Episode 3: Amang Bigo (January 3, 2021)

46 3 0
                                    

#ACE 

Naglalaro ng charades ang mga bagong kasal kasama si Belle ngunit hindi nila alam na pinanonood sila ni Liam. Nang marinig niya si Lester na nagsabi ng pangalan niya, bigla itong lumapit at hinablot si Lester.

Liam: Sino si Lester? Ikaw si Miguel, hindi ba?

Nagulat ang apat sa biglang paglapit ni Liam sa kanila. Hindi makasagot si Lester kaya lalong nagalit si Liam.

Liam: Sumagot ka, Miguel! Bakit Lester ang pangalan mo?! Ikaw, Leslie? Anong pangalan mong talaga? Miguela? Sumagot kayo!

Russel: Gusto mo ng sagot? Dating si Leslie iyang hawak mo, si Lester na siya ngayon at si Gina, iyong anak niyo ang asawa ko.

Nagulat si Liam at bigla itong sinuntok si Russel. Biglang lumapit si Gina kay Russel.

Gina: Li, huwag mo pong sasaktan ang asawa ko.

Liam: Asawa mo? Huwag kang hibang, Miguel. Pareho kayong lalaki, iyan ay kung lalaki ka pa. Akala ko pa naman, nagbago na kayong dalawa ni Leslie, iyon pala, tinuloy niyo iyang kahibangan niyo. Kaya pala sa ibang bansa kayong lahat nagpakasal.

Gina: Ikaw lang naman po ang gustong magbago kami. Hindi namin ginusto ito, alam mo iyon? Pero ni hindi mo po kami matanggap ni Lester kahit anong gawin namin.

Liam: Sinong Lester iyan ah, Miguel? Wala akong anak na Lester, ni Gina. Ang alam kong anak ko ay sina Leslie at Miguel lang. Utang na loob, ibalik niyo sila. Kung hindi, babasagin ko na lang ang mukha mo para maging lalaki ka ulit.

Akmang susuntukin na ni Liam si Gina nang bigla siyang sinuntok ni Lester.

Lester: Huwag na huwag mong sasaktan ang kapatid ko, Li o ako ang makakalaban mo. Kung hindi mo kami tanggap, lumayas ka rito, hindi ka naman namin kakailanganin kahit kailan. Isaksak mo ito sa makitid mong kokote, Li, hinding-hindi ka namin matatanggap bilang ama namin.

Liam: At sumasagot ka pa? Wala talaga kayong respetong dalawa, ang dapat sa inyo ay sinusunog eh.

Dumukot si Liam ng lighter sa bulsa niya at pinilit itong sindihan upang ibato sa kanila. Ngunit walang lumalabas na apoy rito kaya bigla itong hinablot ni Russel at hinagis sa may mga kurtina.

Liam: Bastos ka talaga, hindi ko rin kayo tanggap ni Christine dahil pinalala niyo iyang sakit ng mga anak ko!

Lumabas si Liam habang hawak-hawak ang boteng nakuha nito bago siya lumabas.

Christine: Ayos ka lang, Lester ko?

Sasagot sana si Lester nang biglang sumigaw si Belle.

Belle: Fire! Help!

Napaliligiran si Belle ng mga umaapoy na kurtina. Samantala, sa taas...

Ace: Hello? Ate Christine, bakit?

Christine: May sunog sa baba. Pababain mo na sila riyan. Tapos si Belle...

Ace: Napaano?

Christine: Na-trap siya sa sunog! Kuha kayo ng tubig please!

Ace: Sige, ate, papunta na kami niyan.

T-in-ext na lang ni Ace ang ina para masabihan din si Michael na kailangan nang bumaba dahil sa sunog. Nakita niya si Belle na umiiyak at napaliligiran pa rin ng sunog. Tumalon siya patungo at Belle at binuhat ito hanggang makalabas.

AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon