claire: Sige, kuya.
Naglakad na si Aaron upang pumunta kay Belle at iniwan sina Claire at Christine. Pagkalayo ni Aaron sa kanila ay s'ya namang pagsara ng elevator.
Christine: 'Yan, nasarhan tuloy tayo. Wala tayong choice n'yan kundi maghagdan.
Claire: Ayaw mo no'n, makapag-e-exercise ka?
Christine: Ayaw ko nga. Saka bahala ka sa buhay mo.
Nang malapit na silang makarating sa pinakamababang palapag ng hagdan...
Christine: Claire, mauna ka munang bumaba...
Claire: Anong trip mo?
Christine: Basta, mauna ka na.
Nauna na si Claire sa pagbaba habang si Christine naman ay nagpadulas sa gilid ng hagdan.
Nang tuluyan nang nakababa si Claire ay agad namang nakatalon si Christine upang makasakay sa kaniya.
Claire: Aray, sis! Ano bang ginagawa mo? Ang bigat-bigat mo, bumaba ka na nga!
Christine: Ayaw ko nga, hindi ako bababa hanggang hindi mo ako binibilhan ng ice cream.
Claire: Bibili na nga tayo kaya bumaba ka na r'yang babae ka.
Christine: Tsk. Sige na nga.

BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...