Natapos na ang overtime ni Christine sa pinagtatrabahuhan nito. Nang palabas na siya ng opisina ay may biglang yumakap sa kan'ya.
Christine: Sandali, bitawan mo nga ako!
Russel: Ayaw ko, mahal. Yayakapin lang kita hanggang hindi mo ako kinakausap.
Christine: Kausap mo na nga akong tanga ka. Bitawan mo na ako.
Hindi pa rin bumibitaw si Russel sa kaniya.
Russel: Samahan mo ako, babe.
Christine: Kanina mahal tapos ngayon, babe? Ano ba talaga? Nalilito na ako ah.
Russel: Gusto kita.
Pumiglas na si Christine kay Russel at sinampal ito sa mukha.
Russel: Anong ginawa mo?
Christine: 'Yan! 'Yang kakatihan mo!
Russel: Gusto mo rin naman 'yon, 'di ba?
Christine: Hindi! Inakit mo lang ako, ayaw ko naman talagang lokohin si Lester lalo na kung para lang sa 'yo.
Russel: Nagpaakit ka naman, alam ba ni Lester na ako 'yong kahalikan mo?
Christine: Wala kang pakialam do'n. Hindi tayo magkaano-ano para tanungin mo ako nang gan'yan. Aalis na ako, bahala ka r'yan.
Umalis na si Christine at iniwan si Russel mag-isa. Samantala, sa bahay, naghanda si Gina para pumunta sa school nina Ace para puntahan si Russel.
Rose: Gina, may lakad ka pala.
Gina: Opo, Ate Rose. Pupuntahan ko lang po 'yong asawa ko sa school. Matagal ko na rin po s'yang hindi nakita.
Rose: Ah, nag-aaral pa pala 'yong asawa mo, hija?
Gina: Ay hindi po, Ate. Guro po s'ya ro'n.
Rose: Ahh, pasensiya ka na.
Gina: Ayos lang po. Pakisabi na lang po kay Les na pinuntahan ko lang si Russel.
Rose: Mag-ingat ka, anak.
Gina: Thank you po. Mauuna na po ako.
Rose: Bata ka pa para mauna, Gina.
Gina: Sorry po, iba po pala ibig sabihin no'n. Aalis na po ako. Bye bye.
Pagkalabas ni Gina ng bahay ay sumakay na ito ng taxi papunta sa academy na pinagtuturuan ni Russel. Pagkarating n'ya rito...
Guard: Good afternoon po, Ms.
Gina: Good afternoon din po.
May pinag-usapan saglit sina Gina at ng guard nang may biglang bumangga sa kan'yang babae.
Babae: Ikaw 'yon.
Gina: Ako po 'yong alin?
Babae: Ikaw 'yong baklang asawa ni Mr. Galang.
Gina: Sinong nagsabing bakla ako? Babae ako.
Babae: Naging babae ka lang pero hindi mo mapapalitan ang katotohanang lalaki ka pa rin.
Gina: Sandali, hinusgahan mo na ako at lahat, ni hindi nga kita kilala eh.
Babae: Ako lang naman ang boss ng asawa-asawahan mo.
Gina: Ah so ikaw pala 'yong principal.
Principal: Tama ka, hijo. Ako nga ang principal ng school na ito. At bakit ka narito. Wala nang klase at wala ka na ring pupuntahan dito.

BINABASA MO ANG
Ace
General Fiction[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan kaya niya ang mga katagang sinabi niya sa mga kapatid? Makayanan niya kayang hindi umibig lalo na kung kusa na itong lalapit sa kaniya? Matata...