Ace: Kuya, oo nga pala, magpapaalam pala 'ko sa 'yo para bukas. Gusto kasing magpasama ni Li sa simbahan.
Lester: Sige, mag-iingat kayo saka h'wag mo nang isipin 'yong kaso. Hahanapin ko kung sino ang may gawa ng lahat ng 'to at sisiguraduhin kong magbabayad s'ya.
Pumasok na si Ace sa bahay nito at tuluyan nang natulog.
Kinabukasan...
Ace: (Ang sarap matulog.)
Pagkalabas ni Ace ay nagulat s'ya sa dami ng tao na nasa loob ng bahay nila.
Ace: (Tae. Bakit ko nakalimutan na restaurant nga rin pala 'tong bahay na 'to? Sana pala, naghilamos muna 'ko. Nakahihiya tuloy sa mga tao.)
Pagbaba ni Ace sa unang palapag ay nilibot niya ang paningin kung makikita n'ya ang taong kinaiinisan niya.
Ace: (Buti naman, wala pa s'ya.)
Ilang sandali pa ay natanaw niya si Gina na nagluluto. Lumapit s'ya rito.
Ace: Good morning, ate. Pinauwi ka na pala pero bakit nagtatrabaho ka kaagad? Baka makasama pa 'yan sa 'yo.
Gina: Ayos lang ako, Ace. Magaling na kaya ako. Wala rin naman akong gagawin kaya mas mabuti pa na gawin kong makabuluhan ang oras ko. Saka napansin mo naman na ang dami nang tao kahit na maaga pa, 'di ba?
Ace: Oo nga, ate. Nahiya nga ako eh, hindi pala p'wede na magmukha kang bangag kasi ang daming tao rito.
Gina: Gano'n talaga 'yon para mapilitan kang mag-ayos. Gusto ka na namin kasing mag-asawa.
Ace: 'Yan na naman kayo, ate eh. Pinagpustahan n'yo pa yata ako kung babae o lalaki ang magugustuhan. P'wes, pareho kayong matatalo kasi hinding-hindi mangyayari 'yon.
Gina: Sige, sabi mo eh. Nga pala, anong order mo? Bayaran mo ah.
Ace: Mamaya na lang ako kakain, ate. May lakad kasi kami ni Li. Gusto mo bang sumama sa 'min?
Gina: Seryoso ka, Ace? Itatanong mo sa 'kin 'yan? Busy nga ako oh saka ayaw naman sa 'min ng Li mo. Mag-ingat ka. Lulutuan na lang kita mamaya.
Ace: Sorry, ate. Mukhang naungkat ko pa yata 'yong tungkol sa inyo.
Gina: Sige, mamaya na lang. Busy pa 'ko.
Umalis na si Ace at bumalik sa taas para magbihis ng pansimba. Ilang sandali pa ay naglalakad na siya patungo sa gate.
Ace: (May guard na kaya?)
May natanaw si Ace na isang lalaki na nakapang-security guard kaya nilapitan niya ito.
Ace: Kuya...
Humarap ang lalaki sa kan'ya.
Mark: Ace. Narito ka na pala. Hintayin mo lang daw sandali 'yong tatay mo, sabi ni Sir Les.
Ace: Tito Mark, kayo po pala 'yan. 'Di ba po, staff kayo ni kuya sa firm n'ya. Bakit po kayo naging security guard?
Mark: Nagte-training pa lang kasi ako ro'n. Ganito talaga 'yong trabaho ko. Buti nga, nagkabahay na si Sir Les kaya 'di na 'ko nahirapang maghanap ng trabaho.
Ace: Sige po, tito. Hintayin ko na lang po si Li rito.
Umupo na si Ace sa isang upuan malapit sa gate habang hinihintay si Liam.
BINABASA MO ANG
Ace
Fiksi Umum[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...